Page-1

156 13 1
                                    


The Aces:

Ace of diamond:♦️

Damon King Sandoval

Ace of Hearts:♥️

Hercules Sandiego

Ace of spade:♠️

Spike Davon Montecillo

Ace of flower:♣️

Clover Jack Ferre




Diary's owner:📝

Lucia Montoya




<Damon King Sandoval>

"Damn it losers!! Get lost!"

..sigaw ko sa mga mahihinang grupo na nakasagupa namin dito sa abandunadong gusali. Malapit lang ang lugar na ito sa school kaya ang lakas ng loob ng mga gagong 'yun na sumugod at maghamon ng away gayong mga mahihina naman. Hindi man lang ako pinagpawisan.

"Tsk.. p^ta ang hihina ng mga tarantadong yun. Hindi ko man lang nagamit ang kanang kamay ko." pagmamayabang ni Clover.

"Sa susunod kasi Clover, kanan ang gamitin mong panlaban para magamit mo naman." nakangising sabi naman ni Spike.

"Tsk.. ang lakas ng loob maghamon ng mga tangina wala namang binatbat. Partida apat lang tayo nyan at sampu silang sumugod.. Di man lang ako pinagpawisan." sabi ko sabay kuha sa bag kong nakalagay sa lumang upuan.

"Let's go.."yaya naman ni Hercules sa amin.. Sabay bitbit ng bag niya palabas ng abandunadong gusali at sumampa sa pader na nakakonekta sa garden ng Ace High School..

Sumunod naman kami at nagsi-sampahan na din sa pader. Pagkababa namin ay nagyaya si Clover na magpahinga muna kami na agad sinang-ayunan ni Spike. Tinahak kaagad ang daan papunta sa may malaking punong-kahoy kung saan kami unang nagkikita-kitang magkakaibigan na sa kalaunan ay nakabuo kami ng grupo at pinangalanan naming Aces. Unang taon pa lang namin sa high school ng mabuo namin ang grupo at hanggang ngayon ang sumpaan naming walang iwanan ay nakatatak pa rin sa puso at isip namin..

***

:for references>

Ang Aces ay binubuo ng apat na cards:

Ang ace of diamond ay pagmamay-ari ng leader ng Aces na si Damon King Sandoval. Siya ang naging leader dahil sa angking talino at lakas nito. Alam ng lahat na pagmamay-ari din ng pamilya nito ang Ace High School na tinayo ng kanyang Lolo kaya sa lahat ng studyanteng pumapasok sa paaralang ito, siya pinakasikat at pinakamakapangyarihan. Lahat ng hilingin niya sa loob ng school ay pinagbibigyan hindi lang ng mga kapwa studyante pati na din ang mga guro. Sikat din ito dahil gwapo at matangkad ito na kahit sinong babae ay mapapatingin talaga kapag nakikita na siya. Pero masyado itong mapaglaro sa babae na parang pagbibihis lang ng damit kung magpalit ito.

Ang ace of heart naman ay pagmamay-ari ni Hercules Sandiego na mahilig sa pagtugtog ng mga instrumento sa musika kaya naging sikat din siya hindi lang sa paaralang kanyang pinapasukan kundi pati na din sa ibang schools. Madalas siyang pinanlalaban sa mga kompetisyon na may kinalaman sa musika na lagi nitong ikinapanalo. 'There's no room for losers' ika niya sa sarili. He is a silent type person, a snob and a cold one. Pero mas nagugustuhan ito ng mga babae kaya kahit hindi nito sila pinapansin ay hindi siya nawawalan ng girlfriend na kalaunan ay nakakalimutan din niya na meron siya dahil wala siyang pakialam.

Ang ace of spade naman ay pagmamay-ari ni Spike Davon Montecillo na kilala sa buhok nitong nakataas kaya Spiky ang kadalasang tawag sa kanya. Palabiro at jolly type naman si Spiky na akala mo hindi marunong magseryoso sa buhay. Mahilig din itong mang-asar sa mga kaibigan niya at laging bukambibig ang katagang "it's a prank" kapag nakakaloko na ng kapwa studyante. Tinatawag siyang black sheep of the family dahil sa madalas na pagkakasangkot nito sa pagbabasag-ulo. Pero gaya ng mga naunang kasama ay chic-magnet din ito at kabi-kabila ang girlfriend na minsan ay nagpapang-abot na kaya may nangyayaring sabunutan at sampalan.

Me and the Aces - Love; LucyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon