WH24

0 0 0
                                    

"Cassieophea Adaleyza Alterra." Our head dean said in happiness.

I walked to the stage, smiled widely and shake their hands, then I go to the center of the stage and bow. Smiling at my co-students.

"We did it! We did it! We did it! We all did it! We all did it!" Kanta naming apat ng matapos ang seremonya.

Sa wakas! Na survived rin namin ang apat na taon plus the summer subjects that we take are all done! From the sleepless night, thesis namin na doon pa namin ginawa kung saan 1 week nalang ang palugit. Walang kain dahil sa labis na review. Mga bagsak namin na agad ring nabawi. Mga iyak tuwing di tatanggapin ang paper works. Lahat lahat ng mga sacrifices.

Ang sarap sa feeling ng makatapos ka sa college. Lahat ng pinaghirapan ko, nauwi rin sa tagumpay.

"Sanaol! Edi kayo na may jowa!" Kantyaw nila ng makitang pumasok si Kade dala ang boquet of white roses.

"Thank you." I said and hugged him. Naka pants pa siya at white polo.

"Congarts baby. You did it well." Saad niya at hinalikan ako sa noo.

Lumapit rin sila maderlily at paderlily, Buknoy at Inah para icongratulate ako. May handaan rin sa bahay mamaya kaya di ako sure kung pupunta si Kade. He's been busy because of his work.

"Congarts nak. Natapos mo na rin, naririnig kitang umiiyak sa kwarto mo dahil sa stress at frustration, at ngayon natapos mo na rin." Nginitian ako ni mama matapos niyang sabihin yon.

"Thank you ma, para sa inyo 'to. Kung hindi dahil sa inyo, sa suporta niyo ni papa baka di ko natagumpayan 'to." Emosyonal kong sabi at pinahid ang luhang kumawala sa mata ko.

Niyakap ako ni mama at pinasalamatan dahil natapos na raw ako. Di mawawala ang family picture kaya pagkatapos ay kami naman dalawa ni Kade. Tapos kaming magkakaibigan.

Dumalo ang mga kamag-anak ko at may ilan ring nagbigay ng regalo nila. Nilagay ko lang yon sa kwarto at nakisalamuha na sa kanila.

Bukas, panibagong chapter na naman ng buhay ko. Nakikipag-usap na si Kade kay papa sabay ang mga tito ko kaya nakiupo ako sa kanila mama.

"Abay natapos na rin itong si Cassie ano? Napakagandang bata. Ano bang natapos mo?" Tanong ng isa kong tita.

"Pharmacist po." Ngiti ko.

"Ay wow naman. Bubuhayin mo na ba ang pamilya mo?"

Tumawa ako. "Sa abot po ng makakaya, tutulungan ko po sila mama at papa."

"Ganyan dapat. Masipag. May boyfriend ka na ba Cassie?"

Nahihiya akong tumango. "Meron po."

"Saan siya?"

"Kausap po ni papa."

"Si engineer Montañosa? Sa pagkakaalam ko siya ang nag manage ng pinapagawang building doon sa city." Napangiti ako.

"Ilang taon na kayo ate?" Curious na sabat ni Aneng.

"Mag wa-one year na sa 12." Syempre pinagmalaki ko siya.

Proud girlfriend here.

"Hala sanaol nagtatagal. Stay strong sa inyo ate! Bagay na bagay kayo!"

Ngumiti ako at nagpasalamat bago siya pinuntahan. Sa alam ko busy siya sa ginagawa niya.

"Di ka ba busy babe?" Tanong ko.

"I'm busy, but I can always find a time for you." Ngumiti siya at pinisil ang ilong ko.

Umuwi na ang iba kong tita dahil may trabaho pa raw sila bukas at mag aalas onse na rin kasi ng gabi. Huli kong hinatid si Kade sa kotse niya at pinaalahanan na mag-ingat siya pauwi dahil medyo nakainom siya.

Wounded HeartWhere stories live. Discover now