A/N:
Hello! I just want to say sorry for slow updating. But this start of month, I will try to be more productive. Thank you for reading my stories, I hope you support it till the end!
Chapter 7
Happy
"Ah, hindi na..baka inaantay na rin ako ng magulang ko eh."
Tumingin si Elias kay Jonas, "Hindi na rin ako, may lakad ako eh, sa susunod na lang.."
"Oh! Sige kami na lang, tara na Ely!"
"Wag na lang pala, 'di na rin ako sasama."
Nagulat ako.
"Una na ako ah!" Napalingon kami kay Jonas na tumakbo na palayo dahil nga may lakad pa pala siya.
Ako na lang ang naiwan pati ang dalawa, hindi ko alam kung aalis na ba ako o hindi dahil nahihiya ako mag paalam dahil may pinaguusapan pa sila.
"Hindi na ako sasama, Hillary."
"Ang kill joy niyo naman, bahala nga kayo diyan!"
Iniwan niya kami dalawa habang siya ay galit na galit sa hindi ata namin pag sama. Pwede nmana kasi sila kumain dalawa lang bakit kailangan kasama pa kami, kailangan ba niya ng mag susubo?
"Tara na," ngiti na sabi niya na parang walang nangyari.
"Bakit 'di ka sumama sakaniya?"
"Ayoko, kala ko kasi kasama kayo kaya umo-oo ako."
Napalingon ako sakaniya habang naglalakad kami sa Jordan kung saan papunta na ng terminal kung saan kami sasakay.
"Kailangan ba naka depende samin?"
"Hindi naman, ayoko lang kasama yun mag-isa.." kumamot siya sa ulo niya pag katapos niya sabihin yon, "..baka i-chismis lang ako," natatawa niyang sabi.
"May gusto ata sayo yun eh," sabi ko bigla.
Tumingin siya sakin pagkasabi ko at inaayos nbiya ang bag niya sa pagkakasabit.
"Hindi ko naman siya gusto," ngiti ngiti niyang sabi.
Hindi na ako nagsalita pa dahil wala na rin ako'ng maisip na pag usapan.
"Naalala ko, noong una kita nakita kinausap kita pero tinakbuhan mo lang ako."
Gulat ako dahil naalala niya pa pala yung araw na 'yon. Unang kita namin sa field kung saan ako tumambay bago ang klase, lumipat siya noon kahit 'di niya ako kilala kaya 'di ko na rin kinausap.
"Hindi ako nakikipag-usap sa estranghero," seryoso ko na sabi sakaniya.
"Nagpakilala ako noon, hindi ako estranghero."
Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam sasabihin ko.
"Pangalawang beses nang nagkita tayo, in-snob mo lang ako sa mall. Ang bait bait ko eh, ikaw lang nag ganoon sa'kin!" Nagkunwari siyang nasasaktan, hinawakan niya kunwari puso niya na parang ang sama ng ginawa ko sakaniya. Ang OA ah!
"Nakakairita ka kasi, palagi ka'ng sumusulpot. Stalker ba kita?"
Natawa siya sa sinabi ko.
"Natuto ka na mag feeling ah!"
"Palagi ka kasing sumusulpot kung nasaan ako! Kahit sa mall, sa restroom o kung saan pa, sino'ng 'di magtataka diba?"
"Coincidence lang, feeling mo na talaga," mas lalo siyang natawa.
Huminto ang usapan nang nakarating na kami sa terminal kung saan ang sakayan ng jeep. Parehas lang din naman kami ng way papaunta sa mga bahay namin kaya sabay na rin kami sumakay.
Sa pag sakay ng jeep, naalala ko tuloy noong nakaraan na nakasabay ko siya sa jeep. Noong pagbaba ko ay bumababa rin siya para humingi ng tawad sa'kin. Kung tutuusin mabait talaga siya, wala ka'ng masasabi na masama, dahil magaling siyang makisama at masayahin rin.
"Para po!" Sigaw ko sa driver dahil pag mahina boses ko alam ko na mangyayari at baka mapahiya rin ako kaka-ulit kaya nilakasan ko na.
"Una na ako, bye." Paalam ko kay Elias na nakatingin na rin sa'kin.
Ngumiti siya at tumango. Bumaba na ako at naglakad na papunta sa bahay. Nakakapagod man 'tong araw na ito pero sulit naman, na enjoy ko ang papaging miyembro ng mouldering organization at masaya ako dahil may mga nakilala ako na mga bagong tao.
Binuksan ko ang gate namin at pumasok na.
"Ma, andito na po ako!"
Lumabas na agad si mama sa pinto at sinalubong ako.
"Kamusta anak? Masaya ba?" ngiting tanong sa'kin ng mama ko, kagabi halatang mas excited pa siya sa'kin dahil sa pagsali ko sa org na ito. Alam ko naman na gusto niya lang talaga ako na mag explore sa mga bagay bagay at makakilala ng mga panibagong tao.
Kinwento ko kay mama kung gaano kasaya ang araw na to at halata sa mukha niya na masaya rin siya para sakin.
"Saan nga pala si papa ma?"
"Nasa work pa din. Pero alam mo ba, malapit na ang birthday mo 'nak diba? Napagusapan namin na mag outing tayo!"
Nagulat ako s asinabi ni mama, ang saya saya ko sa sinabi niya dahil mahilig kami sa beach dahil dati pag nanalo si papa sa hinahawakan niyang kaso ay nag outing kami pero nitong taon lang ay palaging hindi natutuloy.
Next month na rin ang birthday ko. Finally, makakapag bonding na rin kami dahil simula din noong nag klase ay hindi ko na rin masyado nakikita si papa.
Sobrang saya ng araw na ito, hindi ko ma-explain. Hindi ko 'to nararamdaman dati, pero thankful ako dahil ngayon ko iyon nararanasan. Natulog ako ng mapayapa ang isipan at excited sa mga susunod na araw.
YOU ARE READING
Say, You'll Stay (Academia Series #1)
Teen FictionEveryone wants happiness, all of us want it. But unfortunately, there will be no rainbow if there's no rain.