part 9

510 25 0
                                    

Jay pov.

   Habang kumakain kami ni alice ay napansin kong lagi syang nakatingin saakin. "Anong itatanong mo?" Sabi ko ng hindi tumitingin sakanya.

"Ano kasi yung tanung ko kanina sagutin mo na." Pangungulit nya tumingin naman ako sakanya napangiwi naman sya dahil yinignan ko sya ng seryoso. "N..naku hayaan mo na wag mo na lang sagutin hehe." Sabi nya at sumubo ng pagkain nya. "Gusto mo?" Nilapit nya saakin yung kutsarang may lamang pagkain.

Isinubo ko naman agad ito nagulat sya dahil hindi nya inaasahan ang ginawa ko. Nakita ko pang namula sya at umiwas ng tingin saakin napangisi naman ako nang kunwaring umubo sya. Pinagpatuloy ko na lang ang pag kain namin ng may nagsalita.

"Hindi ko alam na may lakad pala kayo ni jacey alice." Napalingon ako sa nagsalita.

"Jhon?" Gulat na sabi ni alice ako naman ay kumain na lang. "Anong ginagawa mo dito?" .

"Wala kakain sana kami ni ate dito nakita kita kaya lumapit ako. Hindi ko alam na magkakilala kayo ni jacey." Sagot ni jhon.

"Ganun ba asan na ate mo?" Tanung ni alice.

"Nasa table namin wala pa naman order namin eh. Jacey pwede ba kitang makausap?" Tumingin naman ako sakanya dahil ngaun lang nya ulit ako kakausapin. Tumingin naman ako kay alice at ngumiti naman sya saakin.

"Sure." Tumayo na ako at sumunod sakanya matapos nya magpaalam kay alice at hinalikan nya pa ito sa pisngi. Nakalabas na kami hinihintay ko na lang na mag salita si jhon.

"I like alice." Unang sabi nya hindi ako sumagot agad dahil nabigla ako sa pag amin nya. "Kung dati jay nag away tau dahil kay hanna dahil sa pag katorpe ko ngaun hindi na. Uunahan na kita bago ka pa jay." Tumingin naman ako sakanya.

"What do you mean?"

"Let's be friends again jay i miss my best buddy." Nakangiting sabi nya. "Pero sana hayaan mo akong makadate si alice. Dahil nung unang aya ko sakanya nag cancel sya." Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko gusto ang naririnig ko. "Nakita ko kayo sa park ang sasaya neo eh. At kanina hindi sya pumayag dahil may lakad pala kayo." Hindi parin ako sumasagot sa mga sinasabi nya. "Ano ba kayo ni alice para naman alam ko kung saan ako lulugar.?" Tanung nya.

"Look jay let's start again to be friends." Pakiusap nya saakin. Jhon is my best buddy sa mga kalukuhan namin sa states yung mga masasayang nangyari saakin ay kasama ko sya. "Contact me pag naka pag disisyon kana alam mo naman kung pano. At isa pa pag aayain ko si alice lumabas sasabihan kita para naman kung may lakad kayo alam ko din." Nakangiting sabi nya yung ngiting totoo.

Habang sinasabi nya yun saakin at nagpapaalam saakin para lumabas sila ni alice ay parang tumutusok sa puso ko. Naiinis na din ako kanina sakanya pero nang makita sa mga mata nya ang pag kakatotoo ay naalala ko ang pinagsamahan namin.

Mabait si jhon yun nga lang may pagkasutil kaya nga naging magkaibigan kami dahil sa mgakalukohan namin. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si jhon na kausap ang ate nya. Nang makita ako ng ate nya ay kumaway saakin ngumiti naman ako sakanya ng pilit.

Bumalik na ako ng table namin sakto naman na dumating na bill namin kaya binayaran ko nalang at umalis na kami. Kumaway naman si alice kay jhon na may malaking ngiti. Tinignan nya naman ako at ngumiti pa saakin tumungo na lang ako sakanya at lumabas na.

Tahimik lang ako sa biyahe namin papuntang bar. "Anong pinag usapan neo ni jhon?" Biglang tanung ni alice. Hindi ko sya sinagot habang naaalala ko ang mga sinabi nya saakin ay hindi komaiwasang mainis nang hindi ko alam. Nakarating na kami ng bar nauna na akong lumabas ng kotse alam kong nagtataka si alice sa mga kilos ko pero hindi ko iti pinansin.

probinsyanang palabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon