*door bell ringing*"Hon, pwedeng ikaw magbukas ng pinto? Di pa ako tapos sa niluluto ko eh."
"Sige, hon.", sabi ng lalaki at tumayo sa kinauupuan niya.
Nang buksan niya ang pinto, bumungad sa kaniya ang mga anak niya.
"Hi pa!!", sabay yakap ni Alex sa kaniya. "Goodmorning po.", mahinang sabi ni Xander, hindi gumagalaw sa kinalalagyan niya.
Medyo naging distant ang binata sa papa nila simula nung naging bakla siya. Hindi naman sa tutol ito sa pagiging bakla niya. Pero ayaw nito na masira ang tiwala ng mga ka-alyado nito sa business kaya pinipilit nito na mabago si Xander.
Si Alex ang pinakamalihim sa kanilang dalawang magkapatid. Willing namang tulungan ni Xander ang bunsong kapatid sa pagtago ng sikreto niya na tomboy siya.
"Bakit napadaan kayo rito?", tanong ng papa nila habang kumalas sa pagkayakap kay Alex.
"Nagpumilit kasi siya na dito magpalipas ng weekend.", pabirong sabi ni Xander. "And yet you agreed.", sagot ng nakababatang kapatid niya. Muling binalik ni Alex ang tingin niya sa papa nila at nagsalita. "Ayaw mo ba kami makita ni Kuya?", pagpapacute niyang sabi. Halos masuka si Xander at Alex sa babaeng-babae na aktingan na nagaganap.
"Syempre gusto. Nagulat lang ako na biglaan kayong dumating.", sabay ngiti sa kanilang dalawa.
"Hon, sila Xander ba yan?", pasigaw na tanong ng nanay nilang nasa kusina.
"Pasok kayo."
Dali-daling pumasok ang dalawa at dumaretso sa kusina. "Ma!!", sabay yakap ng dalawa.
"Kamusta ang mga anak ko?", malambing na tanong ng kanilang ina. "Ayos naman po, ma. namiss namin kayo.", lambing pabalik ng bakla na si Xander.
"Napakalambing mo naman.", sabay gulo sa buhok niya. "Ma?! Ilang minuto ko tong inayos!!", reklamo niya.
"Pft- echoserang bakla.", paglait ng bunso ng pamilya. "Oh oh, bago pa kayo mag-away, tulungan niyo muna ako dito sa niluluto ko.", awat ng nanay nila bago pa magsimula ang pag-aaway aso't pusa ng dalawa.
Dahil sa hindi maka-hindi ang mga ito sa kanya, tinulungan nalang ng mga ito ang ina nila. Katapos ay sabay-sabay silang pamilya na kumain sa hapag-kainan.
"Kamusta sa university niyo? Nahihirapan ba kayo? Pwede naming kausapin ang mga Montevilla at Garcia tungkol doon-", sunod-sunod na sabi ng nanay nila hanggang sa putulin ng tatay nila ang sinasabi nito. "Hon, paano matututo yung mga bata kung di sila mahihirapan. They need to experience things para pagdating ng araw, we could let them manage the corporation."
Palihim na umirap ang magkapatid nang marinig nila na tungkol nanaman sa business ng pamilya ang pinagsasasabi ng tatay nila. Napabuntong-hininga si Alex at sumubo ng isa sa pagkain niya.
"Whatever.", sabi ng nanay nila. Muling itinuon nito ang atensyon niya sa mga anak niya. "Tamang-tama, habang nandito kayo, we should call the others to have a dinner here tomorrow."
"Others? Who?", patanong na sabi ni Xander. "Your friends and their parents."
Nasanipan si Alex sa narinig niya mula sa tatay niya. Inabutan siya kaagad ng tubig ni Xander.
"Is there something wrong?", tanong ng kanilang ina. Agad-agad namang umiling ang dalawa.
Alex cleared her throat and spoke. "Kasama sila Mr. and Mrs. Garcia?", she asked. "Of course, dear. They're Leo's parents. Bakit? Ayaw mo silang makita?"
YOU ARE READING
LOVE & PROMISES [Editing]
Fanfiction[TAGLISH] ♡ A story of a girl wherein the family she loves became someone who betrayed her Alex is a strong yet vulnerable 18-year old girl. She helped her friends and others. She can do anything for them. For their own good. The only thing she can'...