CHAPTER 29- DAY SIXTEEN

4 1 0
                                    

"Tito"

"Ohh Archkel! Ang laki mo na talaga at laki na ng pinagbago mo! Muntik na kitang hindi makilala" tugon ng hindi katandaang lalaki sa bagong dating na Detective.

"Kayo din Tito Ulysses mukhang hindi kayo tumatanda" biro nito sa matanda at saka iginiya ito papasok ng bahay.

Naririto siya ngayon sa lugar kung saan sila magkikita ni Ulysses nung oras na tumawag ang kaniyang mommy. Ito ang lugar na kung saan pinagdalhan sa mga bihag.


Magkikita nga kaya sila ni Yshia?

Makakakuha ba siya ng impormasyon?


"This way" turo ni Ulysses sa isang kwarto katabi lamang ng tinutuluyan ni Yshia.



Sa kabilang banda, pinipilit ng dalaga na bumangon mula sa pagkakahiga. Nakabalik na siya sa kaniyang kwarto at may naririnig siyang parang nag-uusap sa labas.

Kilala niya ang boses na kaniyang naririnig ngunit ayaw niyang magbigay agad ng ibang kahulugan. Kailangan niyang makita ito.

Ang huli niyang natatandaan ay ang pag-uusap nila ng lalaking nagbabantay sa mga bihag.

"Nasaan na kaya sila? Hindi ko na sila nakikita. Buhay pa kaya silang lahat? Si Avery? Ano na kayang nangyayari sa kaniya?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga sa kaniyang sarili at hindi namalayan na umiiyak na pala siya.


Pipihitin niya pa lang sana ang seradura ng pinto ng bigla itong bumukas at tumambad sa kaniya si--------------


"MARK?"



Gulat ang rumihestro sa mukha ng dalaga ngunit nanaig ang pagkasabik nitong makita ang binata. Natatandaan niya na kung sino ang batang dumadalaw sa kaniyang panaginip na parte ng kaniyang mga nawawalang memorya. Siya yung anak ni Tita Tessa at Tito Jun.

"Sinong Mark?" Naguguluhang tanong ng binata na kaniyang kaharap. Biglang nasamid naman ang dalaga dahil sa tanong nito. Hindi siya maaaring magkamali. Si Mark ang kaniyang kaharap---ang kaniyang best friend.

"Ikaw! Ikaw si Mark! Ikaw yung best friend at pinsan mo ako!" Pagpupumilit ng dalaga sa binata na ngayo'y nakakunot ang noo at parang  nahihirapan.

"Y---shia?"

"Oo Mark. Ako to si Yshia" naluluhang saad nito sa lalaking kaharap. Hinila ni Mark si Yshia papasok sa kaniyang kwarto at niyakap ito ng mahigpit.

"Oh my! Thanks God! Nahanap rin kita. Hindi kita nakilala dahil nawala rin ang ilan kong memorya. Kaya pala familiar at magaan ang loob ko sayo" masayang wika nito habang nasa bisig pa rin ang dalaga. Hindi rin napigilan na humikbi ni Yshia dahil sa kasiyahan na makapiling muli ang pinsan na kaniyang best friend.

"Kailangan kong iligtas si Avery, Mark. Kailangan nating umalis sa impyernong ito."

"Hindi ko alam kung nasaan si Avery, isinakay siya kaninang madaling araw sa truck at hindi ko alam kung saan siya dadalhin"

Napaupo na lamang sa sahig si Yshia sa kaniyang narinig. Ano na ang kaniyang gagawin? Wala na si Avery at hindi niya na alam kung saan ito hahanapin.

"Yung iba? Nasaan na yung iba?"

Umiwas lamang ng tingin ang lalaki at alam niya na ang ibig sabihin nito.

Hindi niya nailigtas ang mga taong iyon. Hindi nila deserve ang maging ganito.

"Lahat sila pinatay ni Avery. Iyon ang epekto ng gamot na mga itinurok sa kaniya Yshia."

"Bakit nila 'yon ginagawa?"

" May kalaban ang organisasyon na aking kinabibilangan at ito lang ang tanging paraan nila para manalo. Gagawin nilang kagaya  ni Avery ang lahat ng naroroon sa pagtitipon na gagawin sa Sabado sa Maynila. At ang iyong dugo ang lunas para dito. Kung sa ganitong paraan makikilalang lubusan ang organisasyon at sa kanila na kakampi ang lahat para masugpo ang sinimulan rin nila."

Pilit isinisiksik ni Avery ang impormasyon na kaniyang nakuha. Ginamit nila si Avery at gagamitin rin nila ako.


Mga hayop sila!



Demonyo!


Mga halang ang kanilang kaluluwa!

"ILABAS MO NA AKO SA IMPYERNONG ITO, MARK"

31 DAYS CHALLENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon