Prologue: Meet them

31.9K 448 74
                                    

Desiree's POV

Crying while driving? Tsk tsk, not a good combination. Anong magagawa mo? Tumawa? Sabi nila 'Tawanan mo ang iyong problema'. Makakatawa pa ba ako? Matapos ang mga nalaman ko, parang ayoko nang bumalik. Gusto ko munang mapag isa. Ang mga magulang ko ay balak akong ipakasal sa kasosyo nila sa Business nila. Ipapakasal ako Sa gurang na yon?! No freaking way! Ipakasal nalang nya yon sa ate kong bitch. Pinuntahan ko ang boyfriend ko para sana magtanan nalang kami kaso pagdating ko sa apartment nya, nakita mismo ng mga mata ko ang pagtataksil nya. Nawala lang ako ng saglit pero ganyan na? Ipinagpalit ako sa isang gwapong lalake! Ang sakit lang. Sinugod ko sila at agad naman silang naghiwalay.

"Fuck lang James! Seven years! Sinira mo ang seven years! Dahil ano?! Dahil narealize mo na kung ano ka?!" Duro ko kay James. Si James ay hindi makatingin sa akin. Guilty sya? Dapat lang!

"At ikaw naman, Andrew, pinagkatiwalaan kita! Ayoko nang makita kayo!" At sinampal ko si Andrew. Bumaling ako kay James habang umiiyak. Meron akong guilt na nakita sa mga mata nya. Wala nang magagawa pa ang guilt.

"Magbrake na tayo. Baka magkasakit ako nang dahil sayo. Fuck yourself James." Nanghihinayang ako sa seven years naming relasyon.

Binigay ko sa kanya ang virginity ko three years ago. Isang beses lang yon at kahit kelan ay hindi na naulit. Akala ko hindi kase ako maganda kaya ayaw na nyang maulit. Yun pala! Hindi ako ang gusto nya!

Hindi ko na kayang makita sila at hindi ko sila hinayaang magpaliwanag pa. Umalis ako dala dala ang pusong wasak. Ang tagal ko syang hinabol dati. Akala ko minahal nya din ako. Akala ko hindi nya lang ako nilalapitan dati dahil ayaw dito ni Darleen para sa akin. Yun pala may iba pang dahilan.

Bumalik ako sa sasakyan ko at nagdrive papuntang hospital. Galit talaga ako!! Nagpatest ako kung may sakit ako. Nandidiri ako sa sarili ko.

Pano kung magkasakit ako dahil don?! Isusumpa kita James! Ginamit ko ang mga credit card ko para magbayad at para mapabilis ang proseso. I bribed the doctor para unahin ako. And luckily! Potangina wala akong sakit.

Pero ang sakit parin ng pagtataksil nila. Nagpunta ako sa kotse ko at umiyak nang umiyak. Nang wala na akong mailabas, nagdrive na ako nang di alam kung saan ba ang paroroonan.

Ngayon naman namomroblema nanaman ako! Punyetang kamalasan!

Naliligaw na ako at gabi na. Dagdag problema pa, lobat na cellphone ko. Isa pang problema, mauubos na ang gas ko. Hindi ko alam kung saan magpapagas at kung malayo pa ba ang susunod na gas station.

Ngayon ko lang naramdaman na gutom na ako at pagod na. Namanhid na kase yata ako. Hindi ako hihinto dyan sa tabi para lang magpahinga dahil sobrang dilim. Kahit may problema ako, hinding hindi ako magpapakamatay. Kapag ba nalampasan ko ang mga problema ko ay magiging masaya na ako?

Pwede bang puro kasiyahan nalang?

Luckily, may nakita na akong liwanag sa malayo at dun na din bumigay ang kotse ko.

Bumaba na ako dahil lalakarin ko nalang. Overheating, walang gas, at ngayon ko lang napansin na flat na pala ang gulong.

Tangina, may magnet yata ako ng kamalasan. Gusto kong magwala at sumigaw sa gitna ng daan kaso naalala ko na kelangan ko ng pumunta dun sa liwanag mula sa malayo. Baka may killer dito sa dilim.

As if on cue, may narinig akong mga kaluskos. Sa takot ko na baka killer yon, tinakbo ko ang papunta sa liwanag na isa palang convenient store. Nadapa pa ako sa may bato at natalsikan ng putik. Hayys. Bahala na. Pumasok na ako sa convenient store ng hinihingal pa.

"Welcome!" Sabi ng nagsalita.

Pagtingin ko, nakalimutan kong broken hearted ako. Natulala pa ako saglit bago bumalik sa wisyo.

Their Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon