Prologue
Every girl dreamed to have a fairytale like love story. A guy who will be your night shining armour. A guy who will fight for you, no matter what happens. A guy who will protect and love you every second. Well, it was all fictional. Not true. Based on imaginary.
I dreamed to have it all, na may lalaki na ipaglalaban ka sa magulang mo, na papayungan ka pag wala kang payong katulad sa mga drama, mala fictional characters sa wattpad.
I was very young when I dreamed to have all of this. Masyado pa'ng bata para mag imagine na mga bagay na kailanman ay hindi ata magiging totoo.
I was on my way to my room, first day of school ngayon. Lahat ng esyudyante sa paaralan na ito ay aligaga, hinahanap nila ang mga room nila sa bulletin board. Tapos ko na hanapin yung akin, maaga ako pumasok para 'di ko na maabutan pa ang maraming tao.
Masyado akong mahiyain, hindi ko alam kung bakit sa bawat tingin ng ibang tao sakin ay nanapayuko nalang ako. Hirap ako tumingin sa mga mata nila, at kung minsan a kinakausap nila ako hindi ko sila makausap ng maayos. Grade 11 na ako ngayon, pero ganito pa rin ako. Ilag sa mga tao.
Pumunta muna ako sa cr malapit sa canteen ng eskwelahan na ito, kinakabahan ako para sa unang araw ng pasukan.
I was looking at myself on the mirror. I stared at myself, I have big eyes with round eye glasses, matangos naman ang ilong ko dahil minana ko iyon sa mama ko, my lips were thin, pero ang kulay ng aking balat ay kayumanggi.
As I watched myself wearing our uniform, usual uniform partnered with skirt at the bottom. I look like a kid, too young for seniors high. Pinawalang bahala ko 'yon at umalis na para pumunta sa classroom.
Huminga ako ng malalim ng papalapit na ako sa silid namin, nang nakahinga na ay pumasok ako na parang hindi kinakabahan. Dire-diretso ang lakad ko at umupo sa pangalawang row, ilang minuto pa ang lumipas ng nag datingan na ang mga magiging classmates ko.
Linibot ko ang paningin ko sa buong classroom, nagulat ako ng nakaupo pala ako sa side ng mga lalaki. Hiwalay pala ang babae sa lalaki? Hindi ko napansin kanina dahil dali dali lang ako na umupo!
Hiyang hiya ako sa nangyari, lumipat ako ng upuan sa likod dahil may mga nakaupo na sa harap. Tumabi ako sa babae na parang masayahin dahil nakangiti siya ng umupo ako sa tabi niya.
"Hi!" Bati niya sakin, nginitian ko siya at hindi alam ang sasabihin. Masyado akong nahihiya dahil hindi ko pa naman sila kilala, ayoko na mag paka feeling close.
"Bakit ka nag Humanities and Social Science Strand?" Tanong niya ulit na parang gustong-gusto malaman ang dahilan kung balit ito ang kinuha ko na strand. Pag sa Senior High kasi ay kailangan mo pumili ng strand kung saan konektado sa kurso na mapipili no sa kolehiyo.
"Gusto ko kasi maging abugado.." Sagot ko sakanya na ikinagulat niya.
Back when I was a child, I really wanted to be an attorney, na maipaglaban ang mga tao na humihingi ng hustisya. Gusto ko sila matulungan na sa mundo ngayon hindi lang sa mayaman ang hustisya kundi para din sa mahihirap. Pero mukhang hindi 'yon matutupad, mahiyain akong tao paano ko maipaglalaban ang kliyente ko kung nahihiya ako sa tao.
"Wow! Abugado? Ang ganda naman ng pangarap mo, sana matupad mo 'yan! Ako naman gusto ko maging teacher, typical lang na gusto ng isang bata," saad niya.
"Maganda ang pagiging isang teacher.." Sabi ko sakanya dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
Dumating na ang guro namin, sa umpisa lahat sila ay nag pakilala at itong katabi ko pala ay si Jia. Nalaman ko nung nag pakilala siya sa harap.
YOU ARE READING
Say, You'll Stay (Academia Series #1)
Novela JuvenilEveryone wants happiness, all of us want it. But unfortunately, there will be no rainbow if there's no rain.