CHAPTER 5

37 2 1
                                    


 CHAPTER 5

ILANG araw naging usap-usapan ang hayagang pagbibigay ng bulaklak sa akin ni Rafael.

Nandoon ang kakambal na lait at mga haka-haka.
"Nililigawan dahil matalino, para taga-gawa ng assignment at projects ni Raf."
"Ang choosy niyang si Miss President. Pero baka makapasa si Rafael sa kanya, gwapo na mayaman pa."
"Naku, dagdag lang iyan sa collection ni Raf, bali-balitang daming karelasyon niyan sa States."

Bulaklak lang binigay ni Rafael , ang dami ng sinasabi. Hindi ko naman tinanggap iyon , wala rin naman akong planong makipaglapit sa kanya.

Inuubos ko na lang ang oras sa pagiging busy para sa nalalapit na JS prom at paghahanda sa aming graduation. May school paper pang dapat i-finalized , may yearbook pang aasikasohin kasama ang ilang mga piling estudyante.

Kaya ilang beses na akong late nakaka-uwi. Ayos lang naman kay Mama basta activity sa eskwelahan ang pinupuntahan ko.

Kagaya ngayon, mag-aala-sais na ng gabi bago ako maka-uwi.
Medyo baha pa ang kalsada dahil sa malakas na pag-ulan.
Kahit may payong, nababasa pa din ang manggas ng aking school uniform at laylayan ng palda. Pati medyas ko at sapatos hindi rin nakaligtas sa pagkakabasa.

Mas madilim din ang paligid ngayong gabi, kumpara sa mga araw na walang ulan.

Ako na lang mag-isa ang nakatayo ngayon sa waiting shed. Hindi din ako maka-upo dahil basa din ang mga upoan dito.
May iilang traysikel ang dumadaan pero punoan, normal na eksena kapag tag-ulan.

Unti-unti nang nanunuot ang lamig sa aking paa at braso. Magkakasipon yata ako bukas. Kailangan ko ng maka-uwi para makaligo na.

Mga kinse minutos na akong nakatayo dito pero hindi pa din ako nakakasakay. Nangangalay na ang aking paa at likod dahil na din sa bigat ng bag na dala-dala ko.

May mga paggalaw akong nakita sa kabilang bahagi ng kalsada. Akala ko mga kapwa ko rin estudyante na wala ng masakyan tulad ko pero hindi pala.

Dalawang lalaki na nasa dalawampung taong gulang at medyo hindi maganda ang aking kutob.

Kinakabahan na ako at gusto ko ng tumakbo. Medyo malakas pa din ang buhos ng ulan at mas kumalat na ang dilim sa paligid. Paano kung saktan ako ng mga lalaking iyon.
Nagkataon pang wala na talagang dumadaang traysikel. Kahit siksikan, hindi bale ng mas lalo akong mabasa basta maka alis lang ako sa lugar na ito at makalayo sa mga lalaking iyon.
Papatawid na sila papunta sa kinaroroonan ko , at napahawak na lang ako ng mahigpit sa strap ng aking bag. Nanginginig ang aking tuhod hindi dahil sa ginaw kung hindi dahil sa matinding kaba.
Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng aking palda at sinubukang tawagan ang sinumang number na unang makita doon. Pero parang hindi kumampi ang swerte sa akin dahil na-lowbat pa ako.
Nanginginig ang aking kamay na binalik ito sa bulsa at napapalunok na ako ng laway sa tinding kaba.

Nang nakalapit ang mga lalaki mas sumiksik pa ako sa pinakagilid ng waiting shed. May tattoo ang ilang bahagi ng kanilang katawan at punit-punit ang shorts na suot. May mga hikaw sila sa kanilang tainga pati na din sa ilong.

"Miss, saan ang punta mo?" nakangising sabi ng isa. Sa paraan ng kanyang pagkakatingin sa akin, alam kong hindi maganda ang kanilang pakay.
Hindi ako sumagot pero matindi na ang takot na lumukob sa akin.

"Oy, pare suplada. Hindi sumasagot oh. Bakit kaya ganyan ang mga magaganda? Hindi tayo pinapansin." sabi naman ng isang kasama niya na medyo pula ang mata.

"Sumama ka na lang kaya sa amin? Tiyak magiging masaya ka." at akma na akong hahawakan ng kanyang maruruming kamay. Kahit wala na akong mauurungan , sumiksik pa rin ako sa gilid at sumusungaw na ang butil ng luha sa aking mata dahil sa matinding takot.
Pumikit na lang ako ng mariin at nag-usal ng panalangin na sana naman may tutulong sa akin.

TAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon