Day 15

3 0 0
                                    

May 28, 2020

Hi Ej,

I'm still waiting here, hindi mo na ba talaga ako mapapatawad? Hindi ko ba talaga deserve ng second chance? Hindi ba natin deserve 'yun? This is too much Ej, may pwede ba ako gawin para maging tayo ulit? If the problem is you, bakit mo ko dinadamay? Ba't relasyon natin ang nasira? Sinabi mo sa'kin before na maging transparent ako na maging honest ako sa nararamdaman ko ito ba 'yung kabayaran sa pagiging honest ko sa nararamdaman ko?

Sabi mo pa noon, na hindi tayo maghihiwalay dahil hindi mo nakikitang gano'n. Pero anong ginawa mo? Na tanong mo na ba sarili mo sa actions na ginawa mo? 'Wag mo naman ako bigyan ng rason para sumuko, pero alam mo bang maliwanag na sa'kin lahat ng mga ginawa mo? Show some respect Ej.

Every day na maiisip ko ang nangyari sinisisi ko na ang sarili ko na BAKIT KO BA SINABI 'YUN? Tch hay nako Ej ayusin mo buhay mo ah. Ayaw kong dumating sa point na pati ako pagod na rin ako alam ko na lahat Ej ang linaw na pero nagpapakatanga pa rin ako sa'yo dahil lang sa sinisigaw ng puso ko na mahal kita.

Breakup: Ej And SamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon