WH12

0 0 0
                                    

We slept around 5 am and woke up like a zombie in 2 pm. Gumising akong gulo gulo pa ang buhok at naka unicorn custome pa rin na suot.

"Gutom na ako." Reklamo ni Maya.

"Maligo muna tayo bago bumaba, tapos kain na naman." Si Anne bago pumasok sa bathroom niya.

Naglinis muna kami ng kwarto ni Anne, mga kalat namin kagabi, inayos na rin ni Maya ang kama na parang dinaanan ng bagyo, nasa sahig na ang comforter at hulog na ang dalawang malaking unan. Nagwawalis naman si Rhett ng sahig habang inaarrange ko ang mga paper bags.

Nilagay ko na sa vanity table ni Anne ang mga regalo at gamit niya. Nasa baba naman ang tatlong paper bags na pinaglagyan ng mga damit at gamit ni Rhett at Anna na inayos ko kanina.

Sumunod na naligo si Rhett at nanonood nalang kami ng movie sa tv ni Anne.

"Bakla! Matagal ka pa?! Tagal mo namang maligo!" Sigaw ni Maya.

"Malapit na akong matapos!"

Nakahiga ako habang nakahiga naman si Maya sa legs ko. Si Anne ginawa ang skin care routine niya bago nag make up at humiga sa tabi ko.

"Maya paabot ng cellphone ko, nag riring. Nasa table ni Anne." Sabi ko.

Inabot niya ito sa akin habang hindi hinihiwalay ang tingin sa tv. Sci-fi movie again.

Sinagot ko ang tawag ni Kade at bumungad ang tumatawang si Stephen at iritadong mukha ni Kade.

"Good afternoon." He said.

"Afternoon. Sa'n kayo?" Tanong ko.

"Blakely's house. It's a party, birthday ng mom niya."

Tumango ako at naramdaman ang pagbukas ng pinto sa banyo.

"Ako nalang sunod Cass, may kausap ka pa naman. Init na init na katawan kooo." Ani Maya at pumasok na.

"Sige bilisan mo ha."

"Have you eaten your lunch?"

Binalik ko ang tingin kay Kade. "Hindi pa," sagot ko at humikab.

"Why?"

"Bagong gising pa kami, tapos maliligo pa ako."

"It's nearly 3 pm, late ka ng kumain." Alalang sabi niya.

"Sige lungss. Dadamihan ko ang kain ko mamaya dahil hindi na rin kami nakapag breakfast."

"Tss, it's not healthy."

Ngumuso ako sa kanya at nilingon ang nakangising mukha ni Anne at Rhett.

"Oh," Hinarap ko sa kanila si Kade, sakto namang lumabas si Maya.

"Ligo muna ako. Kausapin mo muna sila."

Binigay ko kay Anne ang cellphone ko at nagchikahan silang apat. Kinuha ko na ang bagong tuwalya ni Anne at pumasok.

Napasigaw ako sa gulat ng tumama ang malamig na tubig sa balat ko. Geez! Kalahating oras lang akong naligo at nagbihis na, binalik ko ang puting pantalon ko at may pinahiram na damit si Anne. Croset crop top ulit yun pero yellow na ang kulay at flowery ang design.

Nag liptint lang ako at sinuklay ang mahaba kong buhok bago tinali. Nagpaalam na ako kay Kade na kakain muna at saka na kami bumaba.

Maingay na ang bahay nila Anne at nandito na pala ang mga kamag-anak niya. Hindi kami close ng mga tita at tito niya dahil noong minsan na naming kinausap ang isa sa tita niya, napagalitan kami. Masyadong seryoso, biro lang naman yun.

Lalo na ang mga pinsan niyang babae na kasing edad lang rin namin. Iniirapan kami tuwing magtatama ang tingin namin, minsan nasagi lang ni Anne ang pinsan niyang babae sa braso nag inarte na kaagad. Baka daw may germs na dumapo sa katawan niya at agad siyang inabutan ng alcohol at nilagyan ang nasaging part ni Anne, muntik na siyang sinabunutan kung di lang umawat ang lalaki niyang kapatid.

Wounded HeartWhere stories live. Discover now