Day 02

5 0 0
                                    

May 15, 2020

Hi Ej I love you

6:41 ng Umaga ikaw agad naisip ko, ayos ka lang ba mahal ko? Sana ay bumuti na ang pakiramdam mo. Hihintayin kong bumuti ka hihintayin kita. Madami pang pangarap at pangako, mahal na mahal kita Ej at mananatili 'yun sa puso at isipan ko.

Noong panahon na sinabi mo sa'kin na mag tiwala ako sa'yo nagtiwala ako sa'yo, at alam kong babalik ka.

It still hard to believe that you left me with that kind of explanations Ej and it still hard for me I can't accept it I will not accept it. Comeback to me now please hindi pa huli ang lahat, isang beses lang tayo mabubuhay gusto ko ikaw lang Ej. Please get up babe I cannot win this battle alone. Remember when we talked about the boat and the water? akala ko parehas tayo sasagwan? Babe gumising ka I need you now babe more than anyone.

'Wag ka muna susuko babe love na love kita ehhh magkakaanak pa tayo tapos 'yung greek mythical name ang ipapangalan natin diba? Babe 'wag ka muna manghina d'yan daya mo naman ehhh..

Alam mo ba naiisip ko ngayon, may iba ka ng gusto sobrang nakakalungkot.. masaya ka ba talaga d'yan? ikaw nag sabi na pansamantalang saya lang 'yang mga ganyan bagay.

Intayin kita hangga't hindi pa ako kinakain ng dilim hangga't may liwanag pa sa'kin. Don't worry Babe. We will be together for all of your lifetimes. And we will never give up. Through ups and downs.

'Wag ka sana mawalan ng pagasa babe... Tiwala ka lang sa samuel mo ha? Nagkaroon lang tayo ng hindi pagkakaintindihan ha? 'wag ka susuko ahhh hihintayin pa kita.

Babe ang lamig dito gusto ko yakap mo, gusto ko ng mainit mong halik para mawala lahat ng lamig na 'to ayaw ko ng jacket at kumot. Sana ikaw rin ahhh mag medyas ka kung pwede madali ka pa naman lamigin dahil mapayat ka long sleeve is life diba? Miss na kita.

Gusto sana kita ichat pero nanood ako, naghanap ako ng mga paraan para hanapin mo din ako, at ayun ang alisin muna ang tensyon mo sa akin tutulungan kita d'yan baka magigising ka na, sana.

Kumusta ako babe? Ayun gano'n pa rin ako andito lang mag sstay sa tabi mo, mahal ka kahit nasa ganitong krisis tayo. Sabi ko sa'yo hindi ito mamamatay agad. Kapag pinaglaban kita ipaglalaban kita. Tanda mo noon babe? Ayaw mo sa isang relasyon 'yung one sided love? ayaw ko iparamdam sa'yo 'yun babe na feeling mo ikaw lang nagmamahal, kaya ang ginawa ko ginalingan ko masyado hehehe bilib na ba yarn? Patawarin mo si daddy sam ahhh patawarin mo ko. Nagkakaganyan ka lang kasi miss mo ko hehehe ayieee miss ako nyan aminin.

Babe ang lakas ng ulan, okay na ba kisame niyo? naalala ko lang kisame niyo bigla hindi ko alam kung okay na ba wala ako maalala alam mo naman ako hindi maalam magbasa pero sana, okay kayo d'yan. At sana 'wag ka magreklamo na ang lamig lamig ahhhh pinili mo 'yan.

Sana ayos ka lang talaga, naiisip mo ba ako Ej? sana naiisip mo ko ngayon :( pero wag mo problemahin alam kong pogi ako pero haays wag masyado isipin ah.

Take your time to rest I know sobrang pagod ka na sa'kin and I understand you and I should be. Thank you for everything babee ito ba 'yung sinasabi mo na dapat ipagpasalamat ko? Well thank you babe natututo na ako nalalaman ko na kung anong love language meron ka. Thank you.

But for now magpahinga ka muna, we can work this out together, if they leave you easily, well I won't you're worthy of my love my endless love.

Grabe babe, pagbukas ko ng viber ko nakita ko profile pic ni mama may kasamang iba nalulungkot ako babe.

Babe ako ulit 'to, sakit ng ulo ko babe. Kaiisip siguro paano tayo magiging maayos. Pero 'wag mo ko alalahanin ayos lang ako. Malakas 'to eh syempre kapag malakas ako mabubuhat na kita kung papabuhat ka. Sana makatulog ako ng maayos sana ikaw rin. Take your time babee ibibigay ko 'tong ginawa ko once kinausap mo na ako or kung kakausapin mo nga ba ako.

I love you

Breakup: Ej And SamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon