part 12

503 22 0
                                    

Alice pov.

    Andito kami ngaun sa jollibee ni carlos nag punta sya dito sa manila para sa order sakanila. Sakto namang sa apartment namin sya mag dedeliver kaya naman nagkita kami.

Nag punta pa kami ng park at nakita namin sila nina at niko. Gusto sana nilang sumama ako sakanila para maymakasama sila nila jacey peri tumangi ako.

"Ice ilang buwan ka lang dito andami mo nang mga kaibigan ah?" Napatingin ako kay carlos ng makabalik na ito dahil sya ang omorder ng kakainin namin.

"Mga kapwa scholar lang naman yun." Sagot ko inayus ko naman ang inorder nya para saamin nang may mapansin akong pumasok. Sila jacey at hanna kasama ang kambal at buti na lang nasa isang sulok kami kaya hindi kami mapapansin. Nag usap na lang kami ni carlos nakarinig naman kami ng kalabog kaya napatingin kami dito.

Nagulat ako dahil nakita ko si nina na nakaupo sa sahig. Tinignan ko naman kung sino ang gumawa ang hambog na james na yun tumayo naman ako para puntahan ito.

"Teka san ka pupunta?" Tanung ni carlos pero hindi ko ito pinansin. Pagkarating ko sa likod ni james ay nakita kong itutulak nya pa sana si niko pero sinipa ko na ito.

"Wala ka talagang magawa noh pati bata pinapatulan mo." Inis na sabi ko at nilapitan si niko na tinulungan si nina.

"Wag kang mangealam dito hampas lupa ka." Ngising sabi ni james ng makabawi ito ng gulat.

"Alice wag na taung mangealam." Sabi ni carlos pero di parin ako nakinig.

"Hayup ka talagang lalaki ka.!!" Mag sasalita pa sana ako pero may biglang humawak kay nina kaya napatingin ako dito.

"Nina okey ka lang.?" Nag aalalang tanung nya sa kambal. "Dito muna kayo sa ate alice neo hmm?" Tumingin naman ito kay james. Lumapit ito sakanya at hinawakan sa kwelyo nito.

"Wag na wag mong sasaktan ang pamilya ko tandaan mo yan james." Madiing sabi ni jacey sakanya tumayo naman ito sinama nya pa sa pagtayo si james at naglakad ito palabas. "Walang susunod." Bilin nya saamin. Natakot naman ako dahil baka kung anong mangyari sakanya. Baka di nya kayanin lalaki pa mandin si yung isa.

"Dito muna kayo susundan ko kuya jj nyo huh? Carlos ikaw muna bahala sakanila."

"Sandali...." Hindi ko na sya pinasagot pa. Pagkalabas ko ng Jollibee ay hinanap ko kung saan nya dadalhin si james. Nagtungo ako sa parkinglot at hinanap ito palingalinga ako.

"Hayup ka.!!" Nakarinig ako ng sigaw kaya naman nagtungo ako dito. Naabutan ko si jacey na susuntokin na sana si james.

"Wag!!" Sigaw ko dahil doon ay napalingon saakin si jacey. Medjo napaatras pa ako dahil sa tingin nya pero lumapit parin ako sakanila.

Sinabi kong umiiyak na si nina kaya naman dali dali syang umalis. Napansin ko din na wala na si james kaya naman sumunod na lang ako kay jacey.

*****

"Carlos pakisabi kila mama na ako na mag hahanap kay kuya. Magpapatulong ako sa mga kakilala ko dito." Nandito na kami sa apartment hinatid na nya ako  namin sa jollibee matapos kong magpaalam sa kambal.

Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko kanina nang makita ko sila jacey at hanna naninikip ang dibdib ko kagaya din ng nakita ko sa bar.  Nakita kong naghahalikan sila sa office nya hindi dapat ako makaramdam ng ganun pero nangyari.

"Ice okey ka lang ba?"

"Ah oo. Sge na baka magabihan ka pa lalo sa biyahe." Paalam ko sakanya hinintay ko muna itong makaalis bago ako pumasok.

"Alice.!!!" Sigaw ni anna nang makita nya akong papasok palang. Ngumiti naman ako sakanya kahit kaylan talaga ang hyper nya. "Buti naman naabutan kita. Tara labas tayo.!" Masayang bati nya saakin.

"Pasensya kana may gagawin pa kasi ako malapit na rin ang exam namin." Pagtangi ko sa alok nya.

"Bakit parang pati ako iniiwasan mo?" Nakangiting tanung nya pero alam kong nagsasabi sya kung ano man ang nasa loob nya. Nagulat ako dahil doon "wagkang mag alala nahahalata ko lang kasi sa tuwing susubukan kang lapitan ni jay umaalis ka agad. Hindi kana ba nagtratrabaho sakanya?"

Umiling naman ako bilang sagot sakanya sa totoo lang ayaw kong pag usapan kung ano man ang tungkol kay jacey. Dahil sa tuwing naririnig ko ang pangalan nya bigla akong kinakabahan.

"Bakit ka naman tumigil sa pag trabaho sakanya?" Tanung nya. "Ayaw mo ba sa mga katulad nya?" Nakatingin ito sa akin ng malungkot.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dahil lesbian sya." Diritsong sagot nya.

"Hindi.!!" Agadna sagot ko sakanya. "Hindi naman sa ayaw ko sa mga lesbian. Katunayan may mga kaibigan akong mga gays kaya di na ito bago saakin." Paliwanag ko.

"Bakit ka umiiwas kay jay?"

"Feeling ko kasi hindi ako naghihirap sa mga trabahonh pinapagawa nya saakin. Hindi ko pinaghihirapan ang sahod ko." Sagot ko sakanya. Nagtataka naman itong tumingin hffgjhj. "Kilala mo si jacey diba? Isa pala syang stanford?" Tanung ko.

"Heh!! Sinabi nya na pala sayo ang totoo?" Balik na tanung nya saakin kaya naman tumungo ako sakanya. "Buti pinagkatiwalaan kana nya agad." Sabi nya at nag lakad na sya paalis matapos nyang magpaalam.

'anong ibig nyang sabihin?' nagkibit balikat na lang ako at pumasok na ng apartment. Naabutan ko si angel na nag aayus na ng gamit nya para pumasok.

"Ang aga mo naman?" Tanung ko day off ko kasi ngaun. Kaya naman hindi kami sabay na papasok at mamayang gabi pa ang pasok nya.

"Lalabas kami ni max bago ako pumasok." Simpleng sagot nya. "Nag ka ayus na kami kahapon." Sabi nya pa.

"Antagal ah." Pang aasar ko ngumiti naman sya saakin. "Cge na magpapahinga na ako mag rereview pa ako mamaya."

*******

Nandito na kami ngaun sa cafeteria kumakain kami nila angel. Masaya kaming nag kwekwentohan nang may magsalita sa likod ko.

"Alice can we talk?" Nilingon ko naman ito at si jacey ang nabungaran ko. Alam na din ng boong school kung sino sya kaya naman hindi na sya gaya ng dati kung manamit. "Alam kong hot ako kaya wag mo na akong titigan." Nakangisi na sabi nya saakin.

Agad naman akong umiwas nang tingin sakanya. Alam ko din naman na namula ako sa nangyari "ano ba ang pag uusapan natin? At himala kumakausap kana ng ibang tao?"

Umalis na lang sya ng walang paalam kaya naman hindi ko sya sinundan. Napansin nya sigurong di ako sumunod kaya natigil sya at ang gago bumalik para hilain ako.

Narinig ko pang nagulat ang mga tao dito sa cafeteria at nag bubulongan na sila.

"Grabe girl nalaman nya lang na stanford si jacey nilalandi nya na."

"Oo nga kunwaring mabait yun pala nasa loob ang kulo nya. Sayang hinangaan ko pa naman sya dahil kaya nyang sumbatan si miss queen natin dito."

Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulong bulongan na binabato nila saakin. Hindi ko na lang pinansin dahil wala namang balak na tumigil ang mukong na ito kakahila saakin. Pagkalabas namin ay bigla na lang syang tumigil kaya naman tumama ang muka ko sa likod nya.

"Awww." Daing ko dahil nasaktan yung ilong ko. "Ano ba hindi ka ba nag iingat!!!" Sigaw ko sa mokong na ito.

"Bakit magkasama kayo?" Bigla naman akong napatingin sa harap ni jacey at nakita ko ang babaeng kinaiinisan ko. Hindi nagsalita ang kasama ko at naglakad na lang hila hila nya ako.

"Ano ba sandali nga.!! Ano ba pag uusapan natin?" Inis na tinanggal ko ang kanyang pagkakahawak nya saakin. Humarap naman ito saakin at tumingin saakin ng seryoso.

"Gusto ko maging PA kita."

"PA??" Gulat na tanung ko sakanya. "Diba sabi ko hindi na ako makikipagtrabaho sayo.!!" Sagot ko sakanya.

"Kaylangan ko ng tulong mo dito sa school. Hindi ko kaya ang trabaho dito." Napanganga naman ako sa sinabi nya saakin. "Wag kang magalala kung gusto mong paghirapan ang kikitain mo. Sisiguraduhin kong mahihirapan ka." Ngumisi naman sya pagkasabi nya non saakin.

"Ayaw ko.!" Diritsong sagot ko sakanya.

"Tutulungan kitang mahanap ang kuya mo."

______

Short lang po.

probinsyanang palabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon