PROLOGUE

169 5 2
                                    


PROLOGUE

BIGLA akong nagising sa kalagitnaan ng mahimbing kong tulog.
Gusto ko pang matulog dahil nakakaramdam pa ako ng antok, lalo pa't parang iisang oras pa lang akong nakaidlip. Kaka-uwi ko lamang mula sa dinaluhang party sa isang bar.
Nagsalin ako ng alak sa baso at hawak-hawak ito habang lumalapit sa salaming ding-ding ng aking penthouse, dito sa pinakamataas na parte ng condominium na pag-aari ko.
Nagkikislapan ang mga gusali at ilaw sa labas, tila mga munting alitaptap sa kalagitnaan ng madilim na gabi, normal na tanawin dito sa New York.

Tiningnan ko ang relong pambisig, ala-dos pa lamang ng madaling araw. Huminga ako ng malalim, mukhang magiging mailap na ang antok sa akin.

Alitaptap. May taong pinapa-alala sa akin ang munting insekto na iyon. Insektong hindi naman makikita sa lugar na katulad nito, pero parang hindi ako nilulubayan ng aking alaala sa kanya.

Itinukod ko ang siko sa salaming dingding at pinagsawa ulit ang mata sa tanawin sa labas. Nakaramdam ako ng lungkot at tila isang parte ng aking pagkatao ang nawala.

Hindi ko maiwasang isipin, kumusta na kaya siya? Naaalala pa kaya niya ako? Nagmahal ba siya ng iba bukod sa akin? Kung sakali mang bibigyan kami ng ikalawang pagkakataon, pipiliin kaya niyang mahalin ako ulit? Kasi ako, kahit ilang beses masaktan , gusto ko pa ring balikan ang lahat ng nangyari sa amin dati, dahil isa siya sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Napukaw ang pag-iisip ko dahil sa tunog ng telepono. Wala akong nagawa kung hindi sagutin ito.
"Rafael, mabuti naman at sinagot mo ito. Alam kong kapag ganitong oras, nandiyan ka talaga sa penthouse mo. Mga gamit mo nakahanda na ba iyan?" salubong agad ni Mommy sa akin pagsagot ko.
"Yes Mom." inaantok kong sagot para ibaba na niya agad ang tawag. Alam ko na kung saan papunta ang usapan namin.
Mangungulit na naman siya at hindi ako titigilan hangga't hindi ako napapayag, gaya ng sapilitan niyang pagpapa-uwi sa akin sa Pilipinas.
"Don't talk to me that way Lance Rafael. Kapag ako kausap mo ng ganitong oras inaantok ka, pero if I know, nagpa-party ka lang naman. Ano bang plano mo sa buhay  ha. Diyos ko Rafael, simple lang naman ang pinagdadasal ko gabi-gabi, na sana mag-asawa ka na para may maalagaan na akong apo." nagsimula na namang mag-drama ang Mommy ko.

"Mom, here we go again. Pinagbigyan na kita o, uuwi na ako ng Pilipinas para may magma-manage ng mga property natin sa Sta. Elena, saka na lang iyang mga apo mo. One at a time, kaya chill ka lang Mom." natatawa kong sabi. Iinit na naman ang ulo niya na lalong magpapasaya sa akin. Ang sarap lang
niyang inisin .

"Hay naku, ire-remind lang kita Rafael, you're already thirty two years old , yet wala ka pang planong mag-settle down? Hanggang kailan ka ganyan? Tatanda ka talagang binata niyan. Your just jumping from one woman to another." simula ng sermon niya.

"Mom, hold there, binata ako but hindi ako matanda. One day may aalagaan ka ding bata diyan kaya enjoy lang natin ito." mas lalo ko pa siyang ininis.

"Wala namang patutunguhan ang usapang ito kaya ibababa ko na ang tawag. Hindi kita maihahatid bukas sa airport ha, kaya ingat ka sa biyahe. Tumawag ka agad sa akin kapag dumating ka na ng Sta. Elena." bilin niya bago ibinaba ang telepono.

