Chapter 4

8 0 0
                                    


Chapter 4

Young

Nakarating na ako sa classroom nila at nandon ang teacher nila! Paano na? Nakakahiya naman na i-excuse siya, pero mas nakakahiya na hindi ko ito mabalik!

Kaya nag pasta ako na katukin na ang pinto, naagaw ko ang atensyon nilang lahat pati ang guro na kuryosong napatingin sa'kin.

"Yes, little girl?" Hindi ko alam kung insulto ba iyon o hindi dahil sa itsura ko ngayon sa uniporme ko ay mukha talaga ano'ng bata. Dahil sa panunuya ng guro na bakla napuno ng tawanan ang silid.

"Sorry to interrupt you sir, pwede po kay Elias?" May pag-aalinlangan na sabi ko dahil sa hiya.

"Oh, Mr. Martinez, ang kapatid mo tawag ka." Nagtawanan ulit ang lahat, nahiya din ako dahil doon. Napatayo habang nagkakamot sa ulo si Elias hindi mo alam kung nahihiya ba o tamad na kausapin ako.

"Sir, hindi ko siya kapatid."

Tinama niya iyon pero nag tawanan pa rin lahat, sinuway din niya ang mga barkada niya na tumatawa rin pero di pa rin tumitigil.

"Oh? Ano mo ba?" sarkastiko na sabi ng guro. Gusto ko na umalis bakit ba ang tagal niya lumabas!

"Ikaw Elias, senior high na pala ang tinitira mo ngayon," natatawang sabi ng lalaki na katabi niya at alam ko na barkada niya iyon.

"Bata pa yan, oy! Child abuse ka," asar ng iba.

"Tumigil nga kayo," suway niya at lumabas na. Napatingin ako sa mata niya, hindi ko siya mabasa pero nakakunot ang noo niya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Seryoso niya'ng sabi sa'kin.

"Ibabalik ko sana 'to," sabay lahad ko sa damit.

"Dapat 'di muna binalik tutal ayaw mo naman ako makita," sabay hablot niya ng damit sa'kin.

Hindi ako naka sagot. Gulat ako sa sinabi niya.

"Sige, umalis ka na, bawal dito bata."

Tinalikuran ako pagkatapos niya sabihin iyon. Galit ang nangibabaw sa'kin, pag katapos ko takbuhin yung building nila at tiisin yung pang-aasar sa'kin doon ganun isusukli niya?

Kung nasaktan siya sa sinabi ko noon na sabay kami umuwi, deserve niya 'yon! Wala na ako'ng paki kung magalit siya o hindi.

Maraming nangyari ng ilang araw pero sa akin walang pinagbago. Simula ng binalik ko ang damit niya ay hindi na muli kami nagkikita ni Elias, mukhang iniiwasan niya ako dahil sa huling interaksyon namin. Ilang beses na rin kami na hindi nagkikita, kung nakikita ko man siya ay umiiwas siya at okay sa'kin iyon dahil wala na ako'ng paki alam.

Nang mag uwian na ay paalis na sana ako ng tinawag ako ni Ariesa. Nitong mga nakaraang araw ay naging malapit kami, wala ako'ng kaibigan at ganun rin siya. Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa'kin at tinanong kung pwede ba kami na maging magkaibigan. Sino ba naman ako para tumanggi?

"Ysa, uwi ka na? Sabay na tayo," sabay lapit niya sakin.

"Ah oo, uuwi na ako," pag sang-ayon ko sakaniya habang inaayos ko ang mga gamit ko.

Wala ako'ng duty ngayon sa Org dahil sa Sport News ako naka assign at ang Intramurals ang focus ng Sport News kaya next month pa ako magiging busy.

Sabay kami na umuwi, habang naglalakad kami palabas ng school nagulat ako ng nakasalubong ko si Elias kasama ang mga classmates niya. Napatingin siya sa gawi ko at ganon rin ako pero umiwas siya ng tingin sakin at humarap sa ka-klase na babae na kinakausap siya habang tumatawa.

Say, You'll Stay (Academia Series #1)Where stories live. Discover now