SBFF: Chapter Eight

383 58 69
  • Dedicated kay Mitchell Jade Gallos
                                    

Nica's POV

Would you believe what he just did? Joke ba yun? Pero parang hindi eh...lumayas talaga ang engot na si Zai. Hashtag walang kasama/kasabay sa pag-uwi ang beauty ko. May gaasshh!!! I can't believe na magagawa niya talaga akong iwan. I've never felt so alone in my entire life, just now.


Hindi man lang niya inisip na wala akong kasama,daig ko pa ang isang orphan. Paampon na lang kaya ako sa DSWD o sa mga NGO's na willing mag-alaga ng piglet?


"Nakakainis!!!" I am whining while walking on that lonely road alone. Badtrip talaga. Hindi ko maalis sa isip ko ang ginawa ng kumag na iyon. Akalain mo? Nag walk-out na lang bigla-bigla? Tapos si kuya driver ko naman, hindi daw siya pwede dahil may sakit ang asawa niya, hindi niya ako masusundo.


I am almost stomping my feet sa sobrang sama ng loob sa bespren kong hindi nag-iisip minsan at nagpapadala na lamang sa kanyang emotions.


Haaayyy...


Kasi naman, yung school namin pagkalabas na pagkalabas mo, dadaan ka pa sa tahimik na eskinita. Walang masyadong nagagawi doon kasi nga maraming rape cases at mga panghoholdap ang nagaganap.


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad ng dahan-dahan sa lugar na iyon. Graveycious...nakakatakot pala dito. Dinig na dinig ko pa ang mga yabag gawa ng takong ng aking sapatos. Maraming mga dram ng tubig tapos marami pang sulok at lagusan. Ang baho pa.


First time kong nagawi dito. Marahil na bored na rin ako sa life ko at sa sobrang inis ko kanina, lakad lang ako ng lakad at haala...napadpad na pala ako dito.

Nilibot ko ang aking mata sa paligid. Dumidilim na at kailangan ko ng magmadali. Bigla akong naalarma ng may kung sinong sumulpot mula sa aking likuran at...


"Miss...wag kang gagalaw kung gusto mo pang mabuhay..." Isang malaking tao ang may hawak-hawak na kutsilyo at itinutok ito sa aking leeg. Parang sinasakal pa niya ako ng braso niya habang dinidiinan ng konte ang kutsilyong hawak niya sa leeg ko, tama lang para mangilabot ako ng husto at maramdaman ko ang tulis nito.


Juice colored...


"M-Mama..a-anong gagawin niyo sa akin?" Nanginginig na ako sa takot ng mga panahong iyon.


(I really really really hate you Zairel Gonzaga! Sagad sa buto na ang galit ko sa'yo..akala mo ah..) Napamura pa ako but then I just kept all of that in my mind.


Ngumisi ang taong iyon. Inilipat-lipat niya ang kutsilyo sa ibat-ibang parte ng katawan ko. Parang tinatansya niya ang fats ko, kung saan ang mas mapapakinabangan niya. My heart is racing very wild. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pasimpleng tingin sa paligid..


Wala...walang tao.


'Ako ba'y makakatay na ngayon, for real?....oh no!!!


"M-Mama, kunin niyo na ang lahat...wag lang ang aking..." Hindi ko na tinuloy ang aking sasabihin dahil tinakpan ko ang aking mga bibig at napayakap sa sarili.

Status: Best Friends ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon