Chapter 10- Pair

28 17 9
                                    

After the weekend, I don't know why I felt better. Hindi naman siguro sa "time heals" kemekeme ito. I think, it is because for the first time in my life, there is someone who listened to my problems.

Thanks to Louis.

Nandito ako ngayon sa room and I don't want to sit beside a snake anymore. A friendly snake who bites when you're not looking.

"Excuse me, Jasmine right? Can we trade seats?"

"Ah yeah, Lucy. Diba bestfriend mo si Jane? Bakit ayaw mo na siyang katabi?"

"Just trade, please" , pagmamakaawa ko. As much as possible, ayoko munang ma stress. I don't want to explain.

"Okay"

Madali naman pala siyang kausap.

Habang hawak ko ang aking mga gamit ay nararamdaman kong may nakatingin sa akin at alam kong si Jane iyon at si Jasper.

Hindi ko na lang pinansin hanggang sa matapos ang klase.

Si Louis, ayon, late na naman as usual. Pero agad niya naman ang nilapitan kaninang lunch break na. Oo, gumaan ang loob ko sa kanya. Wala na akong nararamdamang galit o di kaya'y hindi na nangangati ang kamay ko upang maghiganti.

"Louis, kain tayo."

"Crush mo na talaga ako, Lucy?"

"Kapalmuks. Tara na kasi!"

"Wait, ayusin ko lang bag ko"

Sabay kaming naglakad. The people around us seem to look at a couple for the first time. Thou walang kami ni Louis. Maraming nagtitinginan. Maraming nagtitilian at nagbubulungan.

This man beside me is a magnet of girls.

As usual, we ate at the Heaven Taste Restaurant. I'm starting to like places na hindi sosyal. Hindi naman pala masamang kumain sa hindi mahal. Ang masama ay kainin iyong hindi ka naman mahal. Char!

"L-louis, i-ihatid mo'ko mamaya ah. Wala kasi iyong driver namin. Nagbakasyon.", Ang totoo ay gusto ko lang naman siyang kasama pa mamayang uwian. Although totoo namang nagbakasyon ang driver namin pero may isa pa namang driver. Pinayagan ko na lang makita ang pamilya  ng driver ko kasi good mood ako.

"Eh, wala naman akong kotse eh. Baka madumihan iyang kutis mo kapag nagmotor tayo. Diba nga "yucky" yon?", Ginaya niya ang pagsasalita ko ng yucky with emphasis.

"K-kung ayaw mo huwa-"

"Sige."

Yes!!

Pagkatapos niyang um-oo ay bumalik na kami sa Smith University para pumasok sa last subject namin sa hapon. Ang lecturer namin ngayon ay si Mr. Alcantara at sinabi niya last meeting na may sasabihin siya ngayon. Some are excited but me, I feel nothing but boredom. May pa bitin effects pa ampucha!

"Good afternoon students. As I've said last meeting, I'm gonna tell you something today which I think will make you happy."

"What is it sir?"

"I'm excited."

"Pauso naman si sir eh."

"Sir dali, may date pa'ko"

"Napansin ko na hindi pa ka'yo masyadong nakapag-adjust sa new blockmates ninyo that's why I'm going to give you an activity."

Cutting Her Horn [On-Going]Where stories live. Discover now