Chapter 6

11 0 0
                                    


Chapter 6

Intrams

Pumasok na ako ng gate ng school, kahit sabado ngayon at walang klase ay marami pa rin estudyante at halos lahat masasaya. May mga nakasabit na bandiritas at sa mga poste naman ay may mga colorful na flags na magaganda at bumagay sa event na ito. Nagmadali ako pumasok dahil late ate ako ng ilang minuto dahil hindi ako nagising ni mama ng maaga. Tinakbo ko ang kahabaan ng daan, sa Miranda Hall daw kami magkikita kita at kinakabahan ako dahil apat lang kami ngayon at andon si Elias. 

Inayos ko ang eye glass ko dahil nahuhulog yon sa pagtakbo ko, pati ang bag ko inayos ko na rin sa pagkakasabit. Nang malapit na ako sa building huminto na ako sa pagtakbo at inayos ang sarili. 

"May gana ka pang mag-ayos, eh late ka na nga?" saad ng tao sa likod ko kaya nilingon ko. 

Nagulat ako kung sino. 

Si Elias.

Late din ata siya?

"Late ka rin naman," sagot ko.

"Hindi. May pinuntahan lang, ang tagal kasi.."

Hindi na muli siyang nagsalita at nauna nang mag lakad sakin.  Naglakad na rin ako at sumunod, malapit na rin mag umpisa ang parade ng mga kasali sa iba't ibang sports. Dahil ang sabi nga ng senior namin ay partner ang junior at senior kaya partner kami ni Elias. Siya ang sa photography at ako naman ang sa article. 

Bumungad samin ang inip na inip na si Hillary at si Jonas naman ay nag cellphone lang. 

"Ang tagal mo! Tara na nga!" inis na sabi ni Hillary na halatang iritado sakin. 

"Hiwalay tayo, 'di pwedeng nasa iisang lugar lang tayo," ani ni Elias. 

"Ano ba yan? Dapat kasi tayo ang partner!"

Napairap ako sa sinabi niya kaya napatingin si Elias sakin kaya yumuko ako. 

"Sumunod na lang tayo." Kalmado na sabi ni Jonas at sinabi na kung saan kami pwesto, bali sa may lounge kami pwesto para abangan ang parade, samatalang sila Jonas naman ay sa court kung saan nag reready ang mga manlalaro. 

Tahimik kaming naglalakad papuntang court. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko o may dapat ba ako'ng sabihin. Sa sobrang awkward namin ay ingay na lang ng ibang tao ang naririnig ko. 

"Kuya Eli!" Bati ng bata sakaniya, tumango naman siya at ngumiti lang. 

Marami pa'ang bumati sakaniya habang naglalakad kami, na realize ko na ganon pala siya ka sikat dito? Pati mga taga linis at ang iba naman ay mga babae na mas bata sakaniya ay kilala siya. 

Mabait siguro talaga siya at naalala ko rin kung gaano niya ako itrato nung nakaraan, pinahiram niya pa ako ng damit kahit 'di naman kailangan. Siguro dahil sa kabaitan niya marami siyang nakikilala o nagiging kaibigan. 

Alam ko na may kasalanan pa ako sakaniya at halata sakaniya na hindi niya din nakakalimutan iyon. Hindi ko sinadya yon sabihin sadyang nadala lang ako ng galit ko at napahiya rin. 

"Uhm, sorry nga pala," sinira ko na ang katahimikan sa aming dalawa.

Lumingon siya na nakakunot ang noo. 

"Sorry, sa nasabi ko noong nakaraan.." 

"Hindi kita kayang patawarin."

Nalungkot ako sa sinabi niya dahil hindi ko naman talaga sinasadya na pagsabihan siya ng ganon. 

"Biro lang," napatungo ako at nakita ko ang dimple niya dahil sa pag ngiti niya. 

"'yan lang naman inaatay ko e, na mag sorry ka," lumapit siya sa'kin at inabot ang kamay niya. 

Nagtataka ko na inilahad ang kamay ko sakaniya, dahil pormal niya kaming nag shake hands. 

"O ayan, sign of bati na tayo."

Natawa ako. Hindi ko inaasahan na ganito pala siya. 

Natigil ang usapan ng dumating na kami sa pwesto at snag ayos na siya ng camera niya na ipang kuha mamaya. Tiningnan ko siya habang ginagawa iyon at wala ako'ng masabi dahil bagay na bagay sakaniya yon. 

Matangkad siya, tamang tama ang tikas ng katawan, at habang inaayos niya ang camera niya ay lumalabas din ang dimple niya sa kanang parte ng pisnge kaya kitang kita ko. Hindi ko alam ba't may ibang ako'ng nararamdaman kaya umiwas ako at inayos na lang ako mga pansulat kung saan isususlat ko ang mga mangyayari mamaya na pwedeng pab basehan sa article.

Naramdaman ko na nakatutok sakin ang camera niya kaya napalingon ako, tama ako. Mabilis ko'ng hinawa iyon pero huli na ang lahat napicturan na ako at sigurado na pangit ang kuha ko doon!

"Burahin mo 'yan!"

Ngiti ngiti siyang nakatingin sa kuha niya sa camera. Nakakahiya, ang panget ko don baka pawisan at gulo gulo ang buhok s apag takbo ko kanina.

"Maganda naman ah," natatawa niya na sabi.

"Burahin mo." 

Seryoso ko na sabi dahil nahihiya na ako, baka pagtawanan niya lang iyon pag nakikita niya. 

Hindi niya ako pinansin at tinutok sa ibang ang focus ng camera niya hanggang sa nag simula na lang ang parada. 

Paano ko 'yon mabubura? Kailangan yon mabura dahil ang pangit pangit ko don sigurado ako!

"Oh ayan na pala sila, start na tayo," saad niya na natatawa pa rin. 

Maingay ang parada, tunog ng galing sa mga drum and lyre ang nagingibabaw at ang mga makukulay na flag na ibinabandera ng mga estudyante. Sinulat ko ang mga importanteng kaganapan na nangyayari, hangang sa dumating na ang mga senior high school na kasali sa palaro. 

Kasama roon ang strand namin, at may isang babaeng maganda ang muse nila habang naka blue na jersey ang mga manlalaro. Sunod naman ang stem, katulad rin sa iba na may magandang muse at nagulat ako na nasa tabi nito si kly, akala ko ba hindi siya kasali?

"Bakit andiyan si kly? Akala ko ba hindi siya kasali?" Bulong ko sa sarili ko pero sumagot ang katabi ko.

"Kahit hindi siya kasali, varsity player siya kaya kailangan siya diyan.."

Tumango tango dahil naintindihan ko na. 

"Paano kaya nagkakilala?" tanong ni elias habang seryoso na kumukuha ng litrato.

"Hindi ko rin alam e, basta naging close kami," saad ko.

Hindi na siya sumagot at seryoso na lang na kumuha ng iba pang target na picturan.

Ilang oras na ang lumipas tapos na ang parade at tapos na rin ang event. Maraming naging laro, palo sebo, tug of war, at ang basketball, volleyball ay hindi pa nagsisimula bukas pa raw ang umpisa ng laban.

Nag si uwian na ang lahat, nagkita na rin kami nila Jonas at Hillary, sabay sabay kami na lumabas palabas ng gate. Nararamdaman ko na rin ang gutom. Tiningnan ko ang relo ko at ala una na rin pala kaya nagugutom na rin ako wala din ako'ng almusal dahil na late nga ako. 

"Saan tayo kakain, Elias?" 

Kapit na kapit si Hillary sa g=braso ni Elias na siya naman na tinatanggal ni Elias pero sobrang kapit pa rin. 

"Diyan na lang, sa tapsilogan. Sama kayo?" 

Lingon niya samin ni Jonas na tahimik sa likod nila. 


Say, You'll Stay (Academia Series #1)Where stories live. Discover now