Bumalik na naman ang katahimikan pagkatapos naming mag-usap ni Mommy.

Nahahati ang kabang nararamdaman ko ngayon. Kaba dahil babalik na ako sa lugar na may espesyal ng parte sa aking puso at kaba dahil nasasabik akong makita ulit ang isang taong mahalaga sa akin.

Napatawad na kaya niya ako?
Naka moved-on na kaya siya?

Dahil ako, hindi pa. Sinubukan ko, pero sadyang bumabalik pa rin talaga ako sa kanya.

"Bakit ba parang takot na takot kang bumalik ng Sta. Elena?" natatawang tanong minsan sa akin ng pinsan kong si Lance.

Alam kong biro lamang iyon, or parte lang ng mga asaran namin, but that caught me off guard.

I was there, twelve years ago, but everytime I want to go back, binabalak ko pa lang, naduduwag na kaagad ako.

Ang mga nangyari sa akin sa nakalipas na labing dalawang taon na iyon ay buhay na buhay pa sa aking alaala.
Mga sakit. Sakripisyo. Mga dapat piliin.
Nasaktan kami pareho. Nasaktan ko siya.

"I'm sorry Tammy kung kailangan kong isakripisyo ang relasyon natin." mahinang usal ko.

Tiniis ko ang mga nagdaang taon na hindi siya kumustahin. I even blocked her on my social media accounts, kahit hindi naman kami friends.
Takot ako na baka hanggang ngayon, hindi pa niya ako napapatawad. Hindi pa din nawawala ang sakit na idinulot ko.

Kung may pagpipilian lang ako ng mga panahong iyon, hindi sana kami magkakasakitan.

Tama na kaya ang narating ko para masabing ako ang pinaka karapat-dapat para sa kanya?

"Your nothing without your surname Mr. dela Vega." nabuhay muli ang mga katagang iyon sa aking isip. Mga katagang binitawan ng kanyang ina laban sa akin.

"You are just a dela Vega, without that wala ka. I want the best for my daughter, at hindi ikaw iyon. Wala ka namang narating hindi ba? Nagtatago ka lamang sa likod ng apelyido mo. Wala ka ngang matinong natapos o even good grades. You should stay away from my daughter. May pangarap kaming dalawa ng anak ko, at dahil sa iyo baka hindi pa niya marating iyon." until now, it hurts like hell. Hindi dahil minaliit niya ako kung hindi ang marinig mismo sa kanya na hindi ako ang nararapat para sa anak niya.

Inilapag ko ulit ang hawak na basong may alak. Looking at those skyscrapers , reminds me of Sta. Elena.
Kung hindi dahil sa pangungulit ni Mommy dahil sa mga properties na naiwan namin doon, hindi pa sana ako babalik, dahil alam kong kulang pa ang aking lakas ng loob.

Pero bahala na. Tinapunan ko ng tingin ang ilang mga maletang dadalhin pag-uwi doon, bukod sa nararamdaman ng aking puso.

Marami akong nakarelasyon pagbalik ko dito sa States mula ng huling bumisita ako ng Sta. Elena, sa pag-aakalang mapapalitan ko rin siya , but at the end of day, she's still the one who will complete me.

Wala akong pinagsabihan sa nangyari sa akin sa huling punta ko ng Sta. Elena. Hindi dahil sa ayokong malaman nila, pero bumabalik ang sakit kapag babanggitin o naaalala ko iyon.

Bukas, haharapin ko ang minsan ng tinakasan ko doon.

Ang taong, espesyal sa akin.
Ang babaeng may puwang sa aking puso, mula noon hanggang ngayon.

Ang babaeng minsan kong binitawan. Ang babaeng kailangan kong iwanan kapalit ng mga pangarap niya.

Ang kaisa-isang babaeng minahal ko.

TAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon