Day 12

3 0 0
                                    

May 25, 2020

Hi Ej,

Siguro nga ay wala ka ng balak pang bumalik pero umaasa pa rin ako hanggang ngayon. Gano'n na ba kabigat ang nagawa ko para gawin mo ito sa atin? Alam kong magkaiba tayo ng sensitivity sa mga bagay pero sana may mapag isipan mo pa.

'wag ka mag alala kahit alam kong wala kang pake, nakakatulog naman ako ng ayos. Salamat kung mag alala ka man.

Sana ay gumaan na ang pakiramdam mo, ayun na lang ang tangi kong dalangin. Kung mag drama man ako sa facebook hayaan mo na, ayun ang nararamdaman ko. Ayaw kong solohin ang saloobin ko, pero hindi ibig sabihin non ay nahingi ako ng simpatiya ng iba, gano'n na ako matagal na, may relasyon man o wala gano'n na ako mag posts. Salamat

Sana ay dumating na rin ang panahon na wala na akong iniisip na problema. Alam ko naman na matagal ka ng nawawalan ng gana, alam ko. Kaya nga nahingi ako sa'yo minsan ng pabor na gawin ang mga natural na bagay enh pero ayos lang sa'kin 'yun ngayon. Matulog ka na at maging malusog.

Breakup: Ej And SamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon