part 2

959 37 0
                                    

Alice pov.

Isang buwan na ako dito sa manila. Tinatawagan ko naman ang pamilya ko sa probinsya. Dahil kay angel nagpapasalamat ako dahil naging kaibigan ko sya. Nalaman ko ding nagtratrabaho din sya sa isang bar inaaya nya ako pero nag dadalawang isip pa ako dahil hindi ko naman alam ang trabaho doon.

Andito kami sa canteen ngaun kasama ko sila max at angela yung iba kasi may sarilng lakad ng may biglang pumasok na ngaun ko lang ulit nakita simula ng unang klase dito sa S.U. napansin naman iyun ni max.

"Jacey jay. Isang lesbian na walang pake sa paligid nya." Biglang sabi nya kaya napatingin ako sakanya. "Yung tinitignan mo si jacey yun." Sabi nya.

"Nag aaral din sya dito?" Tanung ko.

"Oo kaklase ko sya pero hindi ko sya nakakausap mashadong mailap sa mga tao iisa lang kaibigan nyan dito."

"Opssss sorry nadulas kasi sa kamay ko." Biglang may nagsalita sa likod ko dahil nataponan ako ng juice. Ang lagkit huminga ako ng malalim at tinignan kung sino ang tumapon ng juice saakin.

'The bicth hanna william.' sya lang naman ang nagtapon nun alam ko naman na sinasadya nya yun dahil. Nung isang araw ay nabangga ko sya dahilan matapon sakanya ang hot choco na hawak nya. Nag sorry naman ako pero hindi nakinig kaya simula kahapon ay binubully nya ako pero lumalaban ako.

"Alam mo ang childish mo talaga noh.? Sino ba naman maniniwalang hindi mo sinandya ang pagtapon saakin nito?" Singhal ko. "You know nag sorry na ako sayo nung isang araw pero para kang bata na inagawan ng laroan sa mga ginagawa mo." Madaming nagulat sa sinabi ko dahil balita ko walang sumasabat sakanya dahil isa syang anak ng isang namamahala dito sa school na ito.

"How dare you to talk to me like that!!" Sigaw nya sa muka ko.

"Ewww tumatalsik pa ang laway mo sa muka ko." Sabay punas ko sa muka ko. Narinig ko naman na tumawa ang kasama ko at kasama nya.

"Anong tinatawa tawa neo huh?" Tumigil naman agad sila sa pagtawa. Magsasalita pa sana si hanna pero inunahan ko na.

"Alam mo maganda ka nga mukha ka namang matalino pero sinusunug na ang kaluluwa mo sa impyerno.." sabi ko nakita ko namang namumula ang kanyang muka sa galit kaya naman napangisi ako sakanya. "Hindi porket scholar lang kami sa university na to kayang kaya mo kaming tapak tapakan."

Nakatingin lang sya saakin na nanginginig sasampalin nya sana ako kaso nahawakan ko ang kamay nya. "Kung hindi dahil saamin na mahihirap wala ka ngaun sa kinakatayuan mo ngaun tandaan mo yan." Matapang na sabi ko sakanya sabay bitaw sa kamay nya at tumalikod na umalis naman kami agad para makapag palit na ako ng damit.

Narinig ko pa ang sigaw nya na hindi pa daw kami tapos. Kumaway lang ako sakanya natatawa naman ang mga kaibigan ko sa ginawa ko.  "Hanep lice angtapang mo ah ngaun lang may gumawa ng ganun kay miss hanna." Hangang sabi ni angel saakin.

"Alam mo kahit naman kasi mahirap tau kaylangan nating lumaban para hindi tau tapaktapakan ng mga mayayaman. Na mga yan." Nag agree naman sila.

Nagpaalam na ako na uuwi muna ako ng apartment para mag palit. Mayklase pa kasi sila mamaya pa angklase ko pagkatapos non ay mag hahanap na ako ng trabaho.

Natapos na ako sa klase ko hindi na ako nagpaalam kay angel dahil mamaya pa matatapos ang klase nya. Pumupunta naman ako kay sir william dahil may sinasabi syang trabaho para saakin.

Matapos namin mag usap ni sir ay lumabas na ako ng campus at nag hanap pa ng isang trabaho. Pag thuthutor ang binigay nya saaking trabaho. Pumayag na ako sayang din naman yun.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang cafe na hiring kaya naman pumasok ako para kausapin ang maneger ng cafe.

"Yes ma'am ilan po kau?" Tanung ng isang waiter na sumalubong saakin.

probinsyanang palabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon