Chapt. 14: Marry

7.7K 137 4
                                    

Desiree's POV

Nagising ako na nakatali sa isang upuan. Hinanap ko si Rebecca. Nasaan ako? Masama ang pakiramdam ko dito.

"Our little slut is awake." Narinig ko si Rebecca.

"Rebecca?" Gusto kong manigurado. Ibang iba kasi ito. Parang hindi si Rebecca na nakilala ko.

"Don't call me Rebecca. It sounds so old, but it's a little innocent. Call me Aira. It sounds so sweet and sophisticated."sabi nito at tumawa. Bakit hindi ko nakita ang totoong kulay nito? May nagawa ba akong hindi maganda dito?

"May nagawa ba ko sayo?" Tanong ko dito. Tumingin ito sa akin. Nagkunwari itong naaawa.

"Bakit kase hindi ka marunong makuntento? Kung sana si Eros nalang o kaya si Taurus. Bakit kailangan na pati si Maven ay landiin mo?!" Sigaw nito sa akin at sinampal ako. So, dahil ito sa selos. Tsk tsk tsk. Iba nga naman ang nagagawa ng selos.

"They love me and I love them." Sabi ko dito. Kahit na hindi ako sure kung totoo ba ang 'they love me' na sinabi ko, nilagyan ko  parin iyon ng confidence. Sinampal nanaman ako nito. Naiinis na ako dito. Humanda sya pagnakawala ako sa pagkakatali ko, hindi ako magbibigay ng awa dito.

"Hays. Kawawa ka naman. They Don't Love you. Kaya nga hindi ka nila dinalaw sa loob ng isang buwan diba?" Sabi nito. Hindi dapat ako magtiwala dito. There must be a reason. Bakit ako magtitiwala sa isang katulad ni Rebecca o Aira o kung anong pangalan nya. Maling mali ang pagkatiwalaan ito kaya hindi na iyon mauulit. Pero hindi ko maiwasang masaktan dahil naging kaibigan ko ito.

"Bakit ikaw pa? You are fat." Sabi nito na hindi makapaniwala. I'm perfect. Sabi iyon ng mga asawa ko. They're my husbands and as their wife, I need to trust them. I keep my silence. Baka mapikon pa sya kapag nagsalita ako. Hindi lang ang sarili ko ang dapat kong protektahan. Malaki ang  posibilidad na mayroon akong dinadala. Kailangan kong kumalma.

"Ang tagal ko na silang kilala. Ako ang pinakamatagal na girlfriend ni Maven kaya malamang ay seryoso ito sa akin. Nang dahil dyan sa walang kwentang tradisyon nila na dapat ay magsalo ng asawa!" Galit na sabi nito. Mukhang hindi ako ang kausap nito. Naglalabas lang ito ng sama ng loob at pinalalaki nito ang galit nito.

"Kami na dapat ang magkakatuluyan ni Maven. Ang Eros at Taurus na yon! Ayaw nila sa akin! Anong kulang ko? Maganda ako. Sexy ako. Matalino ako! Hindi katulad mo! Ang layo ng agwat natin. Pero bakit ikaw?" Sigaw nito sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na magsalita.

"Malayong malayo talaga ang agwat natin. I'm not like you. Do you know, they always told me that I'm perfect." Pangaasar ko dito. Malakas na ang loob ko dahil napaluwag ko na ang tali ko. Makakawala na ako dito. Sinampal nya ulit ako. Sige lang, dahil pag tuluyang nakawala na ako dito, hinding hindi na sya makakasampal pa. Puputulin ko ang mga kamay nya.

"Alam mo, pwede kitang patayin ngayon. Pero pahihihirapan muna kita." Sabi ni Rebecca at tumawag ng guards. Kinabahan ako hindi para sa akin kundi para sa nasa sinapupunan ko. Kailangan ko nang makaalis dito. Nang tumalikod sya ay nakatayo na ako. Bobo sya dahil hindi nya alam na marunong akong magkalas ng tali sa kamay. At mas bobo sya dahil tumalikod sya. Hindi mo dapat tinatalikuran ang kalaban. Sinuntok ko ito sa batok. Neck and Nape are so delicate. They're weak and fragile. Kaso hindi ko na nadikit ang kamao ng hindi ko ito maabot. Tinignan ko ang bewang ko at may nakita akong bakal na nakakabit doon. Lumingon sa akin si Rebecca at tumawa ito.

"Tsk tsk tsk. Akala mo ba ay ganon kadali lang yon? Hahaha. False hope." Pang aasar nito. Pinilit ko itong abutin pero hindi ko kaya. Tangina! Sinubukan ko itong sipain pero umatras lang ito. Mukha itong tuwang tuwa. Tuluyan nang pumasok ang mga guards. Hindi ko sila hahayaang makalapit sa akin. Pipilitin kong lumaban. Please, dumating na kayo Eros, Maven, at Taurus. Hihintayin ko kayo.

Their Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon