Chapt. 5: Leave?

11.2K 213 5
                                    

Desiree's POV

Nagising akong nag aagaw ang liwanag at dilim. Gosh, ang sakit ng katawan ko lalo na yung sa baba. Wait. Putek, nasa loob pa ng pwet ko yung anal plug. Binend ko ang likod ko at tinanggal ko ang anal plug.

Gosh ang laki. Anong gagawin ko dito?

Pinatong ko nalang sa nightstand. Naririnig ko sila sa baba na nag aayos. Siguro ng mga pagkain. Hinanap ko ang mga dati kong damit nung bago ako magpunta dito at nagpunta sa cr. Sinigurado ko din na may dala akong towel. Nilabhan ko lang ang t-shirt ko at kinuskos ko lang ng kaunti ang pantalon. Ginamit ko ang sabon panligo.

Nang matapos na ay piniga ko ito ng sobra at sinampay sa kung saan pwedeng sabitan. Dinalian ko na din ang pagligo.

Paglabas ko sa shower, nakita ko ang blower sa tabi kaya ginamit ko ito para tuyuin ang mga damit ko pati narin ang buhok ko. Isinuot ko na agad ang mga damit ko. Kung sakali man na magtanong sila, sasabihin ko na mas komportable ako dito. Lalo na at merong undies. Barrier laban sa mga pang akit nila. Tsaka panlaban na din sa kalandian ko.

Lalabas na sana ako nang bumukas ang pinto.

"Gosh, matuto kang kumatok." Sabi ko sa gulat dahil baka madulas nanaman ako. Swerte nga ako kanina dahil hindi ako nabalian.

"Akala ko kung nasaan ka na. Kakain na." Sabi ni Eros. Nagtagal pala ako sa cr. Ngumiti lang ako at lumabas na. Hindi ko pinahalata na sore ang alaga ko down there. Napatingin ako sa bintana at nakita kong madilim na.

Mamaya na, paalala ko sa sarili ko. Sabay kaming bumaba ni Eros nang tahimik.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong nya. Gusto nya bang maging madaldal ako?

"Gutom na kase ako." Sabi ko. Pinagod nyo kase ako. Hindi ko na sinabi yung sumunod dahil kapag nakipag biruan ako, baka bumaba nanaman ang mga pader na binuo ka sa paligid ko. Undies lang ang ibababa ko sa inyo 'no.

"Oo nga naman. Pinagod ka kase namin kaya ayan nagutom ka na." Biro ni Eros at tumawa pa sya. Ngumiti din ako. Parang nabasa nya iniisip ko ha. Gustong gusto ko pa naman talaga kapag nakangiti sya. Dagdag hotness. Lalo na kapag tumatawa sya. Iba kase 'pag nasa kwarto sya.

Ipinilig ko nang pasimple ang ulo ko para maalis ang mga iniisip ko.

"Ikaw ha, naughty ba yang iniisip mo?" Pang aasar ni Eros. Meron syang knowing smile. Nakakagulat naman at parang alam nila ang iniisip ko.

"Pa'no mo nalaman?" Tanong ko. Pinamulahan ako sa sinabi nya. Curious ako kung paano nya iyon nalaman.

"Marunong akong magbasa ng body language." Sabi nya. Mukha syang proud. Inayos ko ang tayo ko at inayos ko din ang expression ko. Alam din kaya nya ang binabalak ko?

"Base sa ginawa mo, parang ayaw mo na may mabasa kami sa galaw mo. O kaya naman gusto mo lang magpaka professional." He teased. Napailing ako at napangiti.

"Mali ako?" Tanong nya at sumimangot.

"Inayos ko ang pagtayo ko dahil baka makuba ako. Yun lang yon." Sabi ko pa.

"Akala ko— kung sabagay, iba iba naman kase kayong mga babae. At kadalasan hindi ko kayo maintindihan." Sabi nya. Ang cute nya pag mukha syang nagtatampo.

"Ok lang yan. Kami rin namang mga babae hindi palaging naiintindihan ang mga lalaki." Pagcomfort ko sa kanya. Tinitigan nya ako sa mata. Ayan nanaman ang warm eyes nya.

"Gusto ko kasing malaman at maintindihan ang mga iniisip mo." Seryosong sabi nya. Nakakalunod pala ang mga mata nya. Ipinilig ko ulit ang ulo ko at nagsalita.

Their Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon