WH6

0 0 0
                                    

"Iba talaga advice ng mga single 'no? Napaka powerful! Pero pinagtataka ko lang, ang galing mong mag advice pero ba't hindi mo ma apply sa sarili mo?" Tanong ni Rhett.

Panira 'to ng moment eh, ganda na sana ng linya ko kanina. Na pa English tuloy ako ng wala sa oras.

"Oo nga, yung sinabi ng nag advice na 'wag kayong papaloko' tapos may Isa pa na napaka ironic na 'wag kayong magpaka tanga' pero siya rin pala mismo ang susuway sa mga advice niya." Saad ni Joseph at humagalpak sila sa tawa.

Trip na naman nilang mang asar. Parang mga timang lang. Napalingon ako sa labas ng may huminto na itim na vios sa harap. Nanlaki naman ang mata ko ng lumabas sa driver's seat si Kade at dahan dahang naglakad palapit sa amin. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya, naka maong shorts siya na itim at white polo saka tinggal ang shades at sinabit sa polo niya.

Akala ko next year pa sila dadating dahil busy sila sa school?

Narinig ko ang tilian nila na parehas ko ay hindi rin matanggal ang tingin kay Kade.

"Shit, napaka yummy girl."

"Is he single?"

"Tanong mo kaya teh?"

Tuluyan ng lumapit si Kade sa 'kin at bahagyang yumuko upang bumulong. "Let's go, love. Your parents texted me, sa'n ka na daw."

Napalunok ako sa kiliting dulot ng hininga niya. Ay shit bastos!

"Hindi kayo sasabay?" Tanong ko kila Maya.

"Hindi na Cass, kami nalang ni bakla ang sabay. Enjoy your night." Bulong ni Maya sa huling sinabi niya.

"Ah, una na ako sa inyo. Ingat kayo pauwi." Nakangisi lang nila akong tinanguan.

Tumayo na ako at agad na dumapo ang kamay ni Kade sa baywang ko bago tumalikod. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umikot. Bumusina muna si Kade hudyat na aalis na kami bago niya ito pinaandar.

"Akala ko matagal pa kayo darating? Biglaan ah?" Tanong ko.

Lumingon muna siya sa akin bago ibinalik sa daan ang tingin. "Yeah, I will go back to United States next week before the class started."

"Ah, so ilang araw ka lang dito tapos babalik ka ulit?"

"Yep. I wanted to stay here for 1 week but mom won't let me." Tumango ako sa sinabi niya.

"Sana di ka na nag abala pang sunduin ako," Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Pano mo pala nalaman na nandoon ako?"

"I texted Rhett." Oow, buti pa si Rhett may number niya ako wala.

"Kumain ka na?" Baka kasi di pa 'to nag dinner. Mag aalas 7 na.

"Yeah. Get my phone from my pocket and enter your number. I don't have your number." Weeh? Wala daw, siya kaya yong naka text ko na Gusion daw kuno.

Kung paano ko nalaman ay sinabi ng mga tukmol sa 'kin.

Pinatong ko ang siko ko sa dashboard at nag lean forward para kuhanin ang cellphone niya. Shinare-it ko muna ang picture kong naka smile sa kanya at winallpaper sa cp niya. Ganda kasi ng pagkakuha ni Maya si 'kin non. Nasa dagat kami at nakapusod ang buhok ko, nakasuot ng loose shirt na tinuck-in sa suot kong pants at hinarang sa may noo ko ang kaliwa kong kamay at nakaharap sa araw na nakapikit habang nakangiti ng malapad.

Sinave ko na ang number ko bago binalik sa dashboard. Wallpaper lang, kahiya naman kung lock screen diba.

"Cassie..." Nilingon ko siya at agad na binalik sa cellphone ang tingin.

Wounded HeartWhere stories live. Discover now