Chapter 5
Partner
Naka-upo ako ngayon sa bench malapit sa may freedom park kung saan ako umupo noong unang araw ng pasukan. Kakatapos lang kasi ng klase namin at inaantay ko na mag alas dos dahil may meeting kami sa moulder club tungkol sa paparating na Intramurals at ako rin ang naka assign sa article na gagawin about sa intrams na paparating.
Ilang araw na rin ang lumipas simula noong pasukan at ngayon sa tingin ko naman ay gumagaan na ang pakiramdam ko sa mga classmates ko, kaibigan ko na rin sila Jia na noong unang araw ay sinusungkitan ako at si Ariesa naman ay palagi ng sumasama sa'kin kaya naging close na rin ako sakaniya.
Nagulat ako ng may tunog ng bola na tumatalbog ang narinig ko na papalapit sa'kin kaya lumingon ako sa aking likod.
"Bakit ka nandito, inaantay mo ba ako?"
Kly showed up with his gym bag on his shoulder while playing the ball on his hands.
"Assuming. Inaantay ko lang mag alas dos, may meeting kami sa club," sabay gilid ko dahil umupo siya sa tabi ko. Halos dikit na ang braso namin dahil sa liit ng upuan na to, pawis na pawis siya siguro dahil kakatapos niya lang mag training.
"Uhm..Sorry, pawis."
Natawa ako.
"Okay lang. Nga pala, kasali ka sa intrams?"
"Hindi, bawal pag varsity eh," buti na lang dahil sigurado ako na pag kasali ang mga varsity talo na ang ibang grade.
"Buti na lang, sigurado matatalo ang batch namin niyan pag kasali ka."
Natawa siya sa sinabi ko at tumayo sa harap ko at lumuhod. Nagulat ako sa ginawa niya, hindi pa ako nalalapitan ng ganito ng isang lalaki, hindi pa ako nalalapitan ng ganito kaya hindi ako sanay sa mga galaw niya.
"Bakit, ganoon ba ako kagaling?"
Hindi ako naasagot agad dahil titig na titig siya sa mata ko, inayos ko ang eye glass ko at tumayo na rin.
"H-hindi naman, pero kasi varsity ka," natawa siya at tumayo na rin sa pag kakaluhod.
Tiningnan ko ang relo ko at buti na lang ay alas dos na rin sakto.
"Kailangan ko na umalis, sorry, una na ako ah.."
Kinuha ko ang bag ko sa upuan at inayos iyon para umalis na.
"Hatid na kita," nagulat ako sa sinabi niya.
"Ay naku, wag na! Diyan lang ako sa Miranda Hall," natataranta ko na sabi.
"Sige na, lapit lang pala, hatid na kita." Hinawakan niya ang siko ko at hinila na papalapit sakaniya, nagpatinaod na lang ako dahil ayoko rin ma-late baka pagalitan ako.
"Si Ariesa, nasaan pala?"
"Nauna na, sabi niya kasi pupunta siya ng library,"
"Kakatapos nga lang ng klase tapos siya library agad, ang sipag rin ng kaibigan mo no?"
Natawa ako sa sinabi niya. Ariesa is grade conscious, kinwento niya sa'kin na ayaw niya na magalit ang magulang niya dahil mababa ang grade niya. Kaya ayan, kahit kakatapos lang ng klase, aral pa rin ang inaatupag.
Nakarating na kami sa room kung saan gaganapin yung meeting. Marami pa ang nakatambay sa labas ng silid na 'yon siguro hindi pa nag sisimula, hindi ko rin kilala ang mga nasa labas mga seniors ata.
"Oh, si Abueva may hinatid!"
Sigaw ng isang college student na naka uniporme na pang criminology. Napatingin tuloy ang lahat sa gawi namin, ang iba ay kaparehas nito ng uniporme at ang iba naman ay ka batch ko.
"Si Ysa pala ng Grade 11 ang tipo mo ngayon ah," pang-aasar ng isa na siyang ikinatawa ng iba.
"Tumigil ka nga, kuya.."
Tumigil rin naman ang tawanan hindi dahil sa sinabi ni Kly kundi sa pag bukas ng pinto ng silid at bumungad si Elias na nakakunot ang noo.
"Umpisa na raw, pumasok na kayo," napadapo ang tingin niya sakin at kay Kly pero umiwas din naman at pumasok na sa loob kasunod ang mga member ng club.
"Sige, pasok ka na."
"Uh, thank you sa pag hatid ah," ngiti ko sakaniya.
"Wala 'yon, lapit lang naman."
Nagulat kami ng bumukas ulit ang pinto at si Elias ulit ang lumabas.
"Papasok ka ba o makikipag usap na lag diyan?" seryoso na sabi niya sa'kin. Hindi ko alam kung tama ba ako na galit siya o ano, sa tono ng pagsasalita niya para siayng galit. Naalala ko, oo nga pala noong huli naming pag uusap ay hindi naging maganda.
Hindi ko na pinatagal pa at pumasok na lang dahil ayoko naman na pagalitan ako dahil lang doon.
"So, two weeks na lang at intramurals na, those student who assigned in sport news will have a duty a whole month dahil isang buwan ang intramurals natin.." si Ate Pearl ang President ng club namin kaya siya ang nagsasalita ngayon.
"Sino-sino ba ang naka assigned sa sport news?"
Tumaas ako ng kamay at may ilan pa ang nag taas kasama don si Elias.
"Ysa Roman, Hillary Cuevas, Jonas Ortega and Elias Martinez, so two seniors and two senior high.." Si Elias at Hillary ang tinutukoy na senior at kami naman ni Jonas ang senior high, "Bali ganito na lang, dahil bago pa lang ang dalawa, ang mga senior ang gagabay sainyo.." tingin niya sakin at kay jonas.
"Jonas will be partnered to Hillary, and Ysa and Elias. Is it okay?"
Wala naman ako'ng karapatan para tumanggi. Kahit hindi ako komportable na kasama siya ay wala ako'ng magagawa.
Nag taas ng kamay si Hillary.
"It will be okay and we will be comfortable if we partnered to our batch mates right?"
Napatingin ako sakniya. Her hair was curly, sa unang tingin pa lang alam mo na hindi ito natural na kulot, halatang kinulot bago pumasok at ang kapal ng make up niya, pula rin ang lipstick. Pwede pala iyan pag college na? Base sa I.D niya ang course niya ay Education, ganoon ba talaga pag college, pwede mo ng gawin kung ano ang gusto mo?
"No, mas okay na may mag guide sa dalawang bata, at kayo matagal na kayo rito. Matutulungan niyo sila mag adjust," napatingin ako kay Elias dahil don. Okay lang ba sakaniya na ako ang kasama niya? Pag katapos ko siya pag salitaan ng masama noong nakaraan.
Sinundan niya ako noon pag kababa ko ng jeep. Nagulat ako dahil hindi naman siya taga roon kaya bakit siya bumaba at tinawag ako. Pag katapos ko mapahiya sa harap niya at ng mga classmates niya hindi ko na ata siya kaya pang makita ulit.
Galit ang nanguna sa'kin noong araw na iyon dahil naala ko ang mga sinabi niya sa'kin kaya noong humingi siya ng tawad dahil doon nasabihan ko siya ng masama at wag ng lalapit sa'kin at magpapakita pa. Itong araw lang na ito ang unang araw na nag kita kami ulit kaya hindi ko alam kung galit pa rin ba siya at gugustuhin niya na maging partner ako.
Iniwas ko ang mata ko dahil sa mga naalala ko. Siguro naman ay okay lang sakaniya, matagal na rin iyon. Sana hindi iyon maging dahilan ng pakikitungo niya sa'kin sa darating na Intrams kung saan kami mag kasama.
YOU ARE READING
Say, You'll Stay (Academia Series #1)
Fiksi RemajaEveryone wants happiness, all of us want it. But unfortunately, there will be no rainbow if there's no rain.