7: SEE YOU AGAIN

27 10 0
                                    

I'm trembling as I hear the screeching of knife in the wall.Fuck! Bat kaylangan umabot sa ganto? Why why?!

Pinipigilan kung makalikha ng ingay habang ang mga kamay ko ay nakatakip ang kamay sa aking bibig tuloy rin ang pag agos ng mga luha ko sa aking mata.

"Hummmmm hummmm hummm humm hummm mmmm🎶"Pipi akong nagdadasal para sa aking kaligtasan ko as I hear the the voice humming of a song.

Ang kantang alam na alam ko ,ang kantang yun ang dahilan kung bakit kami naririto ang kantang dinala kami sa aming mga tiyak na kamatayan.

'Its been a long day without my friend and I'll  tell you all about it when I see you again'

Bawat pagkanta nya ay nakakapangilabot,  nanginginig kung tinakpan ang dalawa kong tenga at patuloy na pinipigilan ang aking hikbi.

Oh g-god pl-please he-help me,  naluluhang kung dasal sa aking isipan. Halos dumugo na ang labi ko dahil sa pagakakakagat ko dito, I can taste my own blood.

"Guys where are you, why are hiding with me? Don't you lovee anymore?" Parang batang reklamo ng boses na yun habang patuloy na pinapadaan ang kutsilyo sa pader.

Tiningnan ko naman si Trisha na sa aking unahan bakas sa mukha nito ang ang takot, umiiling iling akong tumingin sa kanya habang nanginginig na inilalagay ang hintuturo  ko sa aking labi as I mouthed at her "shh". At takot naman itong tumango habang nanginginig ang mga kamay na tinatakip sa bibig nito.

Dumaan ang ilang oras wala na kaming narinig na ingay, mga huni ng ilang insekto at ang mga nakakapanlamig na tahimik na lalaong nagpatindig ng balahibo ko. 

Lalabas na sana ako sa ilalim ng kama ngunit muntikan na akong pasigaw ng biglang may humandusay  na pugot na ulo ni Kielo sa sahig, nakaawang ang mga bunganga nito ang isang mata ay nawawala. Putol ang tenga at ang leeg nito ay parang nilagari ng dahan dahan.

I can mirror myself in my mind. Alam kong namumutala na ako ngayon. Tila natulos lang akong nakatingin dito, ang paghinga ko din ay nagyigil habang nakatingin sa katawan ni Kleo.

Nagsipatakan ang luha ko, bumuka ang ang bibig ko at sumigaw ako ng walang tunog sobrang lakas ng tibok ng puso at umiiling iling habang pinagmamasdan ang ulo ni Kielo, wala akong magawa habang unti unti nya kaming pinapatay wala akong magawa habang patuloy nya laming hina-hunting isa-isa para bawian ng buhay.

Lilingunin ko na sana si Trisha ng mapansin kong hindi sya gumagalaw sa kinakadapaan nya hanggang may narinig akong yapak na tumatakbo habang umiiyak at ang tawa ng isang pamilyar na tao sakin. Ang tawa niyang malademonyo, nakakapandig balahibo.

Umalis ako sa pagkakadapa sa ilalim ng kama ganun na lamang ang takot ko at habag ng makita ko ang katawan ni Kielo hiniwa ang katawan nito ay ang mga lamang loob ay nagkanda-kanda hiwalay sa kanyang tiyan.

Di ko maiwasang masuka sa aking nakita, napakabrutal.  Hinndi na ako nag dalwang isip pa at tumakbo sa labas ng kwartong iyong bawat apak ko ay iniiwasan kong gumawa ng ingay. Ang gusto ko lamang ay makaalis na lugar na to. Ayoko na.

Suminghap ako ng makita ko kung sino ang nasa taas ng kisame si Maze,naluluha akong umiiling iling.  Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa mga nakikita ko,wala na itong mga braso at paa,ang mga mata nito ay tirik na tirik habang nakalawit ang dila.

Nangingig at nanghihina akong napasandig sa dingding. May isa pang tao na nasa tabi nito. Umawang ang labi ko nang makilala ko kung sino to.

Katabi nito si Jelo, ang kaniyang nobyo tuklap ang balat nito na halatang binuhusan ng kung anong mainit na bagay mulat din ang mata nito. Hindi ko na masikmuraang tingan sila kaya iniwas ko ang aking paningin at nagpatuloy sa pagtakbo ng tahimik.

Their Paths (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon