part 10

559 24 1
                                    

Alice pov.

      "Ano ba max hanggang kelan ba tayo magtatalo tungkol dito huh.!!!" Narinig ko ang boses ni angel na tila nag aaway sila papasok pa lang ako ng kwarto namin.

"Bat ba naging ganyan ang ugali mo simula lang ng makilala mo yung lalaking yun ganyan kana saakin. !!!" Sagot naman ni max hindi na ako pumasok para makapagusap sila ayaw ko talagang sumasali o nakikialam sa mga gulo.

"What are doing here?" Tinig ng limang araw ko ng iniiwasan. "Bat di ka pa pumasok?" Tanung nya ulit. Humarap naman ako sakanya pero hindi ko sya tinignan sa kanyang mga mata. Dahil pag nagkakatitigan kami ay bumibilis ang aking puso simula nung nangyari sa bar doon na ako nagsimulang nakaramdam nangkakaiba.

"Ma...may naguusap ka.si sa loob." 'bakit ako nauutal!?' pagalit ko sa sarili ko. Tinignan nya naman ako at umalis na sya hindi manlang nagpaalam.

Nakatingin lang ako sakanyang likod habang naglalakad sya palayo. Simula kasi nang malaman ko na anak sya ng may ari ng school ay umiwas na ako sakanya. Nang sabihin nya ang totoo saakin ay hindi na ako nagtanung binalik ko naman yung perang binigay nya saakin dahil feeling ko ay hindi ko yun pinaghirapan kahit na sabihin niyang sahod ko yun pero wala naman akong ginagawang trabaho.

Nung isang araw kasama nya ang kambal lumapit saakin ang kambal para yayaing lumabas pero tumangi ako. Alam kong alam ni jacey 'and yes si jacey jay ang tinutukoy ko' nainiiwasan ko sya kaya hindi ko sya masisi kung di nya rin ako pinapansin.

"Anjan kana pala lice." Lamabas naman si max sa kwarto namin na matamlay. Napatingin naman ako sakanya at tumungo na lang ako "alis muna ako ikaw na muna bahala kay angel." Ngumiti naman sya ng pilit at umalis na napansin ko pang inangat nya ang kanyang kamay sa muka nya na tila pinunasan ang kanyang luha.

Pumasok naman ako sa kwarto namin nakita ko naman si angel na nakaupo sakanyang kama na tila malalim ang iniisip. "Okey ka lang ba?" Tanung ko nang makalapit ako sakanya napatingin naman sya saakin. Naluluha na ang kanyang mata tumayo naman sya at yumakap saakin.

"Break na kami ni max." Pag kasabi nya nun ay napahagulgul sya ng iyak. Niyakap ko naman sya pabalik. "Hi..ndi  ko alam ku..ng ta..ma ba ang ginawa ko." Tugtong nya at kumalas naman ako sa yakap nya at inalalayan syang umupo. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko kaya naman tumahimik na lang ako.

"Malalagpasan nyo rin naman yan angel. Alam kong mahal nyo ang isat isa kaya dapat hindi ka gumagawa ng disisyon na pag sisisihan mo rin sa huli." Sabi ko pero nagulat ko sa mga sinabi ko sakanya.

"Sa tingin mo ba pakinggan nya ako? May nakilala kasi ako sa bar na lalaki dahil nga customer sya sa bar kinakausap ko. Nagpapakita sya ng mutibo saakin pero kagabi hindi ko inaasahan ang nangyari hinila ako ng lalaking yun at hinalikan. Hindi ko alam ang iniisip ko kung bakit  ako tumugon sa halik nun nakita kami ni max kaya naman kahapon pa kami nagaaway tungkol doon. Pinagpapaliwanag nya ako pero hindi ako nagpaliwanag. Kaya kanina pinagpili nya ako kung magpapaliwanag ba ako o maghihiwalay kami." Kwento nya saakin.

Nagulat ako dahil alam kong mahal ni angel si max kaya naman hindi ko inaasahan na mangyari to. "May gusto ka ba sa lalaki na sinasabi mo?" Tanung ko. Umiling naman sya.

"Hindi ko alam lice naguguluhan ako. Alam kong mahal ko si max pero nasasakal ako sa mga ginagaw nya hindi ko kayang lagi akong nababantayan." Sagot naman nya tumungo naman ako mabait naman si max pero natatawa ako sa mga ginagaw nya kay angel lagi nya na lang itong sinusundan.

"Magpahinga ka na lang alam ko bukas makakapag isip kana nang gagawin mo bukas." Sabi ko at tumayo na. "Papasok na ako ng trabaho angel eh."

"Teka lice umalis na kasi ako sa bar. Kung pwede ipasok mo ako sa pinagtratrabahoan mo?" Pakiusap nya.

probinsyanang palabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon