WH22

0 0 0
                                    

Nagpakita kami sa kanila na parang normal at tila walang 'quick' na nangyari at nginitian sila.

"Bakit ang tagal niyo atang dumating?" Nagtatakang tanong ni tita.

"Ah.. ano po, nagbihis pa po kasi si Kade. Hinintay ko lang po." Nginitian ko sila.

"Grabe namang pagbibihis yan teh?! Bakit ang tagal naman? Baka ibang bihis na yan ha!" Bulong ni Rhett sa 'kin ng mapadaan siya sa gilid ko.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin at tatawa tawa lang niya akong tinignan na alam na niya ang nangyari.

"Excuse me. I just want you all to meet Cassie. My girlfriend." Sinundan nila ng tingin ang kamay ni Kade na nasa baywang ko na ulit.

"We already know that kuya Kade! We'd shopping the other day!" One of cousin said.

Kade's brows furrowed as he lower his gaze to mine. "Ahm, ano alam na rin nila. Hehe."

Dumapo ang tingin ko kay Anne na namimilog ang mata habang nakatitig sa leeg ko. Tumayo siya at pumunta sa akin at saka ako hinigit.

"Gaga ka! Mabuti nalang 'di nila napansin ang kiss marked sa leeg mo! Kaya pala natagalang magbihis." Ani Anne at nilagyan ng concealer ang leeg ko.

Tangina oo nga pala! Bakit nakalimutan kong lagyan ng concealer yung kinagat niya kanina?

"Thank you Anne. N-nothing happened, really." Pilit ang naging ngiti.

"If you say so. Use protection tho." Aniya at iniwan akong nakaawang ang labi.

Namumula ang pisngi kong bumalik kay Kade at umupo sa nakahandang upuan malapit sa kaibigan ko. Nawala rin yon sa isip ko ng mawala sa 'min ang paningin nila at nabaling sa bagong dating na pinsan rin nila.

Gabi na ng matapos ang kainan at hindi na kami nag dinner dahil busog na ang lahat. Nag-iinuman nalang sila Kade sa labas at nasa guest room kami ngayon.

"So anong nangyari noong 'nagbihis' si Kade? Nagbihis lang siya may kumagat na agad sa leeg mo. Tsk." Umiiling na sabi ni Rhett.

"Hala oo nga! Akala ko nga lipstick lang na maliit kasi di naman siya gaanong kita. Tapos kissmark pala!" Ani Maya.

"Ayos lang naman yang ganyan eh magjowa naman kayo. Basta gumamit kayo ng condom! Protection ba para walang makapasok na butete!" Si Rhett.

Napahalakhak na ako ng tuluyan dahil sa sinabi niya. Pota kahit saan wala paring filter ang bunganga.

Napalingon kaming lahat sa pinto ng bumukas ito at bumungad sa ate Maeve na nakangiti.

"Let's go outside guys! Wag kayong magmukmok dali naaa! Nag-iinuman ang mga boys doon sa garden tapos sa jacuzzi tayo, unlimited vodka's and whiskey's." Ani ate Maeve at isa isa kaming hinila palabas.

"Itatakas ka nalang namin Cassie, dahil hahanapin ka rin mamaya ni Kade!"

Nakapabilog na silang lahat pagdating namin at nagtatawanan. Umupo na kami at nakisabay sa kanila, nagpasa pasahan ng baso kaya matagal kaming nalasing.

"Yeah, I remember that scene! He was so fuming mad because we took a video of him in bathroom!" One of his cousin said.

"HAHAHAHA! That was epic! He's taking a shower naked! I didn't expect that!"

"Grabe teh, english spokening, dumugo na ata ilong ko." Bulong ni Rhett sa tabi ko.

"Yaan mo na, mga lasing na rin kasi." Bulong ko pabalik.

"I have a game! No kj, everyone will participate!" Biglang sabi ni Anne.

We all looked at her and saw her wide grin. "Since we have a blue label whiskey here, I will pour each in everyone's glass and drank it as fast as you can!" She paused and breathe out. "We will do it again and again until we're done! Hanggang sa maubos natin lahat ng bote ng blue label! Alright?! You in?!"

Wounded HeartWhere stories live. Discover now