Chapter 1

12 2 0
                                    


Chapter 1

Box

Nang nakapunta na ako sa room ay hinihingal ako, malayo kasi ang freedom park sa room namin at nasa third floor pa ito kaya pinagsisihan ko na hindi ako umalis agad.

Tumabi ako kay Jia na hindi na nakikipag usap sakin, siguro dahil kahapon ng inaya niya ako pero hindi ako sumang-ayon. Pinag sa walang bahala ko na lang iyon, buti na lang at dumating ang teacher namin.

"Good morning class," bati niya samin at tumayo kami para bumati rin.

"So for today, your section schedule to roam around the school. School tour ang tawag dito at may mga college students na magiging guide niyo sa paglilibot na ito..." Pag papaliwanag ng aming guro, ang iba ay excited na malibot ang buong eskwelahan at ang ibang naman ay excited sa mga college student na sasama saamin.

"Ito si Ate Gie at Kuya Elias, sila yung magiging guide nyo," pumasok sila at laking gulat ko na kasama iyong lalaki na kausap ko kanina. Gulat din siya nang makita ako, pero nawala din. Pinapila na kami sa labas at pina arms forward straight pa dahil baluktot ang linya namin, nahihiya ako dahil dun.

Minsan ay napapatingin siya sa gawi ko, minsan naman ay nag tatagpo ang tingin namin pero umiiwas ako ng tingin. Naglakad lakad kami palibot sa buong eskwelahan, masyadong malawak kasi ang space nito, anim ata ang buildings nito dahil may mga kolehiya at iba't ibang kurso pa.

Nang nasa may freedom park na kami ay napansin ko na lumapit siya sakin dito sa likod. Sa pinaka likod ako nakapila dahil ako ang pinaka matangkad na babae sa room namin, pero kung lalapitan ako ng lalaking ito ay nagmukha lang akong pandak dahil hanggang ilong niya lang ako.

"Favorite place mo, oh?" pang-aasar niya sakin, hindi naman iyon narinig ng iba kong kamag aral dahil nasa likod kami.

Tinarayan ko lang at hindi sumagot.

Natapos ang school tour ng isang oras ang lumipas, pawis na pawis kami pag tapos, init na init sa labas.

"Okay, settle down.." saad ng guro namin, "..mag paalam na kayo kila ate at kuya nyo," dagdag niya pa, kaya tumayo kami at sabay sabay nag paalam.

Natapos ang araw na iyon ng mabilis lang, bago umuwi dumiretso muna ako sa mall para bumili ng mga gamit na kailangan ko bukas. Pero bago 'yon ay tinext ko si mama na malate ako ng uwi.

To Mama:

Late po ako makakauwi ngayon, may dadaanan lang po ako sa mall.

Nag reply naman siya agad.

From Mama:

Okay, wag papagabi.

Si mama ay masyadong maalaga sakin, sobrang mahal niya ako, to the point ay kontrolado niya na ako. Sa ilang taon na house wife siya, kami lang ang palagi na mag kasama kaya alagang alaga niya ako.

Nang nakapunta na ako sa book store, pumunta ako sa pen station. Bibili ako ng extra ballpen dahil feeling ko ay marami na kami'ng susulatin sa susunod na araw.

Habang pumipili ako ng ballpen ay nagulat ako sa harap ko, andito nanaman siya! Ba't ba palagi kaming nagkikita nito?

"Uy, ikaw nanaman?" gulat niyang tanong, "..sinusundan mo ba ako?" dagdag niya pa.

Napatingin ako sakanya dahil don.

"Excuse me?" tiningnan ko siya ng masama at umalis na doon.

Pero nang lumipat ako ng ibang pwesto sunod pa rin siya ng sunod sa akin.

"Ano ba! Bakit mo ba ako sinusundan?" inis na tanong ko sakanya.

"Feeling ka naman, may bibilin rin kaya ako dito.." sagot niya na natatawa.

Hindi ko na siya pinansin at umalis na sa book store na iyon. Pumunta ako sa isang kainan, nagugutom na ako kaya kailangan ko na kumain at wag mag palipas ng gutom.

Nag order ako ng one piece chicken at rice na may kasamang fries and drinks. Pumwesto ako sa bandang dulo para wala masyadong tao.

Ilang minuto na ang lumipas malapit ko na matapos ang kinakain ko ng may umupo sa harap ko na ikinakaba ko.

"Hi.." ngiti ngiti niya na bati sakin.

"Bakit nandito ka na naman?" tanong ko sakanya.

"Nakita kita, mag isa. Gusto lang kita samahan, bawal ba?" sinasabi niya habang nang tinaasan niya ako ng kilay.

Hindi ko na siya pinansin, umupo siya kung gusto niya pero 'di ko siya kakausapin.

"Hindi ka talaga mahilig mag salita no?" saad niya.

"Ano nga ulit pangalan mo?"

"Ysa,"

"Wow, ganda ng pangalan!" ngiti ngiti niyang sabi. Umayos siya ng upo, pinatong ay mga siko sa lamesa at titig na titig sakin.

"Ilan taon ka na?" tanong niya pa ulit.

"Bigay ko na lang sayo mamaya biodata ko," inis ko na sabi sakanya.

"Sige pa photo copy ko din." Ngisi niyang sabi saakin na para ba'ng sinasabayan niya ang panunuya ko.

I glared at him. Ewan ko ba, nakakainis ang presensya niya.

"18 palang ako," sagot ko sa tanong niya kanina.

"Ang bata mo pa pala.."

"Tanda mo na kasi."

"Grabe ka naman, tatlong taon lang.." natatawa niyang sabi.

"Bakit mo ba ako kinakausap?" nagtataka ko na tanong sakanya habang kumakain ng fries.

"Wala lang, it feels like kailangan mo ng kausap," sagot niya sakin.

"Hindi ko kailangan," linigpit ko na ang gamit ko at ambang aalis ngunit hinawakan niya palapulsuhan ko.

"Ano ba?!" singhal ko sakaniya.

"Bakit ka ba galit saakin?" tanong niya na may pagsusumamo sa mukha.

"Teka nga, sino ka ba? Hindi tayo magkakilala at lalong 'di kita kaibigan, kaya pwede ba? Lubayan mo 'ko."

Pwersahan ko na na inalis ang pagkakahawak niya saakin dahil ayoko na magtagal doon. Ang weird niya lang, ilang araw na siyang sumusulpot sa kawalan, lalapit na lang siya saakin ng biglaan, sino ba siya? Kilala niya ba ako? Hindi ko nga siya kilala! 

Pagkauwi ko ay gumawa na ako ng nga assignments, it was a very tough day. Wala pa akong kaibigan at na prepressure ako dahil kanina lang ay tinanong ako ni mama kung may kaibigan na ako, pangalawang beses ko nang nag sabi na wala.

I scroll in to my facebook account, some of my classmates were already my friends, ako iyong una na nag add dahil sigurado ako na hindi sila interesado saakin. Habang nag scroll ako napansin ko ang shared post ng aking kamag-aral, post iyon ng page ng campus at naghahanap sila ng bagong miyembro ng moldering club.

I quickly clicked the post and scan those comments na ang iba estudyante ay interesado din. Back when I was in junior high, I was part of English club at nagsusulat kami ng news paper doon. Maybe its time to let myself go out of the box.

Say, You'll Stay (Academia Series #1)Where stories live. Discover now