Day 03

4 0 0
                                    

May 16, 2020

Hi Ej,

I think that would be my last message for now. Gusto ko munang mag rest ng sandali masyado akong napagod mag isip. And also, I will help you to realized ano bang halaga ang meron ako sa'yo, dahil sobrang bilis. Naisip ko tuloy kung infatuation lang ba 'yun or love kasi ang bilis tinalikuran mo 'yung mga pangako mo sa'kin tinalikuran mo ko.

Kaya ngayon ibibigay ko gusto mo, sana maging maayos ka i distansya ko muna sarili ko sa'yo ayaw kong maging negatibo sa paligid mo.

Alam mo ba ngayon ang takot ko? Kung sakaling imensahe mo ko? Natatakot ako na baka wala na talaga pero may part na umaasa pa rin ako kasi kaya pa talaga ayusin eh.

Ej ano ba gusto mo sa'kin iparating? pwede bigyan mo ko ng paliwanag? hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapag isip ng maayos simula ng mawala ka sa'kin. Ang dami kong tanong Ej pero ayaw ko na lang muna ngayon sabihin sa'yo ayaw ko makaabala pa ayaw ko ng basagin pa ang tahimik mong mundo. Mahal ko labis na ang sakit na nadarama ko simula ng mawala ka labis labis na baka naman pwedeng bilisan mo d'yan ayaw kong manghina ayaw ko mawawala ako sa sarili ko. Please Ej sundin mo ang puso mo sundin mo wala tayo sa teleserye hindi na natin mababalik ang tayo kung sakaling tuluyan ka ng tumalikod sa'kin kung sakaling mawala ka, Pero pwede pa natin matama ang lahat pwede pa natin mapagusapan lahat pwede pa Ej pwedeng pwede. Sana magkaroon ka ng pagasa. Wala sa atin nagloko wala.. dahil minahal natin ang isa't isa. Isa lang 'tong pag subok kaya natin 'to makakaya mo 'to.

Nasa tabi mo lang ako, wala ako gagawin kundi ang iparamdam na mahal kita, kung tanging pakikipagduwelo sa sarili mo ang makakatulong sa'yo bakit hindi? hindi ako tutulong andito lang ako ayaw ko muna mangealam. Please Ej laban ka lang nalaban pa ako mahal kita Ej sobrang mahal na mahal. Ayaw mo ako mawala edi bumalik ka hindi pa huli ang lahat. Bihira lang 'tong ganitong pagkakataon bihira lang baka mahuli pa tayo ahhh kaya balik ka anytime pwede ka bumalik andito lang ako, mananatiling magmamahal sa'yo.

Maghihintay ako Ej, maghihintay ako..

Natatakot ako babe, mag online ka kaya mamayang 12:AM ng May 17, 2020? Natatakot ako baka hindi mo ako batiin at hindi mo na ako patawarin ayaw kong mag expect. Naisip ko rin baka huling paalam mo na ang mabasa ko ayaw ko no'n gusto ko closure kung sakali para naman masapak kita no? Pero hanggang ngayon naniniwala akong mahal mo ako naniniwala ako do'n kasi hindi ka magsasalita ng gano'n kung wala lang.

Breakup: Ej And SamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon