Chapt. 6: Realization

10.3K 158 3
                                    

Desiree's POV

Nagising ako at agad ding naalala ang mga nangyari. Hindi ako gumalaw at hindi din idinilat ang mata.

Pinakiramdaman ko ang paligid.

Tahimik.

Ibinuka ko nang kaunti ang aking mga mata.

Madilim.

Ilang oras akong walang malay? Nag alala ba sila Maven, Eros, at Taurus? Sabi na nga ba, hindi dapat sila madamay dito.

Hinintay kong mag adjust ang mga mata ko sa dilim at nakita kong walang tao.

Ouch, wala ba silang pake sa akin?

Hindi ko rin alam kung nasan ako pero naaamoy ko ang amoy ni Eros sa unan. Kwarto nya yata 'to.

Sininghot singhot ko muna ang unan nya dahil — well, dahil—... Wala lang. Gusto ko lang singhutin. Bakit ba? Minsan lang 'to.

Well, ibig sabihin ba nito ay magtatagal pa ako dito? Gusto ko naman silang makasama, kaso ayoko na mapahamak sila.

Sino ba naman ako para tulungan nila? Kakakilala pa lamang nila sa akin.

Unti unti akong bumangon at halos mapasigaw nang maramdamang kumirot ang balikat ko.

Gosh! Oo nga pala! Bakit ang bagal kong umilag?

Tinignan ko ito at nakitang may benda na ito. Nakarobe pala ako. Siguro ay nalagyan din ng dugo ang mga damit ko.

Dahan dahan akong tumayo at naglakad nang tahimik.

Hindi ko alam kung bakit ayokong mag ingay. Wala lang. Ayoko lang mag ingay.

Diniretso ko ang pintuan. Nauuhaw ako kaya pupunta akong kusina. Lumabas ako ng pinto nang walang ingay. Hindi na ako nagtsinelas kaya nakapaa lang ako.

Bakit ba? Mas gusto ko ito. Malamig sa paa.

Pwedeng ituloy ko ang pag alis? Bakit pa? Ayaw mo yun? Magkakaroon ka ng rason para manatili pa nang mas matagal? Sa naisip ko, napangisi ako. Oo nga naman.

Napabuntong hininga ako.

Ang pathetic ko.

Sa nangyaring insidenteng pamamaril, nakaramdam ako ng takot. Normal lang matakot pero hindi lang iyon ang naramdaman ko. Nakaramdam din ako ng panghihinayang. Panghihinayang dahil hindi ko pa alam ang tunay kong nararamdaman.

Minahal ko ba talaga si James? O na obsessed lang ako sa kanya?

Naguguluhan na ako. Hindi dapat ako naguguluhan tungkol dito sa nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan. Nagulo agad ng tatlong lalaking iyon ang puso at isip ko. Ang lakas ng kamandag nila, epektibo kahit isang araw palang ang pagkakakilala.

Bago ako mawalan ng malay, may isa akong pakiramdam na hindi ko makakalimutan. Ang kagustuhang mabuhay.

Mabuhay, makasama, at makilala pa ang tatlong lalaking ngayon ko palang nakilala. Sana sila nalang ang nakilala ko noon. Sana sila nalang ang hinabol ko noon.

Makakapaghintay naman siguro ang pag alis ko.

Gusto ko pa silang makasama. Alam kong hindi dapat ako magpadalos dalos tungkol sa nararamdaman ko. Kaya naguguluhan na ako. Siguro ay kung makakasama ko pa sila nang kaunti ay baka magsawa na din agad ako.

Kapag dumating ang araw na iyon, wala akong mga 'what ifs' at regrets. Life is short. So I want to spend it knowing them.

Sabi nga nila, 'You only live once'. O kaya naman, 'You live every day and you only die once'. Ibig sabihin, 'You only die once so live to the fullest before it happens'. So, lalandiin ko muna sila nang bonggang bongga bago ako mamatay.

Their Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon