WH1

2 0 0
                                    

"Cassie! Ay jusko kang bata ka, bilisan mo diyan at tutulong ka pa kay papa mo! Madaming customer oh." Bungad ni mama pagkapasok niya sa kusina.

"Sandali lang ma! Nag kukuskos pa nga ako ng kaldero naten oh. Tignan mo nga, ke' itim-itim na." Pa'no ba naman kasi, si mama saing lang ng saing tapos kapag nag aapoy na hinahayaan lang.

Odiba, ang labas sunog ang ilalim! Ke' panget panget naman kung isasaing ulit na itim na itim ang ilalim. Tsk. Baka masabihan pa akong tamad. Kesyo ako naman na daw naghuhugas ba't di ko pa raw isali ang pagkuskos.

"Ah, osige nak. Tapusin mo na lang muna diyan, pagkatapos puntahan mo na si papa mo." Tumango lang ako kay mama at pinagpatuloy ang pagkuskos.

Ng sa wakas ay natapos na akong maghugas ng pinggan pati na rin ang pag kuskos ng kaldero ay naligo muna ako bago ako lumabas. Agad ko namang nakita si tatay na may kausap na customer. Mag papaayos na naman siguro to ng sasakyan.

May maliit kaming shop ng mga motor. May mga gamit na pwedeng bilhan at may paayusan rin kung nasiraan ang motor or kotse mo, o di kaya ay na flat ang motor mo. Vulcanizing ganon.

"Oh dito ka na Cassie. Bilisan mo na. Dahil ang kapatid mo na ang sa cashier, tumulong ka na lang sa akin dito." Agad naman akong lumapit kay papa at pinapanood siyang tanggalin ang interior ng motor.

Nakasuot lang ako ng pedal na maong tapos malaking t-shirt. Naka ensaymada ang lagpas baywang kong buhok dahil mainit ngayong araw. Alangan naman mag aayos ako ng motor tapos naka buhaghag. Ngek.

"Anong gagawin ko diyan pa? Wala na ata eh." Tanong ko.

Magsasalita na sana si papa ng may dumating na black raptor. "Oh ayan, enterten mo sila. May gagawin pa ako dito. Ikaw ng bahala diyan." Ani ni papa at tinulak ako ng bahagya papunta sa bagong dating.

Bumaba ang dalawang babae sa back seat at sumunod sa kanila ang lalaki sa shot gun at sa driver's seat. Isang tingin palang mga rk na. Di basta basta eh.

Alas 11 palang ng umaga'y pero tirik na tirik na ang araw. Hay sana naman umulan no? Kahit papunuin niya lang ang isang drum namin. Ayus na yon.

"Ay! Magandang umaga po. Ano pong kailangan natin?" Magalang na sabi ko.

Mukha naman silang mababait. Lumapit sa akin ang babaeng naka braid ang buhok. Ang ganda niya sa puting tube at high waisted pants. Sanaolweys.

"Hello. We just need air. I mean, Kade! Ikaw nga dito." She smiled at me.

Lumapit sa akin ang Kade daw ang pangalan. "Papahanginan lang ng kaunti ang sa harap na gulong. Medyo flat ng kaunti pero hindi naman siya butas."

"Sandali lang po." Tumango lang siya sa akin.

Kinuha ko na ang hose pati ang bilog na parang kilohan na maliit para malaman mo kung ilan na ang hangin.

Umupo na ako at isinaksak na ang hose sa 'kanyuto' ng gulong. Naiilang akong naghahangin dahil nanonood sila sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nag vu-vulcanizing?

Tumayo naman agad ako ng matapos at ibinalik na sa lalagyan ang hose. Chicken lang naman to.

"Nak, ba't naman puti suot mong damit eh alam mo namang mag aayos tayo ng sasakyan ngayon. Magkaka itim yan." Sabat ni papa.

"Ayos lang pa, ako naman naglalaba eh. Kukusutin ko nalang ng maayos. Ako pa ba." Hahayaan ko bang magkaroon ng itim ang puti kong damit.

"Ay bahala ka na nga sa buhay mo. Malaki ka naman na." Parangal ni papa.

"Pa wag mo naman akong pabayaan. Joke nga lang eh." Pambawi ko.

Napalingon ako sa likod ko ng may tumikhim. Naka fierce parin ang mukha nong Kade at iniabot na sa akin ang bayad niya. Hindi ba siya ngumingiti?

Wounded HeartWhere stories live. Discover now