Naririnig mo ba?
Mula sa aking puso
Naririnig mo ba?ang tinitibok ng puso ko aking sinta?sa t'wing ikaw ay aking makikita, walang ibang gustong gawin kundi ang titigin ka.
Naririnig mo ba? ang pulso ng puso ko?sinisigaw lang ay pangalan mo na halos ikabingi nang mundo ko.
Naririnig mo ba? ang pagmamahal ko? marahil ay hindi, dahil iba ang naririnig sa ginagawa. pagmamahal ko na yayakap at hahalik sa'yo.
Pero bakit gano'n mahal ko? Anong nangyari sa'yo? nanlalamig ang puso mo at pakikitungo mo.Dahil ba ako ang naging dahilan? Dahil kaya ka nagkakaganyan? Ano bang dapat ko gawin? Ang manahimik dahil gusto mo ng espasyo? pero mahal naman natatakot ako na baka maging permente na ang pag alis mo. Dapat ba akong mangulit para maramdaman mong nasa tabi mo lang ako para alam mong hindi nagiisa sa laban mo?
Akala ko ba'y naririnig mo? akala ko ba'y tutuparin natin 'yung mga pangako sa atin ng mga taong nagwasak sa atin. Ano sa iba ko na naman dapat marinig ang mga pangako? Kung mababalik ko lang ang saya sa'yong labi, kung mababalik ko lang ang sigla ng 'yung pakikitungo. Pero paano? naipit tayong dalawa dito sa sitwasyon na kung saan sinusubok kung hanggang kailan kaya natin maghintay.
Alam ko nabigla ka lamang sa iyong mga nasambit, lubhang umiral ang iyong lungkot, pagkadismaya at pagkagalit.
Tangina mahal, wala ako magawa, pulis, sundalo, at layo ang kalaban ko, hindi ko magawang mayakap ka, hindi ko magawang mahalikan ka para mabawasan ang dinaramdam mo. Gusto ko akuin ang sakit gusto ko alisin ang lungkot sa'yong puso. Gusto kita mayakap gusto ko yakapin ang madilim nagdidilim mong pagkatao.
Alam kong babalik ka, alam kong tutuparin natin ang mga gintong pangarap natin sa isa't isa. Walang kasiguraduhan kung kailan pero gusto ko lamang malaman mo kung gaano ako kahandang maghintay.
Hanggang dito na lamang ang tula kong puno ng pagmamahal at lungkot, dahil kagaya natin tayong dalawa ay parang tula, may taludtod, may damdamin, at may tugma.
Hihintayin kita, kagaya ng pangako natin noong una natin pagkikita. Titiisin, lalaban, hahamakin ang lahat dahil walang makakapigil sa puso kong ang sinisigaw ay walang iba kundi ang pangalan mo, kundi ikaw Ginoo ko.