SBFF: Chapter Fourteen

374 50 47
                                    

"Senyorita?" Dahan dahan na lumapit si Mindang kay Nica. Pinatawag kasi siya nito. Si Mindang ay ang mayordoma ng mansion at paborito ni Nica sa lahat ng mga yayas niya. Simula pa lang kasi nung maliit pa si Nica (younger years) at (yung katawan...lol) ay siya na ang nag-aalaga sa kanya. Nica is also treating her yaya Mindang with respect. Yun nga lang, dahil sa protocol sa mansion, dapat senyorita pa rin ang tawag niya kay Nica.


"Yaya...Do you think tama lahat ng sinabi ni Kumareng Chuchay?" Mahinang sabi ni Nica. She's holding Mindang's two hands nung umupo agad ito sa kama ni Nica.


"Hala?" Tensed na tensed si Mindang.'Siguro nahuli kami ni Nica na nakikinig sa radyo. Patay.'


She murmured. Napatingin si yaya Mindang sa ibaba at napakagat sa labi. "Over naman po kayo..." Nica chuckled. She's very amused sa inaktong iyon ng yaya niya. " Opo, narinig ko po pero hindi naman sinasadya kasi papunta ako 'nun sa room...yaya sige na, sagutin mo na ang tanong ko..." Niyuyugyog pa ni Nica ang balikat ng yaya niya.


"O-Oo...magaling na DJ yang si Kumareng Chuchay, mabait pa...binabati nga kami niyan palagi sa radyo kasi nga suki na kami 'nyan..." Napahagikhik ito.


"Oh..." Tumango-tango at kumunot na naman ang noo ni Nica. Napangiti na naman ito. "In-love siguro ang alaga ko ngayon, ano?" Mindang nudged her shoulder to Nica's while smiling.


"W-Wala po..." Nahihiyang ngumiti si Nica sa yaya niya.


"Hindi naman ako nangengealam sa puso mo senyorita, alam niyo kasi pag nagmamahal ang isang tao, isa 'yan sa pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo..."


Nica rested her head on Mindang's shoulder. Hinaplos-haplos nito ang braso ng yaya habang hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa labi niya.


"Y-Yaya?"


"hmmmmm?" Ngumiti si Mindang habang napapulupot na ang mga kamay ni Nica sa isang braso nito.


"N-Nainlove na po ba kayo sa..." Hindi masabi-sabi ni Nica ang nararamdaman niya. She bit her lower lip.


"Naku hija, kung sa masamang elemento, wala pa..." Kinurot pa ni Mindang ng bahagya ang pisngi ni Nica at para bang gigil na gigil ito sa kanya. Tumawa ng marahan si Mindang at nagpout ng lips si Nica at bahagyang hinaplos ang pisngi niyang nakurot. Ngumiti siya sa yaya niya.


"Mas masahol pa dun yaya...he's the most handsome beast ever...chinito ang mata, matangos ang ilong...may manipis na mga labi..." Ngumiti si Nica at hinawakan niya ang magkabilang pisngi niya ng dalawa niyang mga kamay.


"Si senyorito Zairel po ba? uuyyy...." Siniko siya ni Mindang ng marahan.

"Y-Yaya p-parang ganun na nga po..." Nahihiyang tugon niya.


"Naku hija, magkaibigan kayo hindi ba? wala namang masama 'dun. Marami nga akong nakilalang magkaibigan na nagka-ibigan..." Hinaplos ng marahan ni Mindang ang mukha ni Nica.


"Pero sa magkakaibigan, hindi maiiwasan ang mga ganitong pangyayari: Yung minamahal mo siya, pero siya walang nararamdaman para sa'yo..." Kinuha niya ang dalawang kamay ni Nica at hinawakan ito."Maging handa ka sana kung magkagayon man."

Status: Best Friends ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon