Alice pov.
"Anak kaylangan pa bang sa manila ka mag aral? Pwede ka naman dito mag aral sa pagigingdoctor mo eh." Pakiusap ni mama dahil ngaun ang punta ko ng manila para mag aral ng pagigingdoctor.
Hindi lang naman ang pag aaral ang pupuntahan ko doon. Mag hahanap din ako ng trabaho para naman makatulong ako. Ako ang pangalawa sa aming magkakaatid una si kuya julio pero wala namang pakinabang inuuna ang barkada. Sumunod naman saakin si mekaela at ang bunso namin na si junior.
"Nay alam neo naman pangarap ko diba?" Sabi sakanya. "Wag kaung mag alala mag hahanap ako ng trabaho doon sa manila para may maipadala ako dito."
"Kung kaya magtrabaho ka nalang sa bukid idi sana nakatulong ka pa." Sabi naman ni kuya ng kararating lng.
"Eh ikaw anong ginagawa mo nagbubulakbol lang at palamunin dito. Naturingan kangang panganay walang silbi naman." Sabat ko naman sakanya.
"Abat bastos ka ah.!!!" Saspalin sana ako ni kuya pero nagsalita na si papa.
"Tama na yan julio. Saan ka ba nanaman galing at inumaga ka nanaman!!" Galit na sabi ni papa.
"Hayaan mo na pa. Alis na po ako baka maslalo ko pang bastosin ang kuya nming nuknukan ng bait.!" Sabi ko at sumakay na sa jeep na mag hahatid saakin sa terminal kasama ko si carlo ang kababata ko sya ang may ari ng jeep.
"Oh sya mag iingat ka doon anak huh?" Sabi ni mama. Ngumiti naman ako sakanya.
"Ate tumawag ka ah?" Sabi naman ni mekaela tumungo naman ako. Habang papalayo ako sa pamilya ko ay naluluha ako.
"Mag iingat ka doon lice ah. Tawagan mo ako pag may nanagyaring hindi maganda huh." Sabi naman ni carlo kaya naman napangiti ako.
"Oo naman. Alam ko naman na mahihirapan ako doon. Kasi naman wala akong kilala doon." Malungkot na sabi ko.
"Bakit naman kasi na doon mo pa naisipang mag aral?" Tanung nya.
"Sayang din naman kasi yung scholarship na inaalok saakin ng Stanford University eh. Dahil sila na ang gagastos ng lahat at may matitirhan din naman ako doon kaya hindi ko na aalahanin ang matitirhan ko doon." Ngumiti naman sya saakin.
Nakarating na kami ng terminal sakto naman na yung bibiyaheng bus ay sumakay na agad ako. Tinulungan na lang ako ni carlos.
Nag paalam na lang ako sakanya. Ilang saglit lang ay umandar na ang bus. Habang papalayo ang bus na sinasakyan ko sa probinsyang kinalakihan ko.
'lord gabayan mo ako sa paglalakbay ko para sa pamilya ko.' dasal ko sa panginoon.
Alam kong mahirap makipag sapalaran sa manila king laking probinsya ka kaya naman kaylangan ko magpakatatag para sa pamilya ko.
Nakalimutan kong magpakilala. Ako si alice mae santos isang lang akong simpleng tao matalino ako at maganda din hindi naman ako katangkaran morena naman ang kutis ko kaya naman may ipagmamalaki ako hahaha.
Ilang oras ay nakarating na ako ng manila. Dumiritso na ako ng university kasi doon ko naman malalaman ng kaylangan ko eh.
Sumakay ako ng taxi para diritso na ako ng S.U. nakarating na ako dito at salamat kay manong dahil hindi nya na pinabayadan ang fair ko. Sabi nya mukha daw akong unang araw ko lang dito kaya naman natawa ko dahil sa sinabi nya.
Halata daw kasi dahil palingalinga ako at namamangha sa paligid ko kaya natuwa daw sya saakin. Okey na rin yun dahil makakatipid ako sa pera ko hahaa.
Pumasok na ako ng gate ng school at hinarang naman ako ng isang guard. "Saan po ang punta nyo?" Tanung nito.
"Kay mr. William po sir." Sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
probinsyanang palaban
Romancealice may santos isang probinsyanang lumipat ng manila para makapag aral at matamo ang kanyang pangarap at maging doctor. nang makabanga nya ang isang walang pakealam sa mundo nya na si jacey jay stanford na isang lesbian at anak ng pinakamayamang t...