CHAPTER 4

38 2 2
                                    

 CHAPTER 4

HINDI ako mapalagay sa pagpasok sa eskwelahan kinabukasan. Hindi mawaglit sa aking isip ang mensahe ni Rafael sa akin.
Sana lang, una at huling beses na ang aming pagkikita kahapon.

Bumaba na ako sa sinasakyang traysikel at nag-abot ng bayad. Pag-alis ng traysikel, naagaw ang atensiyon ko ng nasa kabilang kalsada. Grupo nina Brenna at Wela, at nahagip ng aking mata ang pamilyar na bulto ng kasama nila. Ang mga college students na naglaro kahapon dito sa school at kasama pa si Rafael. I should have known better. Ano nga ba ang aasahan ko sa isang kagaya niya.
Dala-dala ang ilang libro tatalikod na sana ako para pumasok na sa gate ng paaralan pero nahuli talaga ng mata ko ang pagkalabit kay Rafael ng isang kasama niya at itinuro ako.
Lumingon si Rafael sa akin at agad napangiti ng malaki.
Hindi ko na lang pinansin at nagsimula nang maglakad papalayo doon.

"Tammy, wait!" tawag niya sa akin habang tumatawid sa kalsada. Nagpanggap akong walang narinig at mas binilisan pa ang paglalakad. Buhol-buhol ang aking paghinga at nabibingi sa kaba habang patuloy na lumalayo sa kanya. Ayokong mapalapit sa kanya , kaya sana huwag na siyang lumapit sa akin.

Pero sadyang malalaki ang kanyang hakbang at naabotan ako. Hinawakan niya ang aking braso at para akong napaso doon at agad kong binawi ito.

"Ano na naman?" tuluyan ko na siyang hinarap pero iniwas ko agad ang mata sa kanya.

"Good morning. Nakatulog ka ba ng mahimbing? Kasi ako, ang sarap ng aking tulog dahil kasama kita sa panaginip." aloko niyang sabi.

"Ahh, sige, bye." nakasimangot ako at tinalikuran na siya.
Wala akong panahong makipag lokohan sa kanya.

"Wait, ito naman hindi mabiro." hinawakan na naman ang braso ko para pigilan sa pag-alis ulit.

"Look Mr. dela Vega, I don't have time for your jokes. Kaya tigilan mo na ako. Marami akong ginagawa. Kaya kung pumunta ka dito para lang kausapin ako at magbiro, please save your time. Bumalik ka na sa school ninyo o iba na lang ang kausapin mo." at tinalikuran ko na siya.

"Actually, I'm not here for you," natatawa siya pagkasabi no'n, "I'm here dahil kailangan kong makipagkita sa inyong principal dahil sa ibibigay na tulong ni Mommy sa school ninyo. Nagkataon lang na nakita kita kaya sinubukan ko lang kausapin ka. See you around Tammy." sabay lagpas sa akin at tinungo na ang faculty room.

Parang nag-aapoy sa init ang aking pisngi. How can I be so stupid. Baka isipin niyang masyado akong nag-assume. Parang gusto kong pagsasampalin ang sarili dahil sa katangahang ginawa.
Mas nadagdagan ang pagka-inis ko sa kanya. Wala talagang mabuting gagawin ang Rafael na iyon. Kailangang iwasan ko siya.

Kahit sa school cafeteria habang nagla-lunch kami ni Jewel, si Rafael pa din ang pinag-uusapan, lalong lalo na sa grupo ni Brenna.

"As in, he's really my type." pag-amin ni Wela.

"For sure Wela she likes you din. Your so maganda kaya." puri ng isang kaibigan nila. Kahit labas sa ilong ang papuring iyon, mayabang pa din si Wela. Normal na trato nila sa isa't isa, nagpa-plastikan.

"Sarap din piktusan no." mahinang sabi ni Jewel sa akin.
Binigyan ko siya ng warning look para hayaan na lang sila kung anuman ang pinag-uusapan.

"Taposin na natin ang lunch para maka-alis na tayo dito Jewel." Sabi ko sa aking kasama.
Kahit wala namang kasiguradohan kung may gusto ba si Rafael kay Wela pero bigla akong nakaramdam ng inis. Kilala ko ang mga gaya ni Rafael, kahit sinong babae susunggaban naman no'n.

Inubos ko ang natitirang oras sa pagkukulong sa library. Kailangan marami akong gawin para hindi makapasok si Rafael sa aking utak. Iwan ko lang kung bakit hindi ko siya mapalayas-layas sa isip ko. Siguro dahil sa inis, ang lakas ng loob na gulohin ako, nang hingi pa talaga ng aking number kay Jewel para tawagan at i-text ako at kung makahawak sa braso ko parang ang close namin. Mga kaklase ko nga na kasama at kilala ko na since kindergarten nag-aalangan pang mag-approach sa akin minsan, pero siya hindi man lang marunong mahiya. Men like him are dangerous. Kaya dapat may boundary ako kung hanggang saan lang siya, delikado kapag hinayaan ko lang siyang basta pumasok sa buhay ko.

TAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon