CHAPTER 28- DAY FIFTEEN

14 2 16
                                    

Fifteen days since this case was started. Pero wala pa rin makuha-kuhang sagot sa mga katanungan ng mga pamilya ng biktima. Maging ang pamilya ni Yakiesha Robles ay sobra ng nag-aalala.


"Detective"


Pukaw ng isang pulis sa detective na tulalang nakatitig sa mga papeles na nasa kaniyang harapan.


"Hoy!"


"Ay kabayo!" Gulat na sigaw nito ng bigla siyang batukan ng binatang pulis na nagngangalang Diego.

"HA HA HA. Ano ba kasi ang iniisip mo? May kasong ipinadala si Chief, puntahan raw natin!" Natatawang saad nito saka tinapik ang braso ng binatang detective.

Sabay na lumabas ng estasyon ang dalawa at sumakay sa police car. Ilang minuto ay narating nila ang crime scene na pinapalibutan ng mga tao. Tumulong na rin ang mga tanod ng nasabing lugar upang paalisin ang mga taong nakikiusyuso sa nangyari.

Mabilis silang nakapasok at tumambad sa kanila ang naaagnas ng katawan ng babae na nasa loob ng isang malaking bag--- just like what morgue is using. It's not totally decomposed so it is easily to identify the victim.

"What happened?" Tanong ng Detective sa pulis na unang dumating dito.

"Sabi ng may-ari ng bahay, narinig nitong may nagdoorbell sa labas kaya binuksan niya ang pinto ngunit wala namang tao bagkus itong malaking bag ang nakita nila"salaysay ng mapayat na pulis.


"Kaano-ano nito ang biktima?"



"Kapatid niya"


Ineksamin ni Detective Arckhel ang babae habang hindi pa ito kinukuha ng forensic team. May parang kagat ito sa may leeg at braso na kung saan doon nagsimulang magdecompose ang laman ng babae. Wala naman ibang kahina-hinala sa bangkay ng biktima. Aalis na sana siya ng may makitang etikita sa loob ng bag. Mabilis niya itong hinawakan at binasa.






"Lab"




Naningkit ang mga mata ng binatang detective at mabilis niya itong kinunan ng litrato.

"Ano ang iyong nakita?"

"Maaaring galing siya sa isang laboratory at pinagekspirementuhan. Isa lang ang alam kung laboratory na hinahawakan nating kaso"



"Sa slimming pill case" sabay ng saad ng dalawa.



Ngunit palaisipan pa rin sa kaniya kung saan nila ang hahanapin ang naturang laboratoryo. Nabuhayan si Arckhel ng loob ng may maalala ito na maaaring tumukoy sa mga pangyayari. Mabilis itong lumabas ng bahay at inilibot ang tingin sa paligid.


Shoot!



Mabilis siyang bumalik sa loob at hinanap ang may-ari ng bahay.

"Ano po ang maitutulong ko sir?" Malumanay na tanong ng babae na sa tingin niya'y nasa 30 taong gulang.

"Nakita kong may cctv sa labas ng inyong bahay, maaari ko ba itong tingnan?"

Mukhang nagulat ang babae ngunit sa kalauna'y parang nabuhayan ng loob. Iginiya siya nito sa isang kwarto kung nasaan ang monitor ng cctv camera.

Bandang alas tres ng umaga may lalaking may takip ang buong mukha ang nagpapabalik-balik sa gate ng bahay. Umalis ito ng bandang alas alas tres y media ngunit bumalik ng bandang alas singko ng may dala na itong bag at may kasama na itong isa pang lalaki. Ngunit hindi kagaya ng isa, malaya mong makikita ang mukha.

Mabilis na pinause ng detective ang video saka kinunan ng litrato ang mukha ng lalaki. Ipinagpatuloy muli nila ang panonood at parang nag-uusap na ang dalawa.

Pagdating ng alas singko y media ay saka lamang nila pinindot ang doorbell ng ilang beses saka lumabas ang kapatid ng biktima na pinupunsan pa ang mukda dahil kakagising lamang nito.

Ngunit bago pa makalabas ang babae, tumakbo na ang dalawang lalaki papaalis kaya wala na itong nakita imbes yung bag na naglalaman ng bangkay.

"Walanghiya sila! Mga demonyo sila!" Naghehysterical na sigaw ng babae sa loob ng cctv room. "Sir, gawin niyo ang lahat para mahuli ang may mga gawa nito, please"

"Gagawin ho namin ang lahat para mapanagot sa batas ang may sala"

"Salamat ho"

Bumalik sila sa estasyon at saka pinag-usapan ang nangyari. Hindi pamilyar sa binatang detective ang mukha ng lalaking nagdala ng bangkay sa bahay. Ipinadala na rin nito ang litrato sa kanilang chief para matulungan na tuntunin ang lalaki. Siguradong ipapadala ito sa STEX dahil magaling ito sa paghahanap ng mga imposible.





Ngunit bakit hindi nila mahanap ang mga biktima?



Hindi kaya may kinalaman din sila?



Tama kaya ang aking hinala?





Mga katanungang namamayani sa utak ng detective.

31 DAYS CHALLENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon