part 15

491 22 1
                                    

Jay pov.

Kamot kamot ko ang ulo ko habang sumusunod sa dalawang babae papasok ng bahay nila alice. Niyaya nya kaming doon na kami mav usap dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Ate alice!!" Biglang may sumigaw sa likoran namin kaya napatingin kami dito. Pero nagulat ako ng makita ko at itchura ng Ferrari na kotse ko nkatayo lang ako at nakatulala. Pano ba naman kasi yung batang sumigaw ay pinatungan nya ang sasakyan ko ng hawak nyang mga kahoy. "Ang ganda ng sasakyan kanino ito!!" Napansin nya siguro na maykasama si alice. "Ate mayfe ikaw pala." Patakbo itong lumapit kay pinsan at niyakap iniwan nya lang ang dala nya sa kotse ko na hanggang ngaun ay nakapatong.

Naglakad naman ako patungo dito at nakatitig lang. Natauhan ako ng makita kong tinatanggal ni alice ang mga kahoy.

"Nakupasensya kana miss Stanford sa kapatid ko." Nag aalalang sabi nya dahan dahan naman akong tumingin sakanya at mgiyak ngiyak. Favorite ko ang sasakyan na yun kaya ganto na lang angnaramdaman ko.

"M...mayfe?" Utal kong sabi.

"Insan ano ka ba papalinis na lang natin wag kanang umiyak jan." Sakakambal ko kasi ito kaya ganun na lang ang pagpapahalaga ko dito.

"Pa..pasenya na po." Nakayukong sabi ng kapatid ni alice. "Ako na lang po maglilinis nyan alam ko naman po kung pano maglinis."

"Yun naman pala. Wag kanang mag alala kilala ko si junior marunung mag car wash yan dahil umiextra yan sa car wash sa bayan." Sabi naman ni mayfe kaya naman naputongo na lang ako at walang magawa.

Pumasok na kami sa bahay nila at binati ang magulang ni alice. Close naman si mayfe sa pamilya ni alice nalaman din nila na isa ako sa boss ni ni alice kaya nagpasalamat ang mga ito. Hindi ko inaasahan na dito rin pala sya nakatira nagulat ako dahil nang makita ko si mayfe na kinakausap sya.

Pumunta ako dito dahil isa kami sa sponsor ng fiesta ngaung taon na ito. Pinadala ako ni mommy dahil hindi daw sya makakapunta at may out of the country daw sila ni daddy. Ang totoo nyan ay sinama ko si angel pero nasa hotel sya pagod daw kaya naman magpapahinga daw muna sya kaya di ko sya kasama ngaun.

"Nga pala alice. Kasama ko si angel pumunta dito nasa hotel sya sa bayan nag papahinga." Pag papaalam ko sakanya. "Wala ka naman sa manila kaya naman sya na lang isinama ko para makatulong ko dito sa fiesta para bukas." Paliwanag ko.

"Talaga? Pasensya na kung alam ko naman na dito kayo pupunta di sana sumabay na ako. Hanggang bukas na rin naman ako dito saamin dahil yun naman ang paalam ko sa school." Malungkot na sabi nya napatingin naman ako sa magulang nya at malungkot ding nakatingin sa anak nila.

"Dont worry tatawag na lang ako kay tito william na kasama kita ngaun dito." Seryoso kong sabi. Bigla namang lumiwanag ang muka nya at napatingin saakin at niyakap nagulat ako sa ginawa nya at lihim akong napangiti.

"Thank you jacey.!!!" Nakatingin lang ako sakanya dahil ngaun nya lang ulit akong tawagin sa pangalan ko. "I mean ms stanford." Bigla naman akong nadismaya ng kumalas sya sa pagkakayakap saakin tumungo na lang ako sakanya.

"Bes puntahan natin sila emil alam ko miss kana din nila." Biglang sabi ni pinsan.

"Sge punthan natin miss ko din yung mylabs ko haha." Tumawa din si pinsan sa sinabi ni alice. Pero ako nakaramdam ako ng inis ng sabihin nya yun.

"Ikaw insan sama ka?" Tanung ni mayfe.

"Hindi na pupuntahan ko pa si angel para makakain na rin sya." Sabi ko napansin ko din naman na napatingin saakin Si alice.

"Pwedeng sumama?" Nagtaka ako kung bakit kasi kasasabi lang nila na pupunthan nya ang mylabs nya. "Pwede naman kami na mamayang pumunta sa pupunthan namin ni mayfe eh." Pagkukumbinsi nya. "Sama kana bes para papakilala kita sa kaibigan ko sa manila."

probinsyanang palabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon