part 7

613 32 0
                                    

Jay pov.

   Hinila ako ni alice kung saan may nag bebenta kong ano. Hindi ko alam ang tawag dito dahil hindi naman kami kumakain ng mga pagkain sa tabi tabi lang kahit naman nag tatago ako sa mga tao.

"Masarap yan tikman mo." Sabi ni alice nang iabot saakin yung bilog na puti. "Fishball ang tawag jan, yung pahaba naman ay kikiam" sabi nya at tinuro yung brown na pahaba.

"Eh yung kulay orange na yun.?" Tanung ko at sinubo yung fishball. "Masarap nga." Pagkatapos kong namnamin yung fishball.

"Sabi ko sayo eh. Eto kwek kwek ang tawag jan." Inabot naman nya saakin yung kulay orange na bilog. "May maliit na itlog jan."

"Ate alice gusto ko din namin ng kwekkwek." Biglang sulpot ng dalawa.

"Sandali lang. Manung anim na kwek kwek pahiwalay tigtatlo para sa mga bata." Sabi nya sa nag titinda.

Habang nakakasama ko si alice ay lalong gumagaan ang loob ko sakanya hindi ko alam kong bakit. Kaya kanina nang ayahin sya ng mga bata ay parang nag dadalawang isip pa sya ay hindi ko maiwasang madismaya. Akala ko hindi sya papayag na sumama saamin pero masaya ako dahil pumayag sya.

"Nga pala alice inaya ka ni jhon mag dinner. Bakit daw?" Nagulat sya sa tanung ko ako din nagulat din sa lumabas sa bibig ko.

"Ah hindi ko din alam."

"Gusto mo ba sya?"

"Uhm ewan, mabait naman si jhon kaso may pagka hangin lang sa katawan. Bakit mo naman natanung?"

"Wala lang hindi ko alam na may guts na pala syang mag aya ng babae para lumabas." Sabi ko sakanya.

"Mag kakilala kayo ni jhon?" Tanung nya tumungo naman ako.

"Pero dina kami magkaibigan." Sabi ko dating kaibigan ko si jhon nag away lang kami dahil lang kay hanna hindi ko alam na may gusto din pala sya sa babaeng yun.

"So dati magkaibigan kayo?" Tumungo naman ako. "Anong nangyari bakit ngaun parang hindi kayo magkakilala?"

"Long story."

"Kuya jj may tubig po kayo?" Tanung ni nina.

"Nauuhaw kana ba?" Tumungo naman sya. "Ikaw nico gusto mo ng tubig?" Tanung ko gaya ni nina tumungo din sya dahil may laman pa ang bunganga. "Okey wait me here okey bibili lang ako. Wala kasi taung baon na tubig."

Umalis na ako may nakita akong nag bebenta ng tubig sa gilid kaya naman pinuntahan ko ito.

"Hello jacey. Bat nandito ka?" Maynagsalita saaking likoran.

"Anna. Pinasyal ko lang yung dalawang bata." Sagot ko at binayaran ang tubig na kinuha ko.

"Ang dami naman nyan kung tatlo lang kau dito." Sabi nya.

"Kasama namanin si alice."

"Ohhh kaya pala my date kaya di nagreply." Pang aasar nya. "Bes i texted you earlier para sa bar pero mukang busy ka kaya naman hinanap kita haha." Napatingin naman ako sakanya. Na nagtataka.

"Pano mo naman na laman na nandito ako?"

"Tracker." Nailing na lang ako sakanya.

Nakalapit na kami kila alice nakita namin na nakikipaglaro sya sa dalawa. "Alice baby.!!!!" Sigaw ng katabi ko. Napatingin naman si alice saamin.

"Anna anong ginagawa mo dito?" Tanung ni alice.

"Namiss kasi kita kaya naman pinuntahan kita haha." Sabi ng lokong kaibigan ko. Si anna is bi sinabi nya din saakin na type nya daw si anna dahil simpling tao lang daw sya at kaya nyang ipaglaban ang sarili.

probinsyanang palabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon