Chapter 8

34 2 3
                                    


 CHAPTER 8

PAGDATING ng Lunes , usap-usapan sa buong eskwelahan ang nangyari sa bahay nina Rafael noong sabado. Hindi na ako magtataka kung bakit. Sa kanyang kasikatan, sa kanyang kisig at yaman, siya ang pinapangarap ng halos lahat ng babae dito man o sa labas ng eskwelahan.

"Feel na feel naman niya. Akala mo kung sinong maganda." masungit na sabi ni Wela, pagdaan ko malapit sa kanila.

Hindi ko na lang pinatulan at hindi ako pwedeng makipag-away. May image akong pino-protektahan, siya wala, kaya kahit saang anggulo tingnan, ako ang lugi.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may biglang pumatid sa aking paa. Muntik pa akong mapasubsob sa semento mabuti na lang at nabawi ko pa ang aking balanse.

Nilingon ko ang grupo nila at hinanap kung sino ang may gawa no'n. Nakataas ang mga kilay ng mga babae habang may nakakalokong ngiti ang ilang lalaki.

"Ano? Papalag ka? " matapang na tanong ni Wela.
Naramdaman ko ang paglapit ni Jewel sa amin at hinawakan ang aking braso.

"Bakit mo ginawa iyon? Anong kasalanan ko sa'yo?" tnong ko na pinipigilan ang galit na sumabog.

"Alam mo, pabida ka eh. Gusto mo ikaw na lang lahat. Ikaw ang pinakamatalino, ikaw ang magaling, at ngayon naman pati atensiyon ni Rafael gusto mo ring agawin? Ganyan ba talaga ang mga anak sa labas? Uhaw sa atensiyon kaya halos lahat inaagaw na lang?" nangungutya ang kanyang mga mata. Parang kutsilyong tumarak sa aking puso ang binitiwan niyang salita.

"Kahit kailan wala akong inaagaw. Choice niyo naman yan eh, kung bakit mababa ang mga grades niyo. At si Rafael, hindi ko siya pinipilit na lumapit sa akin, ipinagtataboyan ko pa nga siya pero lumalapit pa rin." paliwanag ko.

"Ang sabihin mo, malandi ka lang talaga! Manang-mana ka sa nanay mong kabit!"

Para akong nabingi dahil sa kanyang sinabi kaya nabitawan ko ang aking kamao na kanina ko pa pinipigilang dumapo sa kanyang mukha.

Dumugo ang ilong niya, sabay ng pagdating ng ilang mga teachers at inimbetahan kami sa principal's office para pag-usapan ang nangyaring away.

"What was that all about?" tanong ng aming principal.

"Siya po kasi Ma'am nauna." turo agad sa akin ni Wela.

"Totoo ba ito Miss Navaroza?" baling ng principal sa akin.

"Hindi po." umiiling kong sabi. "Pinatid niya po ang aking paa at kung ano na ang sinasabi niya. Sinabihan niya po akong malandi tulad ng nanay ko." pinigilan kong maiyak habang nagre-reason out sa principal.

"I won't tolerate this kind of behavior Miss Antifuesto." baling ng principal kay Wela. "Bullying ang tawag diyan. Hindi lang si Tamara ang ininsulto mo, but also her mom. Pero may mali ka pa rin Miss Navaroza, dahil nanuntok ka, I am not expecting this from you, masyadong biyolente. You should be a good example to everyone, remember your the class valedictorian." hindi pa rin ako nakaligtas.

Mas tumindi pa ang naging usap-usapan tungkol sa aking pangalan ngayong araw.
Sanay akong napag-uusapan dahil may ginawang mabuti para sa eskwelahan, hindi dahil nakipag-away. Sana lang hindi aabot kay Mama ang tungkol dito.

Hindi na ako nagulat paglabas namin ni Jewel sa eskwelahan, na naka-abang na doon si Rafael.

"Jewel, hindi pwedeng sumabay sa kanya. Baka makarating kay Mama." inunahan ko na siya dahil alam ko ang isang ito, hindi tatanggi.

"Ngayon lang naman ito Tammy, tsaka pwede mo namang sabihin na ako ang sinusundo niyan." palusot niya.

"Tammy, kumusta? Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo kanina ni Wela, nasaktan ka ba?" nag-aalala niyang tanong.

TAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon