part 11

529 22 0
                                    

Jay pov.

       "Kuya jj!!!" Salubong saakin ni nina nang makapasok ako ng mansyon. Balak kong ayain ang kambal para mamasyal isang linggo na din akong di umuuwi kaya naman tawag ng tawag saakin si mommy para daw dumalaw. "Buti naman po pumunta kana dito." Nag pabuhat pa ito saakin at tumingin sa likod ko.

"Sinung hinahanap mo?" Tanung ko kay nina dumating naman si nico. Gaya naman ni nina tumingin din ito sa likod ko kaya naman tumingin din naman ako pero wala namang ibang tao doon. "Sino hinahanap neo?"

"Si ate alice po. Nasan po sya?" Malungkot na tanung ni nina. Nang sabihin nya ang pangalan ng taong ilang linggo ko nang hindi nakakausap simula nang malaman nyang anak ako ng stanford. Ibinalik rin nya ang perang ibinigay ko sakanya at sabi pa nya.

'hindi na ako magtratrabaho sayo. Pasensya na.' yan ang huling sinabi nya saakin. Yun ding gabing yun hindi nya na ako pinapansin. "Pasensya na kayo hindi makakasama si ate alice neo busy kasi sya sa school okey.?" Sabi ko sakanila naiintindihan naman nila kaya pumasok na kami.

"Mommy andito na po si kuya jj!!!!" Masyang sabi ni nina. Lumabas naman si mommy mula sa kusina.

"Hey mom." Lumapit naman ako sakanya at humalik sa kanyang noo. "Pasensya na po hindi ako nakasama nung isang araw may inasikaso pa po ako sa school." Paliwanag ko dahil dapat pupunta kami sa puntod ni kuya.

"Okey lang nak. Alam ko naman na nauna kanang nav punta bago kami." Nakangiti na sabi ni mommy. Nalungkot naman ako dahil hanggang ngaun ay hindi ko pa matanggap na wala na ang isa pang kapatid ko.

"Anak wag kanang malungkot sige ka baka bisitahin ka ng kuya mo nyan." Pananakot ni mama. Nailing na lang ako sa pananakot nya saakin.

"Nga pala mom lalabas kami ng kambal. Para naman hindi magtampo tong mga to."

"Yeheey." Sigaw naman ng dalawa."talaga kuya ?" Tumungo naman ako.

"Kaya naman mag bihis na kayo." Sabi ko sakanila. Umalis naman agad sila para mag ayus.

"Kamusta kana anak?" Tanung ni mommy.

"Okey naman po."

"Balita ko wala kanang nakakasama sa pag punta sa mga event na pinupuntahan mo?" Napayuko naman ako dahil sa sinabi nya.

"Opo. Baka naman busy talaga sya." Sagot ko naman sakanya.

"Alam kong may nangyari."

"I tell her the truth mom."

"Anong totoo?"

"Na isa akong stanford."

"Oh yun naman pala anong problema?" Takang tanung nya saakin.

"Hindi ko din alam. Nang sabihin ko yun sakanya kinabukasan sinubukan ko syang kausapin para sa event sa baguio pero umiwas sya saakin."

Pagkatapos naming mag usap  ni mama ay umalis na kami ng mga bata. "Okey guys saan nyo gusto?"

"Sa park po kuya.!!" Sabay na sagot nila. Napangiti naman ako sakanila dinala ko sila sa park.

"Andito na tayo." Masayang sabi ko sa mga bata dahil sa sinabi ko ay nag unahan silang lumabas. "Mag iingat kayo.!!!" Sigaw ko sakanila. Inayus ko muna ang kotse bago ako lumabas sumunod naman ako agad sakanila at nakita ko silang naglalaro kasama ang mga ibang bata.

Napatingin naman ako sa kaliwa ko dahil feeling ko may nakatingin saakin. At tama nga ako nakita ko si hanna doon na nakangiti saakin. Lumapit naman ito saakin.

"I didn't know na pumupunta ka rin pala dito sa park." Sabi nya nang makalapit na ito saakin. Hindi ko sya sinagot at pinanuod lang ang kambal. "Why don't we leave jay lets talk please." Pumunta sya sa harap ko kaya naman napatingin naman ako sakanya. "G..gusto ko lang na mabalik tayo sa dati. Bago tayo magpakasal."

probinsyanang palabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon