"Haaay..." Ngumingiti pa si Lea na parang baliw ng biglang may bumunggo sa balikat niya, tumatakbo ito palayo.
"N-Nica?" Kumunot ang noo niya at dali-daling sinundan si Nica sa parking lot ng school nila. Napatakbo na rin si Lea.
Nang makita ni Nica ang kaibigan nito, agad siyang napayakap sa kanya.
"Ano ba ang nangyari?" Pag-aalalang tanong ni Lea.
"H-He k-kissed me..." Nica managed to say between sobs, he's referring to Zairel.
"Ano?!" gulat na gulat si Lea habang kinikilig. Niyuyugyog niya ang balikat ni Nica.
"As if naman gusto ko iyon—"
"Grabe, nawala lang ako saglit, may nangyayari na pala sa inyo 'dun" Panay ngiti naman ang ginawa ni Lea at ngumuso pa sa location ng P.E room nila. Pinukulan naman siya ni Nica ng masamang tingin pero balewala lang ito sa kanya.
"Yiiieee...hindi ba?" Dagdag pa niya. Tumaas-baba ang kilay niya habang sinisiko si Nica.
"Sinabihan ko kasi siyang bakla...nagalit ng husto, aba'y malay ko ba, mapipikon siya ng ganun-ganun na lang..." Nakayuko si nica habang nagpupunas ng luha niya.
"Ay naku friend...kung ako si Zairel, magagalit din ako kasi nga hindi totoo." Malokong sabi ni Lea habang panay pa rin ang ngiti at pang-iinis kay Nica.
"Lea?!? Nakakainis ka naman eh, kinakampihan mo naman 'yung engot na 'yun!"
"Eh?"
"Eh, eh ka diyan! Ewan ko sa'yo, basta para na rin akong binastos ng engot na 'yun, bahala siya." Nica folded her arms while frowning terribly.
"Friendship...kahit kaya saang anggulo tingnan, ikaw ang may kasalanan, aminin mo kasi!"
" Oo, kasalanan ko, pero 'yung halik na 'yun...hindi 'yun makatarungan para sa akin!" Paasik na sabi niya. Si Lea naman ay papalayo na sa kanya.
"Oo na...hindi na makatarungan..." Nagwave pa siya ng panyo tanda ng pamamaalam at nauna na siyang maglakad.
"Lea naman eh!"
"Anohh? ayaw ko nang makipagtalo..hmm..ano kaya kung magswimming na lang tayo sa bahay niyo? magpapalamig tayo ng mainit na ulo..." Masiglang tugon ni Lea.
"Sige na nga..." Wala na ring nagawa si Nica at sumakay na nga sila sa kotse ni Nica at hinatid na sila ng driver sa pupuntahan nila.
*******
Nica's POV
BINABASA MO ANG
Status: Best Friends Forever
Genç KurguIt is sounding more of a mortal sin. I must not feel this way but my heart is telling me the opposite. Is it wrong to even dream of an ever after with my best friend? 1st cover: @shinemm 2nd cover: @LituSSutiL 3rd cover: @-shinriaa