Zai's POV
"AaaaahhhhhhHHHHHH!!!!"
Huh?Parang si Nica yun ah? Isa lang kasi ang alam kong ganoon sumigaw. That kind of voice, kahit sisigaw maganda pa ring pakinggan...pero teka? Bakit kinabahan ako ng husto?
I am actually playing Bonbon's pelet gun. Parang bumalik ulit ako sa pagkabata. May mga bala din siyang iniwan sa akin, yun maliliit na matigas na bilog na may iba't-ibang kulay. Nakakatuwa talaga. Naalala ko pa nung binigyan din ako ng yaya ko ng laruang baril na iyon when I was 9 years old, but then my mom confiscated my toy and she never returned it. Recalling those times...
Hindi ko namalayan ang mga oras at dumidilim na pala. Hindi ako nakauwi agad dahil sa hindi ko mapigilan ang aking sarili sa paglalaro ng laruang minsan ipinagkait sa akin. Masyado akong naaliw sa paglalaro ng laruang baril habang pinapatamaan ang mga lata na naroon lang sa paligid.
Hinanap ko ang pinanggalingan ng tunog na iyon at nabigla ako sa nakita ko. Napuno ako ng galit dahil sa taong gagawa na sana ng hindi maganda sa best friend ko. Unti-unting hinuhubadan na ng lalaking iyon si Nica at mabuti na lamang talaga at binigay sa akin ni Bonbon ang pelet gun niya. Kulay itim ang pelet gun at animo'y totoong baril talaga siya kung hindi pa nga sinabi ni Bonbon na iyon ay laruan lamang, mapapaniwala pa niya ako na tunay iyon.
Nilakasan ko na lamang ang aking loob at itinutok iyon sa lalaking may masamang balak sa kaibigan ko.
'It's between the two of us...palakasan na lamang ng loob...' I keep on telling myself at patagong hinamon ang mama kasi hindi ko na rin alam kung saan ako huhugot ng lakas ng mga sandaling iyon. Diniinan ko ang pagkakatutok ko ng pelet gun sa ulo ng nakatalikod na mama habang nakaharap sa akin si Nica na halatang gulat na gulat nung makita ako. Napasinghap siya.
Tiningnan ko siya and gave a gesture na magiging ok din ang lahat. Mabuti na lamang at kalmado siya noong mga sandaling iyon at ang iyak niya ay pigil na pigil dahil na rin siguro binalaan siya ng mama na huwag ng uulitin ang sigaw na iyon.
Duwag naman pala ang taong iyon. Matapos ko siyang balaan, sinunod niya rin ang sinabi ko at kumaripas na sa pagtakbo palayo. Bilib na talaga ako sa pelet gun ko. hahaha
Iyak ng iyak si Nica. Akala ko pa naman yayakapin niya ako at magpapasalamat sa ginawa ko. What I expected was the very opposite of it, binatukan pa talaga ako. Nanginginig pa siya sa takot at parang hindi ko na mai-drawing yung mukha niya.
I tried everything to calm her down at inasikaso ko siya ng husto. Something just struck me when I am looking at her. Anak ng dinosaur naman...sa lahat ng maging kamukha niya, si Mika pa talaga. I remembered how Mika would cry and Nica made me remember everything again. I looked at her lips at hindi ko na napigilan ang sarili ko.I gave her a very quick smack on the lips.
Totoo yung halik pero hindi nag sink in sa kanya. Yes. I kissed her. I just did pero napakabilis nun. Ppssshh...I'll just made her forget that...kalimutan ang baliw ko pa ring pag-ibig kay Mika at pagkapa sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
Status: Best Friends Forever
TienerfictieIt is sounding more of a mortal sin. I must not feel this way but my heart is telling me the opposite. Is it wrong to even dream of an ever after with my best friend? 1st cover: @shinemm 2nd cover: @LituSSutiL 3rd cover: @-shinriaa