CHAPTER 7

36 3 1
                                    


 CHAPTER 7

KINAKABAHANG pumasok ako sa bahay , at pinaghahandaan na ang maaaring sabihin ni Mama. Hindi ako sigurado kung wala ba talagang nakakita sa paghatid ni Rafael hanggang sa kanto papasok sa subdivision na tinitirhan namin.

Nagmano ako habang may tinutupi siyang damit.
"Tamara, maaga akong aalis bukas." paalam niya sa akin. Saka ko pa lang napansin ang isang maliit na maleta malapit sa kanya.

"Saan po ang punta niyo Ma?" magalang kong tanong.

"May teachers seminar akong pupuntahan at ngayong taon, sa municipality ng San Vicente gaganapin ang seminar. Mga isang linggo rin ako doon, kaya pagbutihin mo ang pag-aaral." bilin niya.

"Opo Ma. Ingat po kayo." tanging nasabi ko.

"Lock the door and windows properly. Pwede kang magpasama ng kaklase mo dito kapag gabi, but no boys Tamara." matapang ang hitsura niya habang sinasabi iyon.

"Yes Ma." maikling sagot ko. Si Jewel na lang ang kakausapin ko para may sasama sa akin dito.

"Pagbalik ko, mamimili na tayo ng susuotin mong damit para sa JS prom." at masaya ako sa narinig.

Maaga kong hinatid si Mama sa labas ng village kinabukasan. Ngayon na ang punta niya sa San Vicente, at kahit mahigpit siya sa akin, mami-miss ko siya.

Inulit pa niya ang bilin sa akin kagabi bago sumakay sa taxi. Kumaway pa ako habang papalayo na ang sasakyan.

Sabado ngayon kaya araw ng aking paglalaba. Mamaya tatawagan ko si Jewel para samahan ako ditong matulog hanggang sa maka-uwi si Mama, at ang pinakamahalaga sa lahat, walang lalaki. Pumasok agad sa aking isip si Rafael at ang kanyang malokong ngiti. Ang kanyang hayagang pagyaya na maghatid sa akin.

Mabuti na lang at pinayagan si Jewel ng kanyang nanay na dito matulog hanggang sa susunod na linggo. Sana lang wala siyang maisip na kapilyahang gawin dahil hindi ako titigilan no'n hangga't hindi ako pumapayag.

Dahil ubos na ang ilang stocks namin dito sa bahay, lalo na ang mga pagkain, kailangan ko pang pumunta sa supermarket para mag-grocery.

Doon na lang din kami magkikita ni Jewel at sabay ng pupunta dito.

Nasa kalagitnaan na ako ng pamimili nang lumapit siya sa akin at tinulungan na akong mag-grocery.
Pero parang umurong ang aking paa ng nagpunta na kami sa counter's area. Si Rafael na masayang nakikipag-kwentuhan sa cashier. Maghahanap na sana ako ng ibang bakanteng counter pero huli na dahil nakita na ako ng cashier.
"Dito po Ma'am." tawag sa akin, at pati si Raf, napalingon na rin.

Lumapit siya sa akin at siya na ang nagtulak ng push cart papunta sa counter at siya na din mismo ang kumuha ng mga items sa loob ng push cart para ma-punch na.

Makahulugang tiningnan kami ng cashier at napangiti sa huli.

Pati si Jewel may munting kurot na ginawa sa aking likod , at halatang kinikilig.

Uminit ang aking pakiramdam sa hiyang naramdaman.

"Two thousand five hundred sixty eight po Ma'am," magalang na sabi ng cashier sa akin pagkatapos i-punch ang lahat ng items.

Binuksan ko ang aking wallet para kumuha ng pera pero mas naunang nag-abot ng credit card si Rafael.

"Ako na Tammy." sabi niya sa akin.

Ayokong magka-utang na loob sa kanya, lalo na kapag pera ang usapan.
"Hindi Miss, ako ang magbabayad ng lahat ng iyan." sabi ko sa cashier

"I insist, dito mo na kunin ang bayad Gina." utos niya sa cashier at first name basis pa talaga sila, sabay abot ulit sa card.

TAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon