Chapter 3
Pity
"Pwede'ng sumabay?"
Nagulat ako nang nasa tabi ko na pala kaya hindi ako nakasagot agad.
"Well, silence means yes diba?" saad niya, "..bagay sayo damit ko, balik mo ah.." Natatawa niyang sabi.
"Ibabalik ko naman talaga, bukas.." Sabi ko nang hindi ngumingiti dahil hindi ko maintindihan kung bakit ba siya nandito.
"Baka gawin mo ng pantulog e," natatawa niya ulit na sabi.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Ganyan ka ba talaga? Minsan hindi nagsasalita minsan naman parang galit.."
"Ano ba'ng paki alam mo?" binalingan ko siya ng tingin at sinamaan siya ng tingin.
"Oh sorry, galit agad?" tinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumususko.
"Look, alam ko na mabait ka sakin..na nilalapitan mo ako kasi naawa ka lang sakin..well, I don't need your pity. Wag ka mag alala, bukas na bukas ibibigay ko sa iyo ito."
Pagkatapos ko sabihin 'yon at umalis na ako.
All this time alam ko na nilalapitan niya lang ako dahil naawa siya sakin. He has his friends, marami sila at masasaya samantalang ako palaging mag isa kasi walang kaibigan. I've been alone for how many years as a teen ager, I used to it, sanay na ako na mag isa, sa mga nambubully, sa mga judgements. Wala ako'ng pakialam, pinanganak ako na mag isa at mamatay ako na mag isa rin.
Umuwi ako ng bahay ng walang imik. As usual my mom is waiting for me, preparing the food for me to eat, after all of this I think I'm kinda lucky to have a mother like her. Even though my father was not always present, my mother always fill in the gap.
"How's your day, anak?"
"Fine, ma.."
"Do you have friends already? Papuntahin mo sila dito, maghahanda ako.."
"Try ko po, akyat na muna po ako. I want to rest."
Umakyat na ako at nag mukmok. Mama always want me to have friends, minsan sinasabi ko na meron kahit naman ay wala para lang ay hindi na siya magisip pa.
Kinabukasan nalaman ko na nakapasok ako sa sinalihan ko na organization. Sa sobrang tuwa ko ay na sabi ko iyon kay mama at masaya siya dahil doon.
"Siguraduhin mo lang na maipagsasabay mo ang pag-aaral at ya'ng pagiging mimyembro mo diyan, huh," saad niya ng nilalagyan ng pinggan any aking pinggan.
"Ano'ng mimyembro? May sinalihan ka anak?" tanong ng papa ko habang siya nasa gitna ng lamesa, kakadating niya lang dahil sa trabaho at espesyal ito'ng araw na ito dahil minsan lang kami nakakain ng sabay sabay.
"Opo pa, sumali ako sa moulder, yung nagsusulat sa newspaper," paliwanag ko.
"Buti naman at naisipan mo..dati naalala ko na ilag ka sa tao, baka dahil diyan sa pagsali mo maging sanay ka sa atensyon ng ibang tao sayo."
Baka tama nga si papa, this is all the start of something new. Kailangan ko ng mag improve when it comes to socializing, hindi na ako bata at ilang taon na lang mag kokolehiya na ako.
Pag katapos kumain ay nag handa na ako para matulog kaso naalala ko pala ang damit na pinahiram sa'kin. Kailangan ko labhan iyon, para maibalik na bukas.
Linabhan ko iyon, habang naglalaba napaisip ako.
Bakit ganon niya na lang ako itrato? Ang bait niya sakin? Ganon ba siya sa iba, na kapag naputikan bibigyan niya ng damit? We've just met few times, pero feeling ko ang gaan ng loob niya sa'kin.
Mga tanong sa'king isipan ang bumalot sa isip ko sa gabi na iyon kaya di ako nakatulog, kinabukasan ay late ako sa eskwelahan.
Jusko naman! Ano ba kasi 'tong pinagagawa ko kagabi, nanahimik yung tao tas ako isip ng isip sakanya!
Alas syete na ako nakapasok sa klase, hingal na hingal ako ng nakatungtong sa silid namin. Gulat naman ang mga classmate ko sa pag dating ko, dahil himala late ako.
"Sorry ma'am," yuko na sabi ko.
"It's okay, come in and take a sit."
Natapos ang klase ng mabilis, alas una ng pinalabas kami. Kailangan ko puntahan si Elias dahil ibabalik ko itong damit niya. Linibot ko ang buong school pero wala, baka may klase pa?
Pumunta ako sa College Department kung saan ang classroom nila. Linakad ko ang court para makapunta sa building nila dahil malapit iyon sa main gate kaso nagulat ako ng may tumawag sa'kin.
"Miss!"
Napalingon ako sa tumawag.
"Po?"
Lalaki, naka jersey may dalang duffle bag. Matangkad siya kaya naka tingala ako ng lumapit siya, his looks calls for attention, siguro kung dadaan lang ito ay mapapatingin ka na.
"Sorry pala," he said it sincerely, kitang-kita ko iyon sa mata niya.
"Huh? Magkakilala ba tayo?" Hindi ko alam kung bakit siya nag so-sorry. Hindi ko naman siya kilala, at sigurado ako na hindi kami magkaibigan kaya bakit siya humihingi ng paumanhin?
"Noong nakaraan, sa Jordan, ako yung nakabangga sayo."
Ah, siya yung nagmamadali na umalis at sinigaw na lang iyong sorry niya.
"Ah, wala iyon! Okay lang.."
"I'm Kly, ikaw?" Inabot niya sa'kin ang kamay niya. Nag aalinlangan pa ako ibigay yung akin dahil sa kaba.
"Ysa, Y-sa ang pangalan ko."
We shake our hands, pormal na pagpapakilala.
"Grade?" tanong niya ng binitiwan na ang kamay ko.
"Grade 11," agap ko.
"Oh? Ano'ng strand? Grade 12 ako, Stem."
"Humanities and Social Science," ilang pa ako dahil hindi ko alam kung bakit kami naguusap ngayon.
Kinuha niya ang damit niya at nilagay sa braso. Hala, may kailangan pa ako ibalik!
"Kailangan ko na umalis, sorry," inangat ko ang salamin ko dahil bumababa ito. Tipid siyang ngumiti at tumango.
"Sige, see you around," ngiti niya sa'kin, at bilis ako na nag lakad. Kailangan ko makita si Elias ngayon dahil naka sabihin niya hindi ko na ito ibabalik.
YOU ARE READING
Say, You'll Stay (Academia Series #1)
Genç KurguEveryone wants happiness, all of us want it. But unfortunately, there will be no rainbow if there's no rain.