Chapt. 13: Betrayal?

7.2K 113 2
                                    

Desiree's POV

Naiinis na ako sa mga asawa ko. Isang linggo! Isang linggong hindi manlang nila ako hinanap?! Anong nangyayari sa labas? Wala na akong balita sa kahit sino. Si Crest lang ang nakakakwentuhan ko dito at minsan ay palagi pang Harmony ang bukambibig. Patay na patay? Hayaan mo na. Pagbigyan na ang mga ganyan dahil hanggang one sided love lang sila. Grabe, inis na inis na ako sa mga asawa ko! Ni minsan sa isang linggo, hindi ko manlang sila naramdaman. Namimiss ko na sila. Namimiss ko na ang mga vibrator nila. Namimiss ko na ang role playing namin. Kahit ang flogger nila ay namimiss ko na din. Namimiss ko na ang pagkamalambing ni Eros. Namimiss ko na ang mga sarcastic remarks ni Maven. Namimiss ko na ang mga demand ni Taurus. Pero ang tatlong yon! Hindi naman yata ako namiss.

"Desiree. Psst." Narinig ko na galing sa may pinto. Sino yun? Tinignan ko ang pinto at nakita ko itong dahan dahang bumukas.

"Desiree, grabe namiss kita." Sabi ni Rebecca na pabulong na lumapit sa akin. Paano sya nakapunta dito?

"Paano ka nakapasok?" Tanong ko kay Rebecca.

"I have my ways." Sabi nito tsaka kumindat. Bumangon ako sa kama at tinitigan sya.

"Walang nakakita sayo?" Tanong ko dito. Ngumisi ito at umiling.

"Kung ganon, pwede mo ba akong itakas dito?" Naexcite agad ako. Makakalabas na ako. Nawala ang ngisi nito tsaka umiling.

"Hindi ko kaya. Delikado na nga na pumasok ako dito. Pwede nila akong makasuhan at pwede ko rin naman silang kasuhan kaso mas malakas ang kapit ng mommy mo sa batas." Paliwanag nito ng tuloy tuloy. Nadismaya naman ako sa sinabi nito. Tinatamad akong bumangon kase. Gusto ko lang humiga at magpahinga.

"Alam mo ba ang mga ginagawa ng mga asawa ko?" Tanong ko ulit. Umiling nanaman ito. Hayys.

"Anong nangyayari sa labas?" Tanong ko parin.

"Naghahanda ang ate mo para sa nalalapit nyang kasal. Masyado syang busy." Sabi lang nito. Kung ganon, pwede ko kayang gamitin sa advantage ko ang pagkabusy nila?

"E si mommy?" Tanong ko naman.

"Hindi ko alam ang mga ginagawa ng mommy mo." Sagot lang nito. Hayys.

"Kung ganon, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Tinignan ko kung okay ka. Don't worry hindi kita kakalimutan. Babalikan kita dito." Sabi nito. Nakita na nya ako. Bahala na sya.

"Sige, kung sakaling makabalik ka ulit ay balitaan mo ako." Sabi ko dito. Tumango sya at umalis na. Narinig ko rin ang paglock ng pinto. Bakit nilock pa ni Rebecca ang pinto? Oo nga pala, hindi ko pa napapasalamatan si Rebecca sa pagbibigay ng tagaprotekta sa akin dito. Bayaan na nga.

Eros'POV

Isang linggo na. Kamusta na kaya si Desiree? Sa isang linggo na lumipas, nangalap kami ng mga impormasyon. Busy si Darleen kaya hindi namin makumpirma ang mga nakalap namin. Pero naalala ko ang sinabi ni Mrs. Montecillo. Darleen is jealous of Desiree. Ayaw ko namang maniwala pero maraming dahilan si Darleen para pagselosan si Desiree. Tulad nung bata pa ang mga ito. Ang dami naming nakita na Birthday party ni Desiree pero kakaonti lang ang kay Darleen. Pero mukha namang hindi mababaw na tao si Darleen. Si Desiree ang tagapagmana ng mga kompanya at ari-arian ng mga Montecillo. Paano kung ang mga ari-arian pala ang gusto ni Darleen? Pero hindi naman siguro gusto ni Darleen na mapahamak ang kapatid nito diba? Natigilan ako ng may maalala. Si Darleen lang ang nakakaalam kung saan namin itinago si Desiree nung araw na iyon. Ang sniper? Nahanap ba ng sniper ang lungga na pinagtaguan namin? O may nagbigay ng impormasyon kung saan kami nakatago? Tumingin ako kina Taurus at Maven na nakatingin sa akin. Mukhang alam na nila ang naisip ko. At mukhang kanina pa nila naisip iyon.

Their Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon