Chapter 9

29 2 1
                                    


 CHAPTER 9

HALOS hindi ako makapaniwala na ako ang babaeng nasa salamin pagkatapos akong ayosan ni Mama. Ngayong alas sais ng gabi magsisimula ang program, kaya ala singko y media pa lang tapos na akong magbihis.

Suot ko na ang gown na napili niya at naka high pony-tail ang aking buhok, na mas lalong naka-emphasize sa aking puting leeg at batok. Kinulot ang iilang hibla sa gilid ng aking tainga at mukha at hindi na inipit pa.

"Nakikita mo ba ang sarili mo Tamara?" tanong sa akin ni Mama habang nakatayo sa aking likod.
Ramdam ko ang maiinit niyang palad na namamahinga sa aking balikat. Nagkatitigan kami sa salamin at kahit hindi niya sabihin alam kong masaya siya sa kinalabasan ng kanyang pag-make up sa akin.

"Your very beautiful, that's why I always wanted the best for you." seryosong saad niya.

Napalunok ako sa kanyang kaseryosohan.

"Kaya ayokong kung sino-sinong lalaki lang diyan ang pupulutin mo Tamara. Dahil you deserved the best." sabay bitaw niya sa akin.

Parang may pinaparating siya sa kanyang mga salita at biglang sumagi sa aking isipan si Rafael. Nandiyan na naman ang biglaang kaba na aking naramdaman.

Medyo matagal din kaming nag-abang ng dadaang taxi kaya pagdating ko sa school gym, marami na ring mga tao.

Pagpasok k, agad kong hinanap ang aking mga kaklase, lalo na si Jewel.

Nang makita ko na, naglakad na ako papunta sa kanila. May narinig pa akong sumipol pagdaan ko sa grupo nina Wela at kusang napatigil sa pagsasalita si Brenna at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at pabalik, na may irap sa huli.

"Oh my, hello gorgeous." buong paghangang bati sa akin ni Jewel.

Magandang-maganda din siya sa suot na tube-top red maroon dress at string sandals.

"Ikaw nga eh, ang ganda mo rin." sabi ko sa kanya.

"Pero hindi kasing ganda mo Tamara. Kakain talaga kami ng alikabok sa'yo. Siguro uuwi na kami kasi may nanalo ng queen of the night, at ikaw iyon." kunwaring naiinis niyang sabi.

Naputol ang aming pag-uusap dahil nagsalita na ang isang guro sa stage para pormal ng simulan ang program.

Isa-isang pinakilala ang mga panauhin ngayong gabi at nakatayo kaming pumapalakpak habang naglalakad sila sa red carpet na nasa gitna. Nasa left side ang mga junior at kami naman sa kanan.

Dumalo ang mga kilala at promenenting tao sa bayan at sa probinsiya. May politiko, doktor, abogado, mga teachers, at hindi ko inaasahan ang pinakahuling binanggit.

"Now ladies and gentlemen, the last , but not the least, is also one of the most important person in our town. Malaki ang utang na loob ng eskwelahan na ito, maging ang bayan natin sa kanilang pamilya dahil sa hindi na mabilang na tulong na naibigay nilang lahat sa atin. Please welcome Mr. Lance Rafael Natividad dela Vega." At sinundan ito ng palakpakan ng mga kapwa ko estudyante, mga guro at ang mga panauhin.

Para akong tuod na nakatanaw lamang sa pagpasok niya. May malaking ngiti ang kanyang mga labi, naka-brush up ang kanyang buhok habang nakasuot ng tuxedo.
Tuxedo na nakita kong nasa boutique. Siya pala ang nagpa-reserved no'n.

Ang mas lalong nagpatigil at nagpa-init ng aking pakiramdam ay ang ginawa niyang pagkindat sa akin nang dumaan sa aking harapan.

May ibang halos mangisay na sa kilig, ang iba nama'y impit na sumigaw, habang may iilang napa-singhap.

"Ano 'te? Wasak na ang garter ng panty mo at bra?" biro ni Jewel sa akin sabay siko.

Halos paypayan ko na ang sarili mawala lamang ang init na naramdaman.
Wala siyang nabanggit na pupunta siya ngayong gabi.

TAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon