Chapter 10-DAY ONE

13 7 0
                                    

Day One

Anger as soon as fed is dead-
'Tis starving makes it fat
-Emily Dickinson

Nagising ako sa isang madilim na lugar, gumagalaw rin itong kinauupuan ko. I'm trying my best para makatayo at tingnan ang labas ngunit pakiramdam ko ay nahihilo ako. Hindi ko alam kung bakit nandirito ako ngayon ang natatandaan ko lamang ay pumunta ako sa laboratoryo.

Oo sa laboratory ni Dr. Samonte.

Nang makarecover ako sa panhihilo ay inilibot kong muli ang mga mata ko. Nakita kong may kasama rin ako dito. Ang iba ay namumukhaan ko, sila yung kasabay ko sa pila sa laboratoryo. Ibig sabihin, may masamang nangyayari saamin.

Narinig kong unti-unti na rin silang nagigising dahil sa ungol nito. Patuloy pa rin ang paggalaw ng kinalalagyan namin, nasa isang truck kami at hindi alam kung saan dadalhin.

Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging kahihinatnan namin rito. Gusto ko lamang pumayat at maging maayos ang buhay ngunit parang kabaliktaran ang mangyayari.

Si nanay, alam kong nag-aalala na yun saakin. Mag-isa lamang siya sa bahay baka atakehen siya ng kaniyang altapresyon ay wala sa kaniyang mag-aalaga at gagabay.

Hindi ko alam na sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Umiiyak ako. Naramdaman kong may humahagod ng likod ko. Isang babaeng kasing edad ko rin pero alam kong natatakot rin siya, nararamdaman at nakikit ako sa kaniyang mga mata.

"Makakaalis tayo rito. Magtiwala lamang tayo", saad nang isang matandang lalaki saamin. Matanda na siya, hindi niya na dapat ito nararanasan.

Masaya ako at positibo ang pananaw ng mga kasamahan ko rito sa loob ng sasakyan ngunit iniisip ko pa lamang ang mangyayari saamin ay nanlalambot na ang aking mga tuhod. Marami pa akong pangarap sa buhay. Hindi maaaring matapos ito dito lang.

Hindi ko alam kung ilang oras ang naging biyahe namin hanggang sa tumigil na ang sasakyan at narinig ang unti-unting pagbukas ng pinto ng sasakyan.

Bumungad samin ang madilim na lugar, gabi na. Naririnig rin ang huni ng mga kulisap, nagliliparang alitaptap na kaygandang pagmasdan, dumadampi rin sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Ngunit wala ako sa lugar na ito para damhin at pagmasdan ang magandangugar na ito kundi isa itong magigung demonyong lugar saamin.

Ito na nga ba ang huling araw na masisilayan ko ang labas?

Dahil isinilid kaming muli sa loob ng isang kwarto. Marami na kami, 20 kaming naririto sa loob. Kumakalam na rin ang sikmura ko at gusto ko ng kumain. Maririnig ang mga hikbi ng mga kasama ko sa apat na kanto ng kwarto na ito. Kaawa-awa ang sitwasyon namin ngayon. Pilit na sinisiksik ang mga sarili sa gilid at humihiling ng himala.

Walang ibang laman ang loob, malawak ito, may isang maliit na bintana at isang pintuan na siyang pinasukan namin kanina. May isa ring bumbilya na nagsisilbing liwanag sa madilim na kwartong ito.

Umayos kami ng upo nang makarinig ng malakas na sunod-sunod na katok na parang magigiba ito sa lakas. Pumasok ang dalawang lalaking naka itim at may takip ang mga mukha, may dala itong dalawang supot at dalawang pitsel ng tubig at plastic cups.

"Oh ayan! Kumain na kayo!", Saad nung isang medyo mababang lalaki at itinapon sa gitna ang dalawang supot ng tinapay.

"Dahil matataba na kayo at gusto rin lang ninyong pumayat, mangyaring yan lang ang kainin niyo!" Saad naman ng isang kasama nito at lumabas na.

Dahil lahat kami ay sabik na sabik ng kumain ay sinunggaban na namin ang mga ito. Alam naming lahat na hindi kami mabubusog ng isang tinapay lamang ngunit ang importante ay may laman ang aming sikmura. Hinati-hati rin namin ang dalawang pitsel ng tubig para lahat makainom.

Hindi ko maiwasan ang paghikbi dahil sa hirap na nararanasan namin ngayon. Mas masahol pa ito kaysa sa nasa labas kami.

Pinilit rin namin makatulog nang walang sapin sa sahig para bukas ay mayroon kaming lakas para sa isang hamon na naman na aming kakaharapin.

                                    ***
"Kumusta ang mga bihag?"

"Maayos naman po Boss. Binigyan na namin sila ng makakain at ngayo'y natutulog na ang mga ito",

Pinaalis ko na ang dalawang tauhan na nagdala sa mga bihag dito sa sikretong laboratoryo.

Konti na lamang, makakamit ko na ang aking minimithi.

Malapit na.
Malapit na malapit na.......

31 DAYS CHALLENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon