CHAPTER 3

33 2 1
                                    


CHAPTER 3

HULING taon ko na ito sa high school kaya mas domoble pa ang pressure sa akin.
Lahat na yata ng organization kasali ako , tulad ng gusto ni Mama.

"Alam mo ba ang balita Tammy?" tanong ni Jewel ng makalapit sa akin kahit nandito kami sa loob ng library.

"Ano na namang balita iyan? 'Yong crush ninyong nasa kabilang section may girlfriend na? Iyong paborito niyong artista at model ikakasal na? O iyong natitipohan ninyong mga college students may friendly game na naman sa school natin?" mahina ang boses kong tanong.

"Oie, magaling kang mang hula ha, medyo tumama ka doon sa college students." itinaas pa niya ang dalawang kilay na may nakakalokong ngiti.

"Hay, sinasabi ko na nga ba. Alam niyo Jewel kayo lang inuuto ng mga iyan, hindi nga siguro kayo kilala ng mga iyan eh." at itinuloy na ang pagsusulat.

"Tammy, jowain mo na kasi ang isa doon, iyong crush ko." Niyugyog niya ang aking braso. Napangiwi ako sa hiling niyang iyon.

"Crush mo, tapos ako ang magiging jowa? Ano iyon?" umiiling kong sabi.

"Kaysa mapunta siya sa iba, sa iyo na lang, sige na Tammy," ngawa niya sa akin. Naglingonan na ang iba naming mga kasama sa library at tinakpan ko agad ang kanyang bibig.

"Ikaw nga raw kasi ang gusto ng captain ball ng basketball team ng mga college students na iyon. Siyempre noong nag-hagis ng kagandahan, nasalo mo lahat, kaya tira-tira mo na lang ang napunta sa amin. Kaya hindi imposibleng marami ang magkagusto sa'yo." pambobola pa niya nang binitawan ko na ang bibig niya.

"Tutulungan kita sa mga reporting, pagri-review at ilang projects natin, huwag lang yang jowa-jowang iyan kasi wala akong maitutulong." pinal kong sabi.

"Tatanda ka talagang dalaga niyan Tamara, sa ganda mong iyan, hanggang ngayon wala ka pang nagiging boyfriend. Kung ako lang may mukhang gaya ng sa'yo, jojowain ko talaga lahat ng gwapo, dito man o sa labas ng campus natin." nakapangalumbaba siyang nakaharap sa akin.

"Tulungan mo na lang kaya ako sa school paper natin. Deadline nito next week na, dami ko pang gagawin." pag-iiba ko sa usapan.

"Isa pa yan, nauubos na ang oras mo sa mga projects at school activities, matalino ka na nga dami mo pang event, kahit wala ka ng salihan sa mga iyan, ikaw pa din ang aming school validectorian no.. Sama ka naman sa amin minsan kapag lumalabas, kakain lang naman tayo ng pizza diyan sa may kanto." komento niya at kinuha na ang ibang mga papel sa harap ko.

"Para mapagalitan ako ni Mama, alam mo naman iyon, bawal dito at bawal 'yon. Kahit gustuhin ko, pero hindi ko na lang gagawin dahil baka madamay pa kayo, lalo na ikaw." rason ko sa kanya.

"Sana Tammy pag college na tayo, may kalayaan ka na. Tagal ng nagsi-celebrate ng Independence Day ang Pilipinas, ikaw hanggang ngayon nakakulong pa rin. Kasing higpit pa ni Hitler iyang nanay mo." maktol niya. Hindi ko maiwasang umasa na sana nga ganoon ang mangyari.

Hindi nga ako nagkamali , dahil nang hapong iyon dumating ang ilang college students sa school namin para sa friendly game.
Punoan na naman ang school gymnasium at nakikita ko pa ang ibang mga babaeng estudyante na panay ang tingin sa kanilang mga salamin, hindi mapalagay at maya't mayang nagpupulbo at halos sing pula na ng kamatis ang mga pisngi dahil sa blush on.

Napapailing na lang talaga ako habang nadaanan sila dala-dala ang ilang mga papel papunta sa editor ng school paper namin. Sana wala diyan si Jewel pero parang malabong mangyari iyon dahil dito pa lang sa labas ng gym, kung saan ako naglalakad, dinig na dinig ko ang kanyang boses.

TAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon