May 23, 2020
Hi Ej,
Wala ka pa rin paramdam, kumusta ka na ba d'yan? Ano pinagkakabalahan mo na? Sana kumakain ka ng marami d'yan bawal pagutom nagpapataba ka ehhhh.
Ako ayos lang naman ako work and alam mo na hawak ko oras ko I'm doing good. May mga ilan lang akong bagay na iniisip pero hindi naman na mabigat.
Hmmm babalik ka pa ba? Saka mahal mo pa ba ako? Sana masagot mo na mga tanong ko Ej, naiinip na ako eh just kidding. I'm good, balanced and still good looking.
Sana ayos ka lang d'yan nag aalala ako..
Mag gagabi na pero wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa'yo nagbaba na ako ng pride ko pero wala pa rin.