Epilogue: Happiness

11.6K 160 15
                                    

Desiree's POV

Two weeks later...

I'm here at my husbands' home. My home too. Kakatapos lang nito dahil matagal na nilang plano na dito tumira kasama ang magiging asawa nila. Bukas ang alis namin papuntang ibang bansa para magpakasal. Diretso honeymoon na din kaya siguro matatagalan bago ulit kami makabalik dito. Si mommy ay nakulong na. Si daddy ay nakipag divorce kay mommy at nagpakasal sa bago nitong asawa. Tutol parinsi Daddy sa pag aasawa ng tatlo pero wala na syang magagawa. Si Darleen ay tuloy ang kasal sa matandang kasosyo ni daddy. Ngayon ay nandito si Darleen sa bahay namin kasama nito ang isang magandang babae na malaki ang ngiti. Sino ito? Tumakbo ito palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ang mga asawa ko ay nasa kusina at nagluluto. Iniwan ako sa mga babaeng to.

"Ikaw ba ang kapatid ni Darleen?" She asked excitedly. Hindi na nito hinintay abg sagot ko at niyakap ulit ako ng mahigpit.

"You're so pretty." Sabi ng babae. I smiled awkwardly. Okay?

"Harmony, stop that." Utos ni Darleen dito. Nagulat ako. Si Harmony ang babaeng to?! Yung babaeng gusto ni Crest?! No wonder, nagustuhan ito ni Crest. Sobrang ganda.

"Sorry." Sabi nito kay Darleen bago bumaling ulit sa akin.

"I'm Harmony. Darleen's Best friend. Well, her only friend kase alam mo naman ang babaeng yan. Nakakatakot ang mukha." Sabi ni Harmony at humagikgik pa. Ang ganda talaga ng babaeng to. Hindi naman kami pinansin ni Darleen at nagpunta sa kusina. Di ko nasabi na may iba pala kaming mga bisita na kausap nina Maven. Mga lawyer na aasikaso sa marriage papers namin. Narinig ko ang ingay ng mga asawa ko at ng mga kausap nito pero natahimik naman ng pumasok ang kapatid ko. Baka awayin ni Darleen ang mga lawyer kaya naman dali dali ko itong sinundan. Sumunod din sa akin si Harmony. Pagpasok namin sa kusina ay tinignan ko agad ang mga lawyer dahil baka mag back out ang mga ito. Sapat na nga na rason na magback out ang mga ito dahil ikakasal ako sa tatlong lalaki tapos may ganyan pa. Baka matakot na dahil mga freak kami. Kaso akala ko ay matatakot sila pero nakita ko na kakaiba ang tingin nila kay Darleen. Nang makita nila na nakatingin ako sa kanila, agad itong bumalik sa mga ginagawa nito.

"Let's go Darleen." Sabi ko kay Darleen. Suddenly, I'm being a protective sister.

"Pwede ba kaming mag bar hopping nina Darleen at Desiree?" Tanong ni Harmony sa mga asawa ko. Umiling agad ang mga asawa ko. Nagmakaawa pa ng mukha si Harmony pero walang epekto. Mayroong aura si Harmony na kahit ngitian ka lang nito ay magugustuhan mo na sya. Tulungan ko na nga. Naawa ako kaya ako na ang magpaaalam. Magsasalita palang ako nang magsalita agad si Taurus.

"No." Sabi ni Taurus.

"Please." Sagot ko sa mga ito. Pinagmukha ko pang inosente ang mukha ko.

"Magpapakabait ako. Mag iingat kami. It's a girls' night out." Paliwanag ko sa mga asawa ko. Umiling lang ang mga ito.

"I'll take responsibility." Napalingon ako kay Darleen ng magsalita ito. See, payag pati si Darleen. Iiling na sana sila nang magsalita ang isa sa mga lawyer.

"Okay lang naman. Pwede silang magbar sa 'Moonlit Night', safe doon."

Tinago ko ang aking ngisi. Pati lawyer payag. They're outnumbered. Pero napawi ang ngisi ko nang makita na nakatingin kay Darleen ang mga ito. Sinamaan ko sila ng tingin pero hindi nila ako pinansin. Tumingin ako sa mga asawa ko. Maven sighed. Si Eros ay napahimas sa batok. Si Taurus naman ay nagsalita.

"Fine." Sabi nito. Wow, hahaha.

Umalis na agad kami bago pa magbago ulit ang mga isip ng mga asawa ko.

Taurus' POV

"You like her?" I asked them. Base on the way they looked at her.

"Yes." Sagot agad ni Aart.

Their Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